TATUM'S POV Mariin akong napalunok habang nakatutok ang mga mata kay Flint na kaharap ko dahil nakatagilid ako ng higa. Nililimitahan ko ang aking paghinga at hangga't maaari ay pinipigilan ko ang sarili kong gumalaw. Bakit ko ginagawa ito? Dahil nakahiga si Toose sa likuran ko at nakayakap sa baywang ko. Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'yun dahil nagising nalang ako na nasa ganito na kaming posisyon at hindi ito nakakatuwa, sa totoo lang at hindi na din ako makatulog dahil rito. Napangiwi ako nang gumalaw si Toose na nakahiga sa likuran ko at mas hinapit pa ang katawan ko palapit sa kaniya. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa sobrang pagka-ilang sa pwesto namin. Gusto ko nang magpalamon sa kama at mawala na sa mga oras na ito, o 'di kaya'y matulog na lang ako para hindi masaks

