TATUM'S POV "Tatum!" Agad akong sinalubong ng dalawang katulong at yumakap sa aking katawan. Ramdam ko ang pag-aalala sa higpit ng yakap nila. "Pasensya na po kung ngayon lang ako," hayag ko sa nanghihinang boses at hinaplos ang buhok nilang dalawa. Namumutla talaga ako. Hindi ko maintindihan ang katawan ko, lalo na ang isipan ko. "Saan ka ba kasi nagpunta?" taka namang tanong ni Manang Lou at lumayo sa akin. Yumuko lang ako at hindi umimik. Ihinanda ko na ang sarili ko sa mga sermon nila pero sigurado akong hindi ako makakapagpaliwanag dahil wala na akong lakas. Gusto ko munang mapag-isa at magpahinga. Tanghaling tapat pero na drained na ako. Ubos na ubos na ang lakas ko sa hindi malamang dahilan. Umuwang ang bibig ni Yaya Brit pero mabilis namang tinakpan ni Toose ang tainga ko dah

