CHAPTER 48: Paghihirap

1693 Words

TOOSE'S POV Nagpabalik-balik ako sa paglalakad habang iniisip kung kumusta na ang kalagayan ni Lucy. Kung maayos lang ba siya sa loob. Kung nahihirapan siya. O baka naman matindi na ang sakit na iniinda niya. Suminghap ako at sinuntok ang pader. Bakit ba kasi nagkaroon ulit siya ng tumor gayong nagamot na ang nauna? "Coffee?" alok sa akin ni Reese kaya naman napatingin ako doon. "Salamat," sagot ko naman at tinanggap iyon, kahit na alam kong mas daragdag lang ito sa nerbyos na nararamdaman ko. Kalmado lang na nakaupo si Reese sa silyang nakahilera sa gilid at maingat na sumimsim sa kape niya, na para bang isa lang itong normal na araw. "Paano mo nagagawang maging kalmado lang habang nasa loob si Lucy at naghihirap?" taka kong tanong sa kaniya kaya napatingin ito sa akin at ibinaba ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD