"JENNY, this isn’t working..."
"I know, Keejee. At ako ang may kasalanan dahil hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkamatay ni Vince... Kung hindi lang sana ako nagsumbong kay Kuya, hindi siya mawawala."
"Wala kang kasalanan, Jenny. Ang kailangan lang ay palayain mo ang sarili mo. Maghihiwalay man tayo ngayon pero alam ko... Sa tamang panahon, muli tayong magkakasama." Iyon ang huli kong sinabi kay Jenny bago kami tuluyang maghiwalay...
♫ Darating ba ang pagkakataon
Heto na ba ang tamang panahon ♫
"Keejee, kapag dumating na iyong right time na nakawala na ako sa anino ni Vince, promise me na may babalikan pa ako." aniya pa.
"I promise... Just promise me also na babalik ka, Jenny."
"I promise..."
♫ Kung saan hindi magwawalay
Kung saan hindi mag-aaway
Sana naman lalo tayong tumibay ♫
"Kuya Keejee, busy-busyhan ka yata sa business mo ah!" Biro sa akin ni Xerun. Ang younger brother ko.
Nagdedesign na kasi ako ngayon ng mga wristwatch since may talent din naman ako sa pagdrawing. Tapos pinapasa ko sa mga gumagawa ng watch ang mga designs ko. Kapag may nagustuhan sila saka lang ako nagkakapera.
Binato ko si Xerun ng kinuyumos na papel. "Huwag mo nga akong istorbohin. Tsupi!"
Pero imbes na umalis ay nilapitan niya ako at pinanood ang ginagawa ko. "Alam ko naman na nagpapayaman ka para sa pagbabalik ni Ate Jenny, diba?"
Natahimik ako at maya-maya ay napangiti na rin...
♫ Kailan kaya tayo magiging isa
Ikaw ako wala nang iba pa
Magtiwala di ka iiwanan ♫
Isang taon ang mabilis na lumipas. Isang taon na hindi na nagparamdam si Jenny kaya nagulat na lang ako ng makita ko siyang nasa harapan ng pintuan ng bahay ko.
Agad ko siyang niyakap at hindi ko napigilan ang aking pagluha...
"Jenny! Bakit ngayon ka lang bumalik? Alam mo bang isang taon akong naghihirap dahil wala ka..."
"Ito na ang tamang panahon, Xeejee. Hindi na kita iiwan." aniya.
Ang sarap pakinggan. Ito na talaga ang tamang panahon para ipagpatuloy namin ang aming pagmamahalan.
♫ Pangako pag-ibig ko'y maaasahan
Walang hanggan sa 'ti'y darating din naman ♫
Pero maraming bagay akong napansin sa pagbabalik na iyon ni Jenny.
Nagbago na siya.
Hindi na siya kasing lambing noon...
Hindi na siya kasing sweet noon...
Walang buhay ang mga halik niya...
Malamig ang kanyang mga yakap...
Parang hindi na siya ang dating Jenny na kilala ko.
♫ Naghihintay tamang panahon para sabihin ko
Ikaw lamang walang iba ang iibigin ko ♫
Hindi na rin namin pinag-uusapan ang nangyari noon sa ex niyang si Vince. Talagang nakalaya na siya sa kanyang ppast na ikinatutuwa ko naman.
Mahal na mahal ko si Jenny kahit na tila nagbago na siya.
Sino nga ba ako para humusga sa pakikitungo niya sa akin?
Isang taon kaming nagkahiwalay ng walang kumonikasyon. Siguro nga ay naninibago lang talaga ako.
♫ Wag ka ngang masyadong paranoid Xeejee! Hehe!
Nangangako sa yo habang buhay ikaw lamang
Ang mamahalin ikaw walang hanggan ♫
"Surprise!" Sabay tanggal ko sa blindfold na inilagay ko kay Jenny.
Nangunot ang noo ni Jenny ng makita niya ang isang special na dinner sa harapan niya. Nasa rooftop kami noon ng isang building na ang may-ari ay kaibigan ko.
"Para saan ito?" nagtataka niyang tanong.
"H-hindi mo alam?"
Nag-isip siya at pagkatapos ay: "Ow! Its you birthday! Happy-"
"No. It’s not my birthday!"
"S-sorry..."
"Nakalimutan mo na pala, Jenny..." Malungkot kong sabi sa kanya.
"Ang alin..."
"It’s our anniversary." At iniwan ko na siya roon.
♫ Kailan kaya tayo magiging isa
Ikaw ako wala nang iba pa
Magtiwala di ka iiwanan
Pangako pag-ibig ko'y maaasahan
Walang hanggan sa 'ti'y darating din naman ♫
Pag-uwi ko ng bahay ay bigla akong nagsisis kung bakit ko iniwan doon si Jenny. Baka kung mapaano siya doon. Gabi pa naman.
Kaya kahit na may alinlangan na wala na siya doon ay bumalik pa rin ako pero wala na siya doon.
Kinabukasan ay nagpunta agad ako sa bahay nila.
Kumatok ako pero walang sumasagot...
Saktong papalabas iyong kapitbahay nila kaya tinanong ko ito kung nasaan iyong nakatira doon.
"Ang pagkakaalam ko, nakita ko siya kaninang umalis. Pupuntang sementeryo iyon panigurado kasi may dalang bulaklak.."
Sementeryo?
Sino naman kaya ang dadalawin nito sa sementery? Si Vince? Pero naka-move on na ito kay Vince...
♫ Naghihintay tamang panahon para sabihin ko
Ikaw lamang walang iba ang iibigin ko
Nangangako sa yo habang buhay ikaw lamang
Ang mamahalin ikaw walang hanggan ♫
Pagdating ko sa sementeryo ay madali ko naman siyang nakita dahil sa siya lang ang tao na naroon. Nakaluhod siya sa isang puntod at nagdarasal...
Hindi niya namalayan na nasa likuran na niya ako at nakikinig ang mga sinasabi niya.
"Ate, hindi ko na kayang magpanggap. Nakokonsensiya na ako...Alam kong nangako ako bago ka namatay pero mahirap palang magpanggap na mahal mo ang isang tao kahit hindi naman..."
"A-anong pinagsasabi mo?" Naguguluhang kong sabi.
♫ Naghihintay tamang panahon para sabihin ko
Ikaw lamang walang iba ang iibigin ko
Nangangako sa yo habang buhay ikaw lamang
Ang mamahalin ikaw walang hanggan ♫
"Keejee?" Napatayo si Jenny at umiiyak na lumapit sa akin. Sinugod niya ako ng mahigpit na yakap. "I am so sorry, Keejee... Hindi ako si Jenny!" Gimbal ako sa sinabi niya. Umiiyak na talaga siya. "Ako si Jesel, ang twin sister niya! Patay na si Ate! Patay na siya, Keejee… Sorry, hindi ko nailigtas si ate ng malunod siya... Sorry, Xeejee. Sinunod ko lang ang habilin niya. Ayaw ka niyang malungkot, Keejee... I'm so sorry...” umiiyak niyang sabi na may kasamang paghikbi.
Nanghihina na napaupo na lang ako habang binabasa ang pangalan ni Jenny sa lapidang nasa aking harapan...
♫ Walang hanggan ... walang hanggan ... walang hanggan ♫