LUCY'S POV "Toose?" Kinatok ko ang pintuan ng banyo at pinakinggan ang ingay sa loob. Rinig na rinig ko ang mariin niyang pag-iri na animo'y baboy na nanganganak. "Kung maka-iri ka parang nanganganak ka ah," komento ko at muli itong kinatok. Para siyang totoong nanganganak dahil halos tatlong oras na siyang nasa loob at nagle-labor. Naghintay ulit ako hanggang sa bumukas na ang pinto at tumambad sa akin ang namumutlang si Toose. "Tapos. Success," bulalas niya at iniangat ang singsing. Napatalon naman ako sa tuwa at inilahad ang aking kamay sa kaniyang harapan pero umiling ito. Dinaanan niya lang ako at nilapitan ang alcohol na nasa ibabaw ng bedside table. Ibinuhos niya sa palad niya lahat ng alcohol kaya naman napangiwi ako. Grabe. Pero kung sabagay. Sino ba naman ang hindi mandidiri

