Chapter 7

2966 Words

Hindi ko mapigilan ang mangilabot nang makita ko ang lalaking nakalutang sa swimming pool. Idagdag pa ang dugo na tila humalo na sa tubig nito. "My eyeglasses come in handy so its time to use it." Galak na galak na isinuot ni Robert ang sinasabi niyang salamin sa mata. "Knowing his hair color and its skin texture, maybe he is I think in his 50's or 60's," maikling dagdag nito. "Saan po kayo pupunta, Manang?" Nanginginig na napalingon habang papalayo sa amin ang babaeng kaninaʼy malakas na napasigaw nang makita ang katawan sa swimming pool. "H-hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag nakakakita ako ng mga bangkay. Sobra akong natatakot at hindi ko talaga kayang tingnan ang isang patay na tao, mga hijo at hija." pagpapaliwang nito. "But we need you for the investigation process po e."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD