TATUM'S POV Malalim akong bumuntong-hininga at napatingin sa wall clock na nakabitin sa pader, it was already 10 PM pero hindi ko magawang matulog dahil nakayakap sa akin si Toose. Hindi na siya kailangang lingunin, alam kong nakatulog na siya. Ilang segundo lang siyang nakahiga ay nakatulog agad, pero ni isang segundo ay hindi lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Suminghap na lamang ako at nag-isip-isip kung anong pwedeng gawin habang hindi pa ako inaantok... hanggang sa maalala ko ang huling katagang binitawan ni Toose. "Good night, sweet dreams... mia regina." Mia regina? Anong word 'yun? Kinapa ko ang aking cellphone at binuksan iyon. Matanong nga kay pareng google. Itinype ko iyon mula sa search bar at hinintay na magloading. Teka, bakit ang hina ng signal? "Wanna know wh

