TATUM'S POV "Ah! Ang sarap ng tulog ko!" Iniling-ilingan ko nalang si Flint habang ito'y nag-iinat. Abala kaming lahat sa pag-aayos ng gamit namin dahil maya-maya lang ay magsisimula na ang field trip namin patungo naman sa ibang lokasyon at para hanapin ulit ang panibagong bulaklak, ang Rafflesia. "Tatum, Toose, kayo ba? Kumusta naman ang pagtulog niyo?" baling sa amin ni Sir Mendez na ikinahinto ko sa aking ginagawa. Pakiramdam ko ay naputulan ako ng dila kaya hindi ako makapagsalita. Anong klase ba naman ang maisasagot ko sa kanila? Ayos lang? Maganda? Mabuti? Puno ng hiwaga? Putangina naman! "Ayos lang," tipid na sagot ni Toose at mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko itong nakatingin sa akin pero hindi ko siya binalingan pansin. Ngayon pa lang ay hiyang-hiya na ako sa nang

