TATUM'S POV "Saan kayo galing at bakit ihinatid lang ng guro niyo ang mga gamit niyo?" bungad na tanong sa amin ni Dad nang makauwi kami ni Toose sa bahay. Awtomatiko kaming nagkatinginan ni Toose at kapwa napa-isip sa magiging rason namin. "N-nagpunta po kami sa mall... May bibilhin lang sana kami kaya pinahatid lang namin kay Sir Mendez ang gamit namin," tugon ko at tumango-tango naman si Toose bilang pagsang-ayon. Tumaas ang kilay ni Dad na para bang hindi siya naniniwala, sabay itinaas ang hawak niyang cellphone. "Kanina pa ako ginugulo ni Flint. Nagtatanong kung nakauwi ka na saw ba dahil tinakasan mo siya sa date niyo. Nakikipagdate ka ng hindi ko alam?" hayag ni Dad kaya naman nanlaki ang aking mata at napatingin kay Toose. Naningkit ang mata nitong nakatingin sa akin. Oh jusk

