TATUM'S POV
Halos sampung segundo rin ang itinagal nun hanggang sa lumayo na ako sakaniya at pinagmasdan ang gulat na gulat nitong mukha.
"Ayaw mo parin?" Muli kong pagtatanong sakaniya kaya agaran itong umalis sa ibabaw ko at tumayo ng maayos.
"Gago ka! Bakit mo ako hinalikan? Gusto mo ba ako?!" Bulyaw nito sa akin sabay punas ng kaniyang labi gamit ang nakakuyom niyang kamao at halatang diring-diri siya sa ginawa ko.
Kalmado lang akong tumayo at pinagpagan ang katawan ko. "Kung alam ko lang na isang halik lang ang katapat mo edi sana ay matagal ko na iyong ginawa." Bulalas ko sabay lapit sakaniya ang aking mukha na agaran niyang ikinaatras. "Subukan mo ulit na magmatigas at hahalikan ulit kita." Pagbabanta ko sakaniya na mukha namang umubra.
"f**k you." Tanging saad nito at itinulak ako palayo sakaniya.
Umayos naman ako ng pagkakatayo at humalukipkip. "Okay, tutal ay nasa kwarto kita may mga rules akong ipapatupad na dapat mong sundin kung ayaw mong mahalikan ulit."
"Tang ina mo, Tatum! Tang ina ng pamilyang ito! May pala puna akong ama at kakambal na malaswa." Wika nito na tinawanan ko.
"Ulol hindi ako malaswa. Mabalik tayo sa usapan. May mga rules akong sasabihin kaya makinig ka ng mabuti." Turan ko at tumikhim.
Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako nito.
"Hindi pwedeng ikaw lang ang masusunod kaya dapat ay meron rin akong rules na ipapatupad. Tatlong rules ang ipapatupad ng bawat isa sa atin, deal?" Aniya.
Ngumiti ako tumango. Ito ang unang beses na nag-usap kami ng matino at may kasunduan pa. Hindi naman kasi talaga siya ganun kasama, alam kong kulang lang siya ng atensyon lalo na't nakapokus ang lahat sa akin.
"Rule number 1, bawal mo na akong halikan." Seryoso niyang hayag.
"Okay, pero kapag hindi mo sinunod ang mga rules ko ay hahalikan kita bilang parusa." Pananakot ko pa upang masigurong magtitino na siya.
Alam kong hindi siya gugustuhing mahalikan ulit kaya susundin niya ako. Pakiramdam ko ay dito na magsisimula ang trabaho kong gawin siyang matinong tao.
"Fine!" Inis niyang sagot at inirapan ako. "Rule number 2, hindi mo pwedeng pakialaman ang buhay ko at ang mga gamit ko."
Tumango-tango nalang ako habang iniisip kung anong gamit niya ang papakialaman ko eh lahat naman ng narito ay gamit ko at wala siyang kahit na isang damit na narito.
"And rule number 3, sa sahig ka matutulog." Lintana nito na nginitian ko.
"Copy." Sagot ko sabay upo sa gilid ng kama ko, nanamnamin ko na muna ang bawat sandaling ito. "Simple lang naman ang mga rules ko, rule number 1, simula ngayon ay tatawagin mo na akong ate." Panimula ko na ikinanlaki ng mata nito.
"What?!"
"Rule number 2, sasabay ka sa akin sa tuwing breaktime at lunchtime sa school. Ayos lang sa akin kung hindi mo ako kakausapin at hindi rin kita papansinin kung iyon ang gusto mo pero kailangan mong maupo sa tabi ko." Salaysay ko pa.
"Teka-"
"And rule number 3, kung may problema ka ay wag lang mahihiyang lapitan ako, kambal tayo hindi ba?" Pagpapatuloy ko.
Suminghal ito at sinamaan ako ng tingin pero inilahad ko sakaniyang harapan ang aking palad.
"Deal?" Tanong ko rito.
Napatingin ito sa palad ko at bumuntong hininga sabay hawak roon.
"Fine, ate." Matigas niyang sambit at may pandidiri pa sa boses niya sa pagsambit ng salitang 'ate'.
Mas lalo naman akong napangiti sa napagkasunduan namin. Ramdam ko at alam ko na dito na magsisimula ang paglapit namin sa isa't isa. Kaunting tiis lang ay siguradong mapapabago ko na siya at matatanggal ang pagkamuhi niya sa akin at kay dad. Kaunting tiis nalang.
•|||•
"At saan mo balak pumunta?"
Nahinto si Toose sa ginagawa niya at napairap sa hangin.
"Rule number 2, hindi mo pwedeng pakialaman ang buhay ko." Aniya at inakyat ang punong nasa harapan niya ng walang kahirap-hirap, halatang sanay na sanay siya.
Humalukipkip naman ako at tinaasan siya ng kilay. "Rule number 2, sasabay ka sa akin tuwing lunchtime. Thirty minutes nalang at lunchtime na kaya hindi ka pwedeng umalis at magtungo sa kung saan." Pangangaral ko naman rito pero inismiran niya lang ako at tumalon hanggang sa makasampa ang mga paa niya sa flat na itaas na bahagi ng pader.
Napasinghap naman ako sa ginawa nito dahil hindi ganun kasapat ang tinatapakan ni Toose upang lagi siyang makatuntong rito, isang pagkakamali lang ay maaaring mauntog ang ulo niya sa pader.
Pipigilan ko pa sana siya pero tumalon na ito pababa sa kabilang bahagi ng pader kaya hindi na ako nakapagsalita.
Nalintikan na. Magagalit nanaman si dad kapag nalaman niya ang pangyayaring ito. Suminghal ako at naglakad palapit sa puno.
"Pahamak kang Toose ka." Bulalas ko at inakyat narin ang puno sabay talon gaya ng ginawa ni Toose.
Napatingin naman ako sa ibaba at nakitang lupa ang pagbabagsakan ko kaya naman tumalon na ako hanggang sa ligtas akong makalapag sa lupa.
Hindi ito ang unang beses na magcu-cutting classes ako pero ito ang unang beses na magcu-cutting ako para lang sa kapatid ko.
Natanaw ko si Toose na sumakay sa isang motor na nasa hindi kalayuan at nagsuot ng helmet. May nakita naman akong taxi kaya agaran ko iyong pinara at sumakay sa backseat.
"Kuya, sundan mo ang lokong iyon at wag mong tatanggalin ang paningin mo sakaniya kung ayaw mong tanggalan kita ng mata." Usal ko na ikinangiwi naman ng driver.
Sa likod ng maamo kong mukha nakakubli ang mga kalokohan ko. Isa rin akong matigas na ulong estudyante, ang kaso lang ay eksperto ako sa pagtatago ng mga kalokohan ko habang ang iba ay lantaran kung kumilos, isa pa ay marami akong kakampi na susundin ang ipapagawa ko. Boyish ako kaya kayang-kaya kong upakan ang taong kinabubwisitan ko.
Sinimulang paharurutin ni Toose ang motor na sinasakyan niya kaya agad naman ito ng sinundan ng taxi driver.
Inilabas ko ang aking cellphone at itinext si Flint na gawan kami ng excuse letter ni Toose dahil pinapatawag kami ni dad sa bahay dahil may emergency. Kitam? Pati sa pagsisinungaling ay nagagawa ko ng walang pagsisisi.
Ibinalik ko ang aking phone sa aking bulsa at ipinokus ang tingin sa harapan.
Ilang minuto lang ay huminto si Toose sa pagmamaneho at bumaba ito sa sinasakyan niyang motor. Napatingin naman ako kung nasaan na kami at nakitang pamilyar ito sa akin, race field.
Nagbayad na ako sa taxi driver at bumaba na sa sasakyan nito. Hindi ko inaasahang napapadpad si Toose sa ganitong klaseng lugar.
Pumasok nalang ako sa loob habang patuloy parin ang pagsunod kay Toose hanggang sa makapasok ito sa isang silid na ikinahinto ko at tumingala upang basahin kung ano ang nakasulat sa pinto.
"Registration Room." Bulalas ko at agarang nanlaki ang mga mata. Teka, ano?! Maglalaro siya?!
Agad akong napatalikod ng lumabas siya ng kwarto at naglakad paalis. Hinintay ko munang makalayo-layo na siya hanggang sa sumunod naman akong pumasok sa loob ng registration room.
"Codename." Walang buhay na tanong ng isang lalaking nakaupo sakaniyang swivel chair at mukhang hindi masaya sa trabaho niya.
Napangisi naman ako at sinuklay paitaas ang aking buhok. "Tomatum." Sagot ko na agaran niyang in-en-code sa computer niya at inabutan ako ng card na kaya agad ko iyong kinuha sabay lakad palabas.
"Tammy!"
Nag-angat ako ng mukha at nakita si Warren na nasa harapan ko at malawak na nakangiti.
"Aga mo ngayon ah, nasaan si Flint?" Usal nito at nakipag fistbump sa akin na sinundan niya ng pag-akbay.
"Nasa school pa at taimtim na nag-aaral." Sagot ko naman na tinawanan niya. "Teka, handa ba ngayon ang boyfriend ko?" Pag-iiba ko ng usapan na mas lalo niyang ikinatawa at hinila ako.
"Kailan ba siya hindi naging handa?" Patanong nitong sagot.
Nagpalit na ako ng damit upang makapaghanda at pagkatapos ay muling hinarap si Warren.
"Sayang at wala si Flint na manenermon sayo, but in his behalf I'll do it." Hayag nito at huminga ng malalim. "Siraulo kang gago ka. Subukan mo lang magasgasan sa larong ito at sasapukin talaga kita. Wag kang magpapatalo dahil malaki ang pusta ko sayo. Subukan mong matalo at maba-bankrupt na ang negosyo ng mom ko. Punyeta ka, mag-iingat ka." Mahaba nitong lintana dahilan ng paghingal niya kaya tinawanan ko siya.
"Alam mo pwede na kayong maging mag-asawa ni Flint." Komento ko na ikinapula ng kaniyang pisngi sabay tingin sa ibang direksyon. "Biro lang." Dagdag ko pa at sumakay na sa kotse.
Hinaplos ko ang manibela at napangiti. "Nice to see you again, my love." Bulalas ko at binuhay na ang makina.
Narinig ko na pinapatawag na kaming mga manlalaro kaya naman pinaandar ko na ang kotse ko kasama ang mga makakalaban ko.
Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin si Toose pero nahirapan ako dahil sa dami ng mga kalahok na kasali. Abala ako sa paghahanap hanggang sa mapatingin sa katabi ng sasakyan ko, si Andrius, ang lalaking pinakadelikadong makalaro sa isang karerahan.
Ngayon ay pinagsisisihan ko na na sumunod pa ako rito at sumali sa laro. Pero hindi rin, mas mabuti na yun upang maprotektahan ko si Toose.
Pero ang problema...nasaan na si Toose?