WALA AKONG ginawa habang kasama si Aubs sa salon kundi magbasa ng magazine. I feel so proud that Rancel was the photographer of all of these. Gayundin si Aubs na nasa tabi ko, parehong magazine ang amin binabasa.
“I told you, maling hinala lang yun. Mabuti naman at kinausap mo, knowing you… you are not that confrontational type of person. You’re growing na, ah.” She smirked at me proudly. “Tsaka kung problema niyo lang naman ay baby, ibibigay ko sayo ang anak ko kapag bigla akong nabuntis ng wala sa plano.”
I looked at her horrified.
“Huwag mo ngang sabihin yan. Hindi ka ba maaawa sa anak mo?”
“I know that you guys want to have a baby. Pero ayoko, ayokong magkaanak.” She shook her head. Hindi ko alam kung anong rason sa biglang pagbabago ng desisyon niya. “Tignan mo ‘to!” Tinuro niya ang babaeng nasa magazine.
“Siya ba yung… fiancee ni Siv?” I asked unsure.
“Hindi! Kasabayan lang ng Fiancee ni Siv pero iba ‘to.”
“Bakit mo pinapakita sa akin?” taka kong tanong.
“Nabasa ko lang, si Lucianda daw yung tinitingala niyang fashion icon. Ang layo, hindi naman nag-model si Lucy. Naging model ba siya?” She questioned like trying to recall our younger years. Napangiti ako habang tinitignan siya.
“You miss Lucy?”
She snorted and looked away. Lucy has been gone, after the multiple scandals about her family and Kuya Alejandro.
“Sabagay, maganda naman talaga ang taste ni Lucy pagdating sa mga damit at pag-aayos. Kung nagmodel siya baka mas sikat pa yun sa Fiancee ni Siv.” she smiled and shrugged her shoulders.
“Why are you so inclined to models lately?” Bukambibig niya yan lagi.
“Nagagandahan kasi ako rito.” Pinakita niya muli sa akin ang larawan. Kung sa Fiancee ako ni Siv nagagandahan ay siya naman dito sa isang babaeng mestisa na mukhang alta. With glowing fair white skin like a Korean
model, pero ang mukha ay tila pinaghalong ganda ng Pinoy at Italian beauty. “Si Lucy daw ang idol,” she commented.
“That’s understandable, maganda nga.” Dahil dito kay Aubs ay baka magkaroon na rin ako ng interest pagdating sa mga models. Mukhang mas dumadami na ang alam ko mula sa mga naririnig sa kanya. “Sino nga ulit yung Fiancee ni Siv? I like her style.” Pero ni isa sa amin ay hindi pa siya nakikilala sa personal. Marami na akong naririnig na hindi maganda sa babae.
“Ely? Ewan ko, baga stage name lang.”
“How about that girl? Sino naman yan?”
She excitedly faced me.
“This Ave. Parang yung competition nila ni Ely is kind of close, pero mas sikat at maraming nagkakagusto kay Ely. Sino ba ang bet mo sa kanila?” Pinakita niya ang larawan, the pictures look in a rivalry mood.
“Si Ely.” Tinuro ko ang fiancee ni Siv.
“Ay! Bad girl pala gusto mo,” makahulugan niyang sambit at ngumisi. “By the way, my mom was asking for granddaughter na. Kaya naman, naisipan ko na gayahin si Rancel. Regaluhan si Mommy ng aso. What do you think? Makakatulong ba?”
Napahilig ako sa kinauupuan. Dumadami na ang tao sa loob ng salon. Patapos na rin naman kami.
“Malaking tulong. You should.”
Bumalik na ako sa pagbabasa sa magazine.
“Saan ba binili ni Rancel yun? Samahan mo akong pumili. I am not a pet lover, eh. I need your suggestions.”
Sinulyapan ko ito. Hindi ko naman alam kung saan binili ni Rancel yun.
“I’ll check on the record of Akki. May papers naman kasi akong naitago na mukhang galing sa store kung saan binili ni Rancel.”
NAKAPANGALUMBABA AKONG pinapanuod si Rancel sa kanyang pagluluto. Kahit kadarating niya lang sa trabaho ay nagpresinta na ito upang magluto. Hindi ko mapigilan na titigan siya.
“You look so happy. May nangyari bang maganda?” I sounded positive but he suddenly stilled and chuckled awkwardly.
“What do you mean? Hindi ba pweding gusto kong ipagluto ang asawa ko? Kailangan bang may mangyaring maganda?” He licked his lower lip and went beside me. Hinawakan niya ang stool bar chair at humilig sa akin. I bit his head to stare at me.
“Hindi naman.” I caressed his jaw and he gently closed his eyes. Napangiti ako at hinalikan siya sa panga. But I paused when I sniffed an unfamiliar scent on his neck. Dahilan para mas nilapit ko ang aking ilong sa leeg nito. I smelled a familiar luxurious lipstick or gloss. Dumikit ang amoy sa leeg niya kaya biglang kumalabog ang aking dibdib.
Hindi ko na napansin ang pagsimula ng halik niya sa aking leeg.
“I’ll take the call,” he whispered and touched my cheek before he went to the table. Hindi ko na nga narinig ang pag-ring ng cellphone niya sa pagkatulala.
“Uh-huh? Nasa bahay ako,” marahan niyang sambit at sinulyapan ako kaya napaayos ako ng upo. Hinayaan siya makipag-usap sa kabilang linya. “What? Right now?”
