TATUM'S POV
Suminghap ako at tumingin sa kabila pang kotse. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang naroon si Toose at walang suot na helmet.
Wait, what?!
Umalingawngaw ang malakas na pagputok ng baril na ginagamit sa mga karerahan kaya nagsimulang humarurot ang mga kotseng nakapaligid sa akin.
"Dang!"
Napahampas ako sa manibela at sinimulan narin ang pagpapatakbo ng aking sasakyan. Kung saan-saan ako lumusot para lang maabutan ang sinasakyan ni Toose na malayo na ang distansya sa akin.
Wala pang isang minutong nagtatagal ay may mga bumaliktad ng kotse, at ang mga iyon ay ang mga kotseng nakapalibot sa sasakyan ni Andrius.
"Tammy, iwasan mo si Andrius hangga't maaari. Tama si Flint, mas mabuting umuwi ng walang laman ang bulsa kaysa iuwi kang bangkay." Pamamalita sa akin ni Warren sa pamamagitan ng radyo.
"Hindi siya diyos kaya bakit ko siya katatakutan?" Matapang kong sagot kahit na ang katotohanan ay nilulukob na ng kaba ang buong pagkatao ko, hindi para sa sarili ko kundi para kay Toose.
Ilang saglit lang ay natanaw ko si Toose na nasa unahan habang may dalawang kotseng nakapaligid sakaniya at mukha ng balak siyang pisain, mga kasamahan ni Andrius.
Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko at binangga ang likuran ng sasakyan ni Toose upang maitulak ito sa harapan sabay tapak sa preno kaya nagkiskisan ang dalawang sasakyan. Nagtulakan silang dalawa hanggang sa tumaob ang isa.
Inunahan ko naman ang sasakyang natira at napatingin sa rear mirror. Suminghal ako ng makita si Andrius na palapit na sa amin.
Binangga ko ang sasakyang pilit akong inuunahan hanggang sa siya ang na-eliminate sa laro.
"Tammy! Pagkakataon mo ng manalo!" Puno ng pagkasabik na sambit ni Warren pero hindi ko iyon pinansin.
"Warren, i-connect mo ako sa sasakyang nasa unahan." Seryoso kong sambit at mas lalong nataranta dahil bawat segundo ay palapit ng palapit ang sasakyan ni Andrius.
"Okay...tapos na." Sagot naman nito.
Huminga naman ako ng malalim at sumeryoso na ang mukha. Alam kong ang pangit ko na sa mga oras na ito dahil yun ang sabi ni Flint, pumapangit daw ako kapag sobrang seryoso ko.
"Wear your helmet." Pangangaral ko kay Toose.
"Teka, ano?! Sino ka ba?" Naguguluhan nitong saad sa kabilang linya.
"Wear your helmet, brat. That's an order from your elder sister so do it!" Ma-awtoridad kong hayag rito at saktong binangga ni Andrius ang sasakyan ko kaya naman nagpagewang-gewang ang pagmamaneho ko hanggang sa mapag-iwanan na ako ng dalawa, mabuti nalang at hindi pa ako natatanggal sa laro.
"Matagal na akong napipikon sayong gago ka."
Binuhay kong muli ang aking makina at binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan nito.
Ilang dipa nalang ang layo ko sakaniya hanggang sa nanlaki ang mga mata ko ng makitang nagpaikot-ikot ang sinasakyan ni Toose at bumangga iyon sa barrier. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang nakalabas ito ng ligtas sa sinasakyan niya.
Agaran ko namang ihininto ang kotse ko sa tabi nito at binuksan ang pintuan ng passenger's seat kaya napatingin ito sa akin.
"Hop in." Alok ko na ikinakunot ng kaniyang noo. "Bilisan mo at ayokong matalo sa gorillang iyon!" Asik ko sakaniya dahil napupuno na talaga ako ng pagkainis.
Agaran naman itong pumasok kaya muli kong pinaandar ang sasakyan ko matapos makapag seatbelt ni Toose.
"Sinundan mo ako rito?" Tanong ni Toose na halos magdikit na ang kaniyang kilay habang nakatingin sa akin.
"Oo." Seryoso kong sagot at naningkit ang mata. "Kaya maupo ka nalang diyan at panoorin mo kung paano ko tapusin ang larong ito." Pahayag ko.
Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho kahit na delikado na ito para imaneho sa edad ko.
"Gusto mo bang i-connect kita sakaniya?" Tanong ni Warren na inilingan ko.
"Wag. Hayaan mong siya ang gumawa." Sagot ko at naghintay.
"f**k you!"
Natawa naman ako ng marinig ang napipikong boses ni Andrius.
"f**k yourself dude, hindi ako pumapatol sa mabantot na gaya mo." Sagot ko naman at inunahan na siya sa pagmamaneho. Nilingon ko naman siya sa rear mirror at napangisi.
Nagtungo siya sa kanan upang makalusot pero hinarangan ko siya. Nagtungo naman siya sa kaliwa pero hinarangan ko ulit siya.
"Bye bye gorilla." Mapang-asar kong hayag at binilisan pa ang pagmamaneho hanggang sa matapos na ito.
Ihininto ko naman ang sasakyan at kapwa kami lumabas ng kotse. Sinalubong kami ni Warren na abot langit ang ngiti at iginaya nito ang daan kaya naman sumunod kami sakaniya hanggang sa makabalik na kami sa silid namin at doon ko na tinanggal ang helmet ko.
"Tammy, kukunin ko muna ang boyfriend mo ha?" Pamamaalam ni Warren na tinanguan ko lang at pinanood siyang lumabas kaya napatingin ako kay Toose na nakatingin rin pala sa akin.
