TATUM'S POV
"Maupo kayo."
Humakbang kami ni Toose at naupo sa silyang iginaya ni dad sa amin.
"Pasensya na Simon pero hindi ka na niya naaalala. Naaksidente siya at nawalan ng memorya." Sambit ni dad na ikinuso ng lalaking tinawag niyang Simon at tinignan ako na puno ng awa. "By the way, Tatum, siya si Simon Villarreal. Matalik mo siyang kaibigan bago ka nawalan ng memorya." Pagpapakilala ni dad sakaniya.
Tumango-tango nalang ako at nginitian si Simon.
"Nice to meet you, Simon. Pasensya na kung hindi kita maalala." Saad ko at napakamot sa aking batok.
Ngumiti naman ito ng tipid. "That's okay. Ang mahalaga ay nasa maayos kang kalagayan at mas lalo kang gumanda."
Natawa nalang ako sa sinabi niya kahit na naiilang ako. Sa totoo lang ay mas gusto ko yung papuring, gwapo. Hindi ko rin alam kung paano siya pakikitunguhan gayong kaibigan ko pala siya noong bata ako. Nakakalungkot lang dahil nagkita kami sa panahong hindi ko siya maalala, masakit siguro ito para sakaniya.
Inalok kami ni dad ng pagkain kaya naman nagsimula na kaming galawin ang mga pagkaing nakahanda. Pero paano ako makakakain ng maayos kung ang ultimate crush ko ay nakaupo sa mismong harapan ko?
Jusko, malalagutan na ata ako ng hininga.
Siya ang dahilan kung bakit ako nagcu-cutting classes. Pinupuntahan ko siya sa school nila upang panoorin siya sa pagrerehears ng kanilang cheer. Isa pa, nililigawan ko siya kahit na ayaw niya.
Gaya nga ng sinabi ko ay boyish ako, okay, tomboy na kung yun man ang maitatawag sa akin.
Nahinto ako sa pagpapantasya ko kay Ivana ng maramdamang tinapakan ni Toose ang paa kong nasa ilalim ng mesa kaya naman nilingon ko siya.
"Focus on your food." Seryoso niyang turan na tinanguan ko at ibinalik na ang atensyon sa pag-ubos ng pagkain ko, subalit hindi ko parin maiwasang wag sulyapan si Ivana.
Nang mapadpad naman ang mga mata ko kay Simon ay napansin ko itong nakatingin rin pala sa akin pero mabilisan siyang nag-iwas ng tingin.
"Siya mga pala, ililipat na namin ng eskwelahan sina Simon at Ivana sa Oreo Academy. Kung pwede sana ay gabayan sila ni Toose at Tatum tutal ay matagal na silang nag-aaral roon." Pagbubukas ng usapan ng isang lalaking isa rin sa mga bisita ni dad.
"What?!"
"Really?!"
Sabay na sabay pa ang pagsasalita namin ni Toose kaya naman napatingin silang lahat sa aming dalawa.
Nagkislapan ang mga mata ko ng maisip na magiging kaklase ko na si Ivana, ibig sabihin ay hindi ko na kailangan pang mag-cutting classes.
"Matanda na sila para gabayan pa." Pagtataray ni Toose.
"Me! I'll guide her, I mean them." Presinta ko na ikinangiti naman ng mag-asawa. Dagdag pogi points ito para sa magulang ng babaeng nililigawan ko.
Pogi points amp.
"Mukhang nagkapalit kayo ng katauhan ni Toose. Dati ay si Tatum ang madalas magsungit pero tignan mo naman ngayon, sobrang sigla niya. Napakasarap ring pagmasdan ang kaniyang mukha lalo na kung nakangiti ito." Pahayag naman ng babae.
Kulang nalang ay magtatatalon ako sa ibabaw ng mesa sa sobrang tuwa. Pinuri ako ng future mother-in-law ko.
"Ibig sabihin po ba nun ay nakakasuka ang mukha ni Toose dahil palagi siyang nakabusangot?" Wika ko na ikinasinghap ni Toose at iniangat ang babasagin niyang baso na walang laman at mukhang balak niya itong ihampas sa akin. "Bakit hindi mo ituloy?" Panghahamon ko rito.
Huminga naman ito ng malalim at ibinalik ang baso sa ibabaw ng mesa na siyang ikanangiti ko. Inakbayan ko naman ito at ginulo ang kaniyang buhok.
"Kahit na gaano pa kalala ang galit mo sa akin ay hindi mo naman pala ako kayang saktan." Turan ko na sininghalan niya.
"Bitawan mo ako, gago." Malamig niyang ani kaya naman ibinaba ko na ang aking kamay.
"Rule number 1, ate ang itatawag mo sa akin at hindi gago." Pagpapaalala ko sakaniya.
"Rule number 2, hindi mo pwedeng pakialaman ang buhay ko, gamit ko, at mas lalo na ang buhok ko." Asik naman nito sa akin at halatang inis na inis na siya.
Ngumuso lang ako at tinapik-tapik ang mesa gamit ang aking daliri. "Kalma lang. Isa pa, hindi mo naman yun sinabi kaya hindi ko naiwasan."
Suminghap naman ito sa sinabi ko.
"Fine. Rule number 4, hindi mo na ako pwedeng kilitiin at hindi mo pwedeng guluhin ang buhok ko." Anito na tinangu-tanguan ko na para bang isang masunuring bata.
