Nagising ako dahil sa sinag ng araw. The sun is timidly rising at the east and felt its burning light within my wounded skin. Parang masusunog ang aking balat kapag tumagal pa ako sa arawan kung kaya't bumangon ako sa aking kinahihigaan saka umupo at niyakap ang sariling tuhod.
“May sugat at pasa nga pala ako dahil sa pagkakagulong ko kagabi,” saad ko habang tinitingnan ang aking mga sugat. I can pretty feel the fresh wounds beneath my skin. Hindi pa rin ako kumakain kagabi. Tanging mangga lang ang sumayad sa aking tiyan at nahulog pa iyon nang ako ay madapa. Nalipasan na naman ako ng gutom. Patay ako kay Lolo kapag nalaman niyang bumaba ako ng ilang kilo.
When I roam my eyes, I let out a sigh of relief and became excited as I saw foods in front of me. Kagabi pa ako gutom na gutom. ”Totoo kaya iyong nakita ko kagabi? That man with his unfamiliar presence? Siguro ay panaginip lang iyon.” Iwinasiwas ko na lang ang pag-iisip ng kung ano-ano ngunit sino naman ang maglalagay ng pagkain dito?
Muli akong tumingin sa paligid at baka may tao rin na narito na maaaring nagmamay-ari ng pagkain na nasa harap ko. Pero hindi ko rin mapigilan ang gutom ko kaya’t dinampot ko ang nakahain sa aking harapan. Pumitas ako ng isang saging mula sa buwig nito saka binalatan at kinain. Sa hindi ko malamang dahilan ay naparami ako ng kain ng saging.
Para sa akin ba talaga 'to?
I was too stunned to speak as something poked me at the back and made me forgot to breathe temporarily. Parang binigyan ako nito ng libo-libong kuryente sa katawan but I ended up being a statue.
Nagtatalo na ang aking puso't isipan kung lilingon ba ako sa likod ko o hindi. Baka ito na naman ang hayop na muntik na akong maging hapunan kagabi at iniisip niya na kinakain ko ang kaniyang umagahan o baka iniisip na lang niya na ako na lang ang kaniyang maging umagahan.
"Oh, you're already awake?" Napalingon ako sa aking likuran ngunit agad ko ring hinigit ang aking paghinga. Masyadong malapit ang aming mga mukha sa isa’t isa. Our eyes also met each other, making me forgot to move.
After a few moments, I spoke. "W-what?" I initiate talking to break the silence.
Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaluhod at napakamot sa kanyang batok at parang hiyang-hiyang lingunin ako.
"Have you already eaten?" magkasabay naming tanong sa isa't isa.
"Yes!" we answered again in unison. Napatawa naman kami sa aming tinuran.
Bahagya akong tumayo at humakbang papalapit sa kanya. Napapaatras naman siya sa tuwing pumupukol ako ng isang hakbang hanggang sa mapasandig siya sa malaking puno.
I pinched his cheeks. "Totoo ka nga!" manghang sambit ko na ikinalaki naman ng kanyang mata. "C-can you slap me?" I asked him. Baka kasi nananaginip lang ako ngayon.
"W-what? No!" he said, profusely confused.
"I just want to know if I'm not dreaming." I pressed my eyes closed, waiting his palm to land on my cheeks.
"O-okay. Wag kang magagalit ha," tugon niya na parang ayaw niyang gawin iyon dahil napipilitan lang siya.
Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman ko ang kanyang palad sa mukha ko at ang sakit na aking naramdaman ang siyang nagpanatag sa aking loob.
Kinurap-kurap ko ang aking mga mata. I even pain myself from pinching but, absolutely, I'm not dreaming! I'm totally not dreaming! Ibig sabihin, they are all real! That dream I thought happened yesterday night are all real!
"I'm not dreaming?" I asked him waiting for his 'yes' answer. Well, it's really unbelievable that someone is here with me. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ngayong ako lamang mag-isa ang narito sa kagubatan.
"Y-yes? I think?!" Lumapit ako muli sa kanya ng isang hakbang. "H-hey, you said I'll slap you, walang bawi–" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang yakapin ko siya. I can't help myself but to cry out of happiness. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak dahil sa wakas ay may kasama na ako ngayon dito.
"T-thank you!" I murmured.
Kumawala ako sa aking pagkakayakap at pinunasan ang aking mga mata gamit ang aking kaliwang braso.
I picked the banana and gave him some but I was alarmed when something strange whispered into my ear.
"W-what is that?" nanginginig na tanong ko. Nagulat ako nang takpan nito ang aking bibig at nabitawan ko ang hawak kong kalahating buwig ng saging.
"Shhhh. Don't speak," he whispered. Habang lumalapit ang tunog ay ang paglakas ng kaluskos ng mga tuyong dahon.
Trees are everywhere and green color dominates my eyes. Mga nagkalat naman na tuyong dahon ang makikita sa kalupaan ng kagubatan.
Nang makita ko ang paggalaw sa aking kaliwa ay bigla kong nakagat ang kamay ni Robert sa hindi inaasahan na sa ibon lang pala nanggaling ang tunog na iyon. Bigla-bigla kasing sumusulpot kung kaya't nagulat ako at nakagat ang kamay nito.
Natigilan ako nang alisin niya ang kaniyang kamay sa aking bibig at nang pasadahan ko ang kaniyang mukha ay sumeryoso iyon. Pinukol niya ang kanyang nakatatakot na tingin sa akin. He seems so angry and I can't help myself but to pinch myself
Napayuko na lang ako. "I-I'm s-sorry," mahina kong wika habang nahihiyang tingnan siya.
Hindi siya umimik bagkus ay umupo siya sa may tabi ng puno at ako naman ay umupo sa kabilang puno. I ate the other kind of fruit he brought. There's an unripe mango and a coconut. Sigurado naman siya na may laman ang niyog na iyon siguro kaya’t marahan kong itiniwarik upang mainom ang tubig niyon sa loob. Nang tatayo na ako ay napapiksi ako sa sakit. The fresh wounds started to kill me in vain.
What the?
Namimilipit sa sakit aking katawan. Bukod sa nga pasa at sugat ay masakit din ang aking mga braso. Hindi ko naman inaasahan ang paglapit niya sa akin gayong katabi ko na siya at binabalutan ng mga dahon ang mga pasa at sugat ko habang nakaluhod. I didn't even realized him approaching me.
I bit my lower lip to lessen the pain. I stared at his brown eyes but I averted my gaze as he stares at me. Nang matapos siya sa ginagawa niya ay bumalik na siya sa kanyang kinauupuan kanina.
"R-Robert, r-right?" utal na wika ko pero tinapunan niya lang ako ng saglit na tingin. Galit pa rin siguro siya.
Hindi ko naman sinasadya na kagatin siya. I was swayed by the situation. "I'm sorry. I didn't intend to hurt you. I thought–" Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang bigla siyang magsalita.
"Akala? Maraming tao ang namamatay sa maling akala!" he blurted out. There's a hint of anger and madness in his voice. "Akala nila mababaw yung bangin pero nang tumalon sila, sobrang lalim niyon! You should also think Bette, think of what is better than you thought!" he said but I just mentally rolled my eyes. Mabilis siyang tumayo at umalis.
Hindi ko alam kung bakit parang inis na inis na siya sa akin. Hindi naman masakit ang kagat ko. Hindi ko rin naman talaga sinasadya na gawin ko iyon. Hindi lang talaga ako makapag-isip kapag buhay ko na talaga ang nakataya. Siguro ay may period siya ngayon kayaʼt agang-aga ay ang init kaagad ng kaniyang ulo.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko pero huli na nang mapagtanto kong sinusundan ko na pala siya na para bang may sariling buhay ang aking mga paa. Kahit na nakatalikod pa rin siya sa akin ay kita ko pa rin ang inis sa kanyang mukha.
Napaatras ako nang bahagya nang biglang kumulimlim ang kalangitan at ang pag-atungal niyon ay halos ikinagulat ko.
Huwag naman sanang umulan.
Habang nakatingin sa ulap ay dire-diretso ako sa paglalakad. Nasapo ko ang aking ilong nang maumpog ako sa likod niya. I massaged my nose and I accidentally saw his wristwatch.
Napakunot ako kaagad ng noo nang biglang umilaw iyon from light green to dark blue. Agad naman siyang napalingon sa akin ganoon na rin sa kanyang relo at ang inis sa kanyang mukha ay biglang naglaho. Masama ang kutob ko.
Itutuloy...