Nilapitan ko ito at sinunggaban siya ng halik na agaran niyang ikinaatras pero hinila ko naman siya palapit sa akin. Tumagal lang iyon ng ilang segundo at lumayo na rin ako sakaniya kasabay ng pagbitaw ko.
"Yan ang parusa mo sa hindi pagsunod sa rule number 2 ko." Seryoso kong turan.
Sinamaan ako nito ng tingin at pinunasan ang kaniyang labi pero nakita kong namula ang kaniyang mukha. Siguro ay dulot lang iyon ng init ng panahon, idagdag pa ang mainit naming kasuotan.
Siguro nga.
•|||•
"Pwede bang tumigil ka na?!" Inis na sigaw sa akin ni Toose pero nilakasan ko lang ang pagtawa ko dahilan upang mas lalo iyong mainis sa akin.
Buong biyahe patungo sa eskwelahan ay inaasar ko siya sa pagkatalo niya, umabot iyon hanggang sa klase, at pati ngayong nakauwi na kami ng bahay.
"Bakit ngayon lang kayo?"
Napahinto kami ni Toose sa paglalakad at napatingin kay dad na nasa harapan na pala namin. Sumunod naman kaming nagkatinginan ni Toose at nagpapakiramdaman kung sino ang sasagot sa tanong ni dad. Tumikhim naman ako at ibinalik ang tingin kay dad.
"Lumabas po kami ni Toose pero nag cutting classes kami thirty minutues bago mag lunch." Pag-aamin ko ng katotohanan at napangiwi ng sikuhin ako ni Toose kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Okay. Magpalit na kayo ng damit at kakain na tayo." Kalmadong sagot ni dad at naglakad na paalis.
"Ganun nalang yun? Hindi siya magagalit?" Takang tanong ni Toose habang pinagmamasdan si dad na naglalakad palayo sa kinatatayuan namin.
"Siguro ay natutuwa siyang magkasama tayo kaya binalewala niya ang ginawa natin. Ang totoo ay mababaw lang naman ang kaligayahan ni dad." Sagot ko at inilapit ang aking labi sakaniyang tenga. "Pero wag mong sasabihin na sumasali ka sa karera dahil baka bigyan ka niya ng mas malalang parusa." Bulong ko rito.
Nilingon ako nito at kapwa kami natigilan ng mapagtantong sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"B-bakit ako lang ang mapaparusahan, ikaw nga itong mas magaling pa kaysa sa akin." Aniya na ikinangisi ko at tinapik ang pisngi niya.
"Mukha bang kapani-paniwalang nakikipagkarerahan ako?" Tangi kong saad at ipinikit-pinikit ang aking mata at naglakad na.
"Kung ganun ay gagamitin mo na sa akin iyon bilang panakot mo at para mahawakan mo ako sa leeg? Tuso ka rin pala." Usal naman nito habang sinasabayan ako sa paglalakad.
"Masyadong mababaw ang dahilang iyon para gawin kong panakot sayo, isa pa, wala akong balak na hawakan ka sa leeg." Hayag ko naman at pumasok na sa aking kwarto habang siya ay nakasunod.
Nagpalit na kami ng damit at inayos ang aming sarili.
"Hindi talaga ako makapaniwala na mas magaling ka sa akin sa pakikipagkarera." Bulalas nito na ikinahinto ko sa pag-aayos ng buhok ko.
Hinarap ko naman siya at niyakap mula sakaniyang likuran sabay kiliti sa tagiliran niya na ikinaliyad nito.
"Ito ang unang beses at unang araw na may na-compliment ka, ang malala pa roon ay ako pa na kapatid mo, na halos isumpa mo na dahil labis kang namumuhi." Wika ko at kiniliti ito.
"Ah! Stop it!"
Sa sobrang galaw niya ay nawalan ako ng balanse at napaupo sa kama habang ito naman ay nakaupo sa ibabaw ng hita ko. Agaran naman akong natigilan sa pagkiliti sakaniya ng makaramdam ng kung ano.
"Okay, tama na. Wag kang masyadong makulit dahil nararamdaman ko ang matambok mong pwet."
Agaran naman itong umalis sa ibabaw ko at sinamaan ako ng tingin. Tinaasan niya ako ng gitnang daliri na tinawanan ko lang. Ito ang unang beses na nakakulitan ko siya at nalamang may kiliti pala siya.
Matapos iyon ay nagtungo na kami sa ibaba upang saluhan si dad sa hapunan. Nadatnan namin si dad na may kasalo na mag-asawa, isang babae at isa pang lalaki na mukhang ka-edaran lang namin.
Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita kung sino ang isa sa mga babae. s**t! Si Ivana ba yun?!
"Dad, may bisita ka pala." Hayag ko sa kalmadong boses kahit na nagwawala na sa loob ng didib ko ang aking puso kapag nakikita ang mukha ni Ivana.
"Tatum!"
Napatingin ako sa lalaki na siyang tumawag sa pangalan ko, nakangiti ito ng malawak sa akin na para bang masaya siyang nakita ako. Gwapo siya, matangkad, may masiglang pagmumukha, at mukhang mayaman.
"Uhm, hello?" Ilang kong bati sakaniya.
Paano niya nalaman ang pangalan ko gayong hindi ko naman siya kilala? Sikat na ba ako ng hindi ko man lang nalalaman?
Napawi ang ngiti sa labi nito at napalitan ng lungkot ang kaniyang mata. May nasabi ba akong masama? Ano bang dapat kong sabihin sakaniya? Uy ikaw pala, kamusta? Uy, mabuti naman at bumisita ka, sino ka nga ulit? O mag I love you nalang ako?
Paano ba 'to?