Napahilot siya ng sentido at tinalikuran ako para lumabas. Bumagsak ang tingin ko sa mga palad kong madiin kong pinipisil. Mariin akong napapikit hanggang sa narinig ang pagbukas ng pintuan. Akki barked and went to Rancel.
“May problema sa company. Hindi ako magtatagal, I’ll be back.” He went to me to give me a quick kiss, nagmamadali siyang lumabas at akmang susundin ni Akki ngunit huminto ang aso para tignan ako.
Napahilamos ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Sa pagtahimik sa loob ng bahay ay naramdaman ko ang matinding kalungkutan at takot. I have been doing some medical procedures for me to prepare for another IVF. Hindi ko alam kung ang pagiging emosyonalk ay dala rin nun.
Kumain akong mag-isa. Sunod-sunod ang tawag at text ko kay Rancel but I got no reply from him. Tanging sinabi niya ay huwag ko na siyang hintayin at mukhang malaki raw ang problema sa kompanya. But I waited for him. Gusto kong malaman kung anong oras siya uuwi. Kung bakit gabi ay kailangan niyang umalis para sa negosyong sinasabi niya.
Yakap ko ang aking tuhod habang nasa kama. Hindi ko alam kung sino ang aking kakausapin. Hindi ako komportabling magsabi ng problema sa iba, hindi rin ako ganun nagkakaroon ng problema. It was Lucianda who I could talk to about these things, but she is not here.
“Cams, I honestly don’t know where my sister is. Nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko alam kung nasaan siya. We are also looking for her.” That was Lucan’s statement when I called him.
Mas dumagdag ang aking pangamba nung makita na alas onse y media ay wala pa rin si Rancel. Kaya kahit alam kong hindi mababasa ni Lucy ang aking mensahe sa kanya gamit ang numero nito ay nagtipa ako ng nararamdaman.
‘Do you think Rancel is capable of cheating on me? He has been always on out of town trips. Hindi naman siya umaalis ng gabi, dahil ito na lang ang oras namin sa isa’t isa. Pero iniwan niya ako ngayon. Wala pa rin siya. Should I be worried?’
I heard the engine of the car outside from the silence of the midnight hour. Tumayo ako at pinahid ang luha, naabutan ko ang papasok na sasakyan ni Rancel. Dali-dali akong nagtungo sa kama at pinikit ang mga mata habang nakahiga.
A few minutes later, I heard his footsteps and the door opened. Naramdaman ko ang halik niya sa aking nuo at iilang segundo pa ang lumipas bago niya ako tinabihan sa kama. I sniffed and smelled a sweet scent that for sure was not from him. Bumagsak ang tingin ko sa braso niyang nasa aking baywang.
THE NEXT DAY, sinamahan ko si Aubrey sa store kung saan binili ni Rancel si Akki. Nakita ko lang kasabay ng papers ni Akki kaya madali ko rin nahanap ang! location. We went there and I helped. She chooses the dog. I didn’t tell her anymore about my instincts and worries. Ayoko na rin naman na magkaroon ng problema sa aming pagkakaibigan dahil na naman sa mga nararamdaman ko lately.
“You’re doing it again? Hindi ka ba nahihirapan? Can your body take it for doing IVF again?” pag-aalala na niya sa akin. “Umampon na lang kasi kayo. Pinipilit ka pa rin ba magkaanak?”
“Hindi naman pinipilit, he just expressed how much he likes it. Pero hindi para pilitin. Gusto ko rin ito.”
Napanguso siya at hindi na umimik pa.
“How did you find our store, Ma’am?” tanong ng babaeng staff doon na nag-aasist sa amin. Tinatanong si Aubs dahil siya naman ang bibili.
“My husband bought a pomeranian dog here. So I suggested my friend also look for a pet here, the dog we bought here was very healthy and active.” Ako na ang sumagot at nginitian ang batang babae.
Aubs went to the end of the store. Hinayaan ko siyang mamili mag-isa habang nakikipag-usap sa staff. She seems a bit busy and entertained by the pets.
“Pomeranian? May couple pong bumili rito sa amin ng Pomeranian bread ng dog, nag-iisa na kasi yung lahi na mayroon kami. Kailan ho ba binili at sino ang nakabili, Ma’am?” she politely asked. “Ako rin kasi nag-aasist dito sa lahat ng customers.”
“Last month? I guess?” Tumikhim ako at umayos ng tayo.
“Mayroon pong last month lang binili, couple po yung bumili. Ipapakita ko po yung picture sainyo ng aso, sandali lang ho.” Umalis ito saglit, sinulyapan ko si Aubs at naroon pa rin. I sighed heavily and followed the staff. “Heto ho Ma’am. Ganito ba yung aso na nabili niyo?”
I stilled and stared at Akki’s picture on the album.
“Who bought this?” I asked seriously.
“Babae at lalaki po, magkarelasyon po. Yung girlfriend nga po yung pumili. By the way po, Ma’am. Sigurado ho ba kayong dito bumili yung asawa niyo? Marami rin kasing pet store dito sa tabi namin.” She smiled at me.
“Parang hindi rito,” I whispered weakly.
“Cams! May napili na ako, can you check it for me?” masayang paglapit sa akin ni Aubs. Habang ako ay hindi ko na maintindihan ang mararamdaman ko.