PASSCODE

1066 Words
I HEARD THE sound of a shower in the bathroom. Pagpasok ko pa lang sa kuwarto namin ni Rancel ay hindi ko alam kung bakit ang atensyon ko ay agad nagawi sa kanyang cellphone. Dahan-dahan akong lumapit sa side table and nervously glanced at the door of our bathroom. I took his cellphone and tried to open it. Kasabay ng paghinto ng tubig sa bathroom ay siyang pagbungad sa akin ng screen sa phone niya na humihingi ng passcode. Kunot nuot kong binaba iyun at agad na nagtungo sa cabinet, kalaunan ay bumukas na ang pintuan. He was drying his hair and glanced at me. “Are you alright?” taka niyang tanong. Umupo ako sa gilid ng kama at tumango ngunit hindi ko sinuklian ito ng ngiti. I want to confront him but I also don’t want to make him feel uncomfortable by my questions. Dahil malisyuso ang tanong ko, at alam kong hindi niya magugustuhan iyun. As I try to recall, ni isa ay hindi kami nagkaroon ng problema sa babae. Mas seloso si Rancel noon, mas siya ang mapuna pagdating sa mga lalaki na malapit sa akin. Hindi ako. Hindi kailanman. Kaya ayokong isawalang bahala itong nararamdaman ko. It’s either this has basis or maybe I am just overthinking. Tumabi siya sa akin at tinitigan ako. Only wearing his pajamas, without clothes on his upper body. He crouched to meet my worried eyes. “Bakit?” banayad niyang tanong na tila basang basa na ako. “What is wrong with my baby?” he softly added. Dahil doon ay bumigay na ang puso ko. Rancel is my best friend too, siya ang naging buhay ko. At ayokong magduda ng hindi siya hinahayaan makapagpaliwanag. I want to be honest to him, because he has been honest with me. Hindi siya magsisinungaling. “I… I want to ask something,” seryoso kong usal. Gumalaw ang panga niya at isang tango ang naging tugon. “Ang sabi ng cousin mo ay nakauwi kana ng Singapore, two days ago before your scheduled home that you’ve told me.” I guarded him, everything that I must see ay hindi ko pinalampas. Gusto kong makita ang bawat reaksyon niya. Kumunot ang nuo niya at nagpakawala ng tawa. “He must be mistaken. Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko iyun. I opened the drawer beside me and took out the bill. Halos ibato ko yun sa kanya. “What is this?” He looked puzzled. Pinakita niya pa sa akin na tila hindi alam iyun. “I found that in your pocket. Nandito kana sa Pilipinas, sa Tagaytay yan diba? Anong ginagawa mo sa Tagaytay?” hindi nakatakas ang galit sa boses ko. “This is not mine, baby.” He looked defeated and very determined to go beside me. Sinubukan niya akong hawakan sa siko at pilit hinihila sa kanyang bisig pero nagmatigas ako. “Ginagawa mo ba akong tanga?” “Baby, Cams. I am working for a magazine company. We featured lifestyle, including foods. Hindi sa akin ang mga ito, baga sa iilang staff namin.” “Bakit napunta sa bulsa mo?” My overthinking subsided. “I record it, babalikan namin para i-feature. Once we like it we promote it.” He sighed heavily when I was left dumbfounded. “Cams naman…” he looked a bit sad and disappointed. Pero sa huli ay hinila ako sa kanyang bisig para yakapin. Hindi ako makaimik sa hiya at kalituhan. I was wrong then. Nagpapadala ba ako sa mga problema namin kaya ko ito naiisip? Bigla tuloy akong nagsisisi na agad ko siyang hinusgahan. Gumalaw siya at nakita kong inabot niya ang cellphone. Binigay sa akin at harap-harapang binuksan ang passcode. “You want to check something? Or… you want us to exchange phone?” pagbibiro niya at hinalikan ako sa pisngi. “But my contacts at work are there. Paano ba yan?” “Hi-hindi. Ayos lang. I don’t need to check your phone.” Hindi ko ugali, hindi naman namin gawain. Biglang uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. “Check it,” malambing niyang pagpupursigi. Umiling ako at binigay na iyun sa kanya. He chuckled and hugged me from behind as he scrolled his phone in front of me. Everything that I needed to see. Even doon sa history ng kanyang search engine. Sa lahat ng accounts niya. “Tama na Rancel.” Pigil ko na rito at nginitian siya. “Ayoko ng ganito ka. Nag-aalala ako.” He locked his phone and put it on my lap. Like giving me full access to check it anytime I want. “Thank you for being honest though.” “Sorry…” nakanguso kong sambit. “Honestly, akala ko nagsasawa kana dahil hindi ko maibigay ang nag-iisang bagay na pangarap mo.” Hindi siya nakaimik bagkus ay humigpit lang ang yakap sa akin. “Hindi mangyayari yun,” mataman niyang sagot at napabuntong hininga ng malalim. “We will do everything we can. To have a family.” “So… ife-feature niyo ba yung restaurant na yun?” natatawa kong pahayag para pagaanin ang mood. He tsk and shook his head in disbelief. Tinignan ko siya at natatawa na lang. “Masarap naman yung pasta nila.” Nawala ang ngisi sa labi niya at kumunot ang nuo. “Pumunta ka roon?” he asked seriously. I bit my lower lip, matapos ang pagkakadulas sa sinabi. “You should have talked to me first, Cams. Huwag ganun. Sinong kasama mo? Hindi ka nagmamaneho diba? Wala tayong driver, sino?” “Aubs and Atom.” He sarcastically laughed and shook his head in disbelief. “And you told them? Your accusations about me?” “Sasabihin ko sa kanila agad na nagkamali lang ako. Don’t worry.” Kahit alam kong nainis siya ay isinawalang bahala na lamang niya yun at hinalikan na lang ako sa leeg. Halos tumagal din kami sa ganung posisyon. “You think I will cheat on you?” nahihirapan niyang tanong. “Matapos ng ginawa ko para sayo? Tingin mo iiwan kita para lang sa iba?” Umiling ako at tipid na ngumiti. I'm a bit guilty. “Baka ikaw nga ang makahanap ng iba riyan,” bulong-bulong nito kaya natawa na lang ako at kinurot siya sa braso. He grunted and just a let out small chuckle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD