Track 10: SCARED TO DEATH

1460 Words
♫ You can leave me Take away all that I have You can want me Love me for who I am ♫ "SAMMY, nagising na pala iyong naka-assign sa iyo na coma patient ano?" Agad na sabi sa kanya ni Bessie pagkaupo nito sa upuan sa canteen. "Si Louie? Oo. Kaya lang napakalungkot niya kasi pagkagising niya, patay na iyong girlfriend niya...Kawawa naman. Pero of course, masaya na rin ako kasi alam mo naman na iba sa pakiramdam nating mga nurses kapag gumaling ang pasyente natin diba?" Malungkot niyang sabi. "Korek ka diyan, Sammy! Anyway, tungkol naman sa'yo ang itatanong ko. Kumusta na kayo ni Zanjoe?" Bahagyang natigilan si Sammy. "Si Zanjoe..." ♫ Choices, romance Takin’ me high in the air Flying, so scared Afraid not to see you again ♫ "TITA, andiyan po ba si Zanjoe?" Isang araw ay tanong ni Sammy sa mommy ng kanyang boyfriend ng bumisita siya sa bahay nito. Napansin niya na natigilan ito. "Sammy, pasensiya kana sa anak kong si Zanjoe. Alam kong hindi kayo ayos ngayon pero sana huwag mo siyang iiwan." "Tita, mahal na mahal ko po ang anak niyo pero pakiramdam ko po siya na mismo ang lumalayo sa akin. Natatakot po ako.. .Natatakot po ako..." aniya. ♫ Cause I’m scared to death Now that I’m losin’ you I’m scared to death Knowin’ I can’t get through ♫ KRIIINGGG... Matagal bago sinagot ni Zanjoe ang tawag niyang iyon. "Hello, Zanjoe... I am planning something today. Samahan mo naman ako sa mall, pwede? Tulungan mo akong pumili ng--" "Sammy, I'm sorry but I can't." "Ha? Bakit?" "M-may tinatapos lang akong painting ngayon." Nagmamadaling sagot sa kanya ni Zanjoe. Painter kasi ito. Labis na nalungkot si Sammy ng pagbabaan na lang siya ng telepono ng kanyang nobyo. ♫ I’m scared to death Living this lonely life without you Oh, baby I’m scared to death ♫ "HOY, Sammy!" untag sa kanya ni Bessie habang naglalakad sila pauwi. "Ano ka ba naman Sammy? Kanina pa ako nagsasalita dito parang hindi ka naman nagpe-pay attention!" Pilit siyang ngumiti. "Sorry, Bessie, ha. Ano nga pala iyon?" "Hmp! Mabuti pang kay Simsimi ako nakipagchikahan eh. Ayon nga, sasama kaba sa Tanglaw next month?" "Hindi ko pa alam eh. Saka ko na lang pag-iisipan, next month pa naman iyon." Tinatamad niyang sagot. ♫ Something’s changin’ Giving me fears run through my head Only find me Give me the eyes I will understand Words left unsaid ♫ Inakbayan siya ni Bessie. "Alam ko, may problema ka. Hmm...Malay mo naman na talagang busy lang si Zanjoe. Alam mo naman ang mga artists diba? Kailangan ng tahimik na kapaligiran para makagawa ng isang obra-maestra!" "Pero sobra naman siya, Bessie! Halos hindi na siya nagpapakita sa akin. Kung hindi ko siya tatawagan, hindi kami magkakausap at kung hindi ko siya pupuntahan sa kanila, hindi ko siya makikita!" "Ano bang pinaglalaban mo?" Pagpapatawa ni Bessie. Hindi niya magawang matawa ng mga oras na iyon. ♫ Leaving me weak in the edge Getting over I’m runnin’ scared I can’t comprehend ♫ "Bessie, sa pinapakita ni Zanjoe sa akin parang sinasabi na rin niyang ayaw na niya sa akin. Hindi lang niya ako madiretsa. Hindi ko alam pero pakiramdam, unti-unti na siyang nawawala sa akin! At natatakot ako Bessie!" "Tama na nga iyan, Sammy. Malay mo may binabalak na big surprise sa'yo ang iyong boyfie... Masyado mo lang pinangungunahan iyong tao..." Bumuntung-hininga si Sammy. Alam niyang pinapagaan lamang ni Bessie ang pakiramdam niya pero alam niyang alam nito na nasasaktan siya sa mga nangyayari. ♫ Cause I’m scared to death Now that I’m losin’ you I’m scared to death Knowin’ I can’t get through ♫ MAAGA pa lang ay nasa harapan na ng bahay nina Zanjoe si Sammy. Sosorpresahin niya ito. Sa ayaw at gusto nito ay kailangang sumama nito sa kanya sa Tagaytay. They will bond together! Kinuha niya ang cellphone para tawagan ito at agad namang itong sumagot. "Hello, Zanjoe?" aniya habang nakatingin sa bintana ng kwarto ni Zanjoe. "Yes? Sammy?" "Where are you?" tanong niya na nangingiti dahil dumungaw pa sa bintana si Zanjoe. Wala itong kaalam-alam na nakikita niya ito. "May pinuntahan ako. Andito ako sa Baguio, may project akong ginagawa..." Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi... Nagsisinungaling sa kanya si Zanjoe... ♫ I’m scared to death Living this so lonely life without you yeah..oh I’m scared to death ♫ UMIIYAK na umuwi sa bahay si Sammy. Ang sakit-sakit na ng ginagawa nito sa kanya. Bakit ba hindi nito masabi na hindi na siya nito mahal? Hindi iyong unti-unti pa nitong pinaparamdam sa kanya! Dumating na ang bagay na kinatatakutan niya... Muli ay tinawagan niya si Zanjoe. Makikipag-break na siya dito. Masakit pero iyon ang dapat! ♫ Fallin’ in love with you I’m scared to death ♫ ONE MONTH LATER. "Sammy, bilisan mo at maiiwanan na tayo ng van na maghahatid sa atin sa Tanglaw!" Nagmamadaling turan ni Bessie sa kanya. "Oo na! Excited ka masyado!" "Mabuti na iyong ganito ano! Baka maiwanan tayo ng van, mamamasahe pa tayo." "Kuripot!" Biro niya. Ilang sandali pa ay nasa Tanglaw na sila. Ang Tanglaw ay isang ampunan ng mga taong bulag. Dito ay makikisalamuha sila ni Bessie dahil kasali sila sa isang malaking charity organizations. ♫ There’s nothing that I can do I’m scared to death What if you won’t be around anymore ♫ Aliw na aliw si Sammy sa dami ng mga naka-exhibit na arts na gawa ng mga walang paningin na nakatira sa Tanglaw. Nagulat na lamang si Sammy ng bigla siyang higitin ni Bessie. "Sammy! Sammy! Halika, at may ipapakita ako sa iyo. Kamukha mo iyong babaeng nasa painting. Halika. Bilis!" Totoo nga ang sinabi ni Bessie. Kamukha niya iyong babaeng naka-paint sa Painting Number 24... "At ang nanalo sa painting contest ay ang Painting Number 24!" Palakpakan ang lahat ng inanounnce na ang nanalo sa paligsahan sa pagpinta. ♫ Slowly, gently Choosing me will make me then You’re one and only I pray that our love will begin ♫ Nagpatuloy iyong host ng program. "Maaari bang umakyat sa stage ang nagpinta ng number 24?" Awtomatikong napatingin si Sammy sa lalaking nakasalamin at bulag na paakyat ng stage... Hinawakan siya sa braso ni Bessie dahil alam ng kaibigan niya na tila tutumba siya. "Diyos ko, Sammy! Si Z-zanjoe..." anito. ♫ Cause I’m scared to death Now that I’m losin’ you I’m scared to death Knowin’ I can’t get through ♫ B-bulag na si Zanjoe? Nagsalita na sa unahan si Zanjoe. Tulala pa rin si Sammy. "Sa totoo lang, ang inspirasyon ko sa painting na iyan ay ang babaeng sobrang mahal ko. Alam kong hindi niya ako naririnig ngayon dahil wala siya dito pero gusto kong humingi ng tawad sa kanya..." Basag na ang boses ni Zanjoe dahil umiiyak na ito. Habang si Sammy ay nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang bibig upang pigilan ang kanyang paghikbi. "Patawarin mo ako. Wala akong ginawa noon habang unti-unting nawawala ang paningin ko dahil sa glaucoma kundi ang titigan ang kanyang mga larawan. Gusto kong tumatak sa isip ko ang bawat detalye ng kanyang mukha para kahit bulag na ako ay maiipinta ko pa rin siya..." ♫ I’m scared to death Living this so lonely life without you Ohh.ohh I’m scared to death ♫ Walang tigil ang pag-agos ng luha ni Sammy. Maging si Bessie ay ganun din. Umiiyak na rin ito. "Sana andito siya para malaman niya na mahal na mahal ko siya..." Pagtatapos ni Zanjoe. Kahit ang ilang naroon ay maluha-luha na rin... Gustong-gustong sabihin ni Sammy kay Zanjoe na nandoon siya... Na nakinig niya lahat ng sinabi nito. Na mahal pa rin niya ito... ♫ Na..na..na Na..na..na I’m so scared Na..na..na Na..na..na I’m so scared What if you won’t be, won’t be around anymore ♫ Hindi pala nawala ang pagmamahal ni Zanjoe sa kanya. Sana nga lang ay sinabi nito noon ang tunay nitong kalagayan para naintindihan niya sana ito. Marahil ay natatakot lamang si Zanjoe na maging pabigat sa kanya balang-araw...Pero hindi eh. Handa naman siyang pagsilbihan ito habangbuhay. Hindi sinasadyang dumaan sa harapan niya si Zanjoe. Gustong-gusto niya itong yakapin pero ayaw niyang matapakan ang p*********i nito...Ang ginawa nitong sakripisyo. "Mahal na mahal kita Zanjoe!" Piping turan ni Sammy habang pigil-pigil niya ang kanyang paghikbi. ♫ I’m scared to death Da..dada….rarara….. ♫
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD