TOOSE'S POV Sinulyapan ko ang aking cellphone ko upang tignan kung nagtext na si Tatum, pero wala akong natanggap na kahit na ano mula sa kaniya. Kaasar! Ang sabi ko ay itext niya kung nasaan siya para masundo ko siya! Tatapusin ko na lang talaga 'tong isang subject at magka-cutting class na ako. Napagalitan pa ako noong mabilis akong lumabas sa classroom ng walang paalam at nabulabog pa ang klase, para lang sagutin ang tawag ni Tatum. "Tatum Lincoln, malilintikan ka talaga sa akin kapag nakita ulit kitang nakikipaglandian sa kahit na sino," inis kong bulalas sa hangin at malakas na hinampas ang mesa ko dahilan upang maagaw ang atensyon ng buong klase. "Mr Lincoln, kung may problema ka ay maaari ka ng lumabas sa klase ko," malamig na turan ng aming gurong si Mrs Guerre. "Sorry," tipid