"Ang cute."
Sabay kaming napatingin sa direksyon ni Simon ng marinig ang sinabi nito. Panay ang pagbubungisngis niya kaya naman nagkatinginan ulit kami ni Toose at umiling-iling nalang.
Sinabi niyang ang cute namin pero dahil sa ginagawa niya ay parang gusto kong ibato pabalik sakaniya ang salitang 'cute' kaso nga lang hindi tama yun dahil nasa tabi niya lang si Ivana na siyang nililigawan ko. Baka magselos siya.
Nagpatuloy na kami sa aming kinakain na sinabayan pa ng kwentuhan. Napuno ng tawanan ang madalas na tahimik na dining area. Tatatlo lang naman kasi kaming kumakain rito at minsanan lang kaming kumain ng sabay-sabay. Minsan ay wala si dad dahil nasa trabaho pa siya, at minsan naman ay si Toose ang wala dahil nasa kung saang lugar nanaman ang mokong.
Lumipas ang ilang oras hanggang sa mapagpasyahan na nilang umuwi kaya naman bumalik nanaman sa pagiging tahimik ang buong bahay.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama ko at tumingin sa kisame sabay ngiti ng wala sa oras.
"Can you stop smiling like an idiot? And get the hell out of that bed, sa sahig ka parin matutulog." Sita nito sa akin.
Napaupo naman ako mula sa aking pagkakahiga at nakangiting bumuga ng hangin sabay tingin kay Toose.
"Damn it Toose. Hindi na ako makapaghintay na makita ulit ang maganda niyang mukha at astigan niyang kilos bukas. Isang galaw niya lang ay tumitibok na ng sobrang lakas ang puso ko, sa sobrang lakas ay parang gusto ko narin itong sabayan sa pagkibot." Pagsasalaysay ko rito at napahawak sa aking magkabilang pisngi ng maramdamang nag-iinit ang mga iyon.
Hindi ko alam kung normal lang na kiligin ang tulad ko sa kapwa ko babae, pero kung hindi ay okay lang. Sabihin na nating abnormal ako pero kinikilig talaga ako.
"The hell I care?" Tanging usal nito at naupo narin sa kama sabay sandal ng kaniyang likod sa headboard. "Pero sa tingin ko ay may gusto rin sayo si Simon. Ah, mali. Matagal ka na niyang gusto at mukhang hindi parin iyon nagbabago. Lahat talaga ay umaayon sayo." Dagdag nito na tinawanan ko. May pagkahangal din pala ang isang ito.
Sinuntok ko ng mahina ang tuhod nito at hinarap siya. "Siraulo, si Ivana ang tinutukoy ko at hindi si Simon." Pagtatama ko sakaniya na ikinatigil ito at tinignan ako.
Muli kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at napangiti ng makita ang mukha ni Ivana sa kisame.
"Ivana Villarreal is my ultimate crush." Pag-aamin ko sakaniya.
"Stop it."
Natigilan ako ng marinig ang sinabi nito at nilingon siya. Kinunotan ko siya ng noo dahil nagtataka ako sa sinabi nito.
"Ano?" Puno ng pagtataka kong tanong sakaniya.
Huminga naman ito ng malalim at nagtiim ang bagang. "Tigilan mo na ang pagkakagusto mo sakaniya, hindi maganda ang kalooban niya gaya ng nakikita mo sa panlabas niyang anyo. Binabalaan na kita. Isa pa pareho kayong babae." Seryoso niyang wika na para bang may pinagmumulan ang mga katagang iyon.
"At bakit naman?" Muli kong pagtatanong sakaniya.
"Rule number 5, hindi mo siya pwedeng ligawan, maging girlfriend, fiancée o asawa."
"Sandali lang Toose." Pagpipigil ko rito at naupo ako sabay tingin ng diretso sakaniya. "Naguguluhan na ako ha. Bakit naman hindi pwede? Wala siyang boyfriend at wala rin akong boyfriend. Pareho kaming hindi nakatali sa isang relasyon kaya bakit mo ako pinagbabawalan?" Sunod-sunod kong pagtatanong sakaniya.
"Hindi mo na kailangang malaman at gawin mo nalang!" Bulyaw nito sa akin kaya naman imbes na pigilan ang sarili ko sa pagtatanong ay mas lalo akong nagpursigi na malaman ang katotohanan.
Hindi ako mapapanatag ng hindi nalalaman ang totoo. Alam kong may mali rito subalit hindi ko naman alam kung ano iyon.
"Ano ba Toose? Bakit ba hindi mo masabi sa akin? Gusto ko lang naman malaman ang dahilan mo para maintindihan kita, pero paano mangyayari yun kung ayaw mong magsabi?" Panenermon ko sakaniya.
Hinintay ko ang sasabihin nito pero hindi siya umimik at nanatiling nakatingin sa akin ang mga mata nito.
Napabuntong hininga naman ako dahil sa ikinikilos niya.
"Hindi ka maaaring magbawal ng walang dahilan. Paano kung sinabi ko sayong bawal kang huminga, hindi ba't magtatanong ka rin kung anong dahilan ko?" Lintana ko pa.
Mariin itong pumikit at huminga ng malalim na para bang nag-iipon ng lakas ng loob.
Ilang saglit lang ay nagmulat ang mga mata nito at napatingin agad sa direksyon ko.
"Dahil ex girlfriend ko siya."