♫ If only a song could capture a memory
I would be with you
If only a heart could fall for a melody
I know you’d love me too ♫
NAPANGITI si Eunice ng matapos ng kumanta si Kevin sa bar na iyon. Si Kevin ay isa lamang sa pinakamahuhusay na singer sa maliit na bar na iyon.
"Ang gwapo ni Kevin, ano?" untag sa kanya ng kaibigan niyang si Heidi.
Umirap siya. "Hoy, akin na siya no! Mang-aagaw!" biro pa niya sa kaibigan.
Tinawanan lang siya nito. "Nag-ilusyon ka na naman Eunice. Sobrang taas kaya ni Kevin. I mean, gwapo, magaling kumanta at celebrity sa lugar natin. At eto pa, maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya."
"Bakit? Hindi ba ako maganda para di niya mapansin?"
"Infairness naman sa iyo, pretty ka naman kaya nga magkaibigan tayo eh. Pero...Basta, marami kang kaagaw kay Kevin. Sinasabi ko sa iyo!"
Nangalumbaba na lang si Eunice habang pinapanood niya ang pagbaba ng gwapong lalaki sa maliit na entablado. "Ah basta, darating ang araw na ako na lang ang babaeng hahandugan niya ng kanyang mga pagkanta," tila nangangarap na sabi pa niya.
♫ But a song is just a song
And a melody won’t do
If you don’t belong to me
In the way I’d want you to ♫
"Ang galing talaga kumanta ni Benjo, ano?" masayang-masaya na lumabas ng bar si Eunice dahil nakita na naman niya na magperform ang kanyang ultimate crush.
"Landi mo, teh! Isusumbong kita kay Tita Dennise at Tito Kenjie!" Pananakot sa kanya ni Heidi.
"Asus. Eh di isumbong mo. Alam naman kaya ni Mommy at Daddy na crush ko si Kevin kasi ang galing-galing niyang kumanta!"
Biglang may nagsalita mula sa likuran nila. "Talaga? Magaling akong kumanta? At crush mo ako?"
Paglingon nilang dalawa sa likuran nila ay nalaman nilang si Kevin pala iyong nagsalita.
No! Nakakahiya! Narinig nito ang pinagsasabi niya! Nakakahiya talaga!
♫ But just as long as you know
This is song is for you
For as long as the memory of this melody lives on
I’d always remember ♫
Nakangiting lumapit sa kanya si Kevin.
Pabilis ng pabilis ang t***k ng kanyang puso.
Ano ba! Bakit nanginginig ang buong katawan niya!
Pagkalapit nito sa kanya ay agad siya nitong kinausap. "Alam mo...The feeling is mutual. By the way, ako nga pala si Kevin! And you are?" sabay lahad nito ng kamay.
"E-eunice..." Sabay abot niya ng kamay nito.
Teka... The feeling is mutual daw. Ibig sabihin...May gusto rin sa kanya si Kevin?!
♫ The way you are to me
And that’s how you’d always be
Here in the memory of a song ♫
Simula noon ay naging close na sina Eunice at Kevin.
Halos araw-araw na silang nagkikita at nag-uusap. Hanggang sa...
Isang gabi sa bar...
Kakanta na para sa kanyang first set si Kevin. Pumwesto na siya sa unahan ng stage.
"Ang unang kakantahin ko po ay para sa isang espesyal na babae sa aking buhay. Ang babaeng muling nagpatibok ng aking puso...Eunice, this song is for you!" At tinignan pa siya ni Kevin sa kanyang kinauupuan.
Halos mamatay sa kilig si Eunice habang kumakanta si Kevin.
Matapos itong kumanta ay lumapit ito sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan.
"K-kevin, ano ito?" Nagtataka niyang tanong.
Tumingala sa kanya si Kevin at tumingin sa kanya habang nakaluhod ito. "Eunice...Will you be my girlfriend?"
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Eunice. Ibinigay niya agad ang kanyang matamis na oo kay Kevin!
♫ If only a dream could be realized
I’d have you here with me
Here in my arms
Here in my life
The way it’s meant to be ♫
Naging napakasaya nilang dalawa simula noon.
Perpekto na nga yatang matatawag ang kanilang relasyon. Meron din naman na tampuhan at maliliit na away pero agad din naman nilang naaayos iyon.
Mahal na mahal nina Eunice at Kevin ang isa't-isa.
Gabi-gabi sa bar ay inaalayan ni Kevin ng awitin si Eunice...
♫ But I’ve had enough of dreaming
Of a life I’d never have
If you don’t belong to me
I guess I’d have to live with that ♫
"MAMA, Papa... Siya po si Kevin, boyfriend ko po. Kevin sila si Mama Denise at Papa Kenjie."
"Magandang gabi po sa inyo..." magalang na bati ni Kevin sa mga magulang ni Eunice.
Nasa isang restaurant sila noon dahil ipapakilala na nila ang isa't-isa sa kanilang mga magulang.
Kapwa nginitian ng mga ito ang kanyang nobyo. "Magandang gabi rin...Narinig namin na isa kang singer. Nakakatuwa naman na isang mang-aawit ang naging boyfriend na anak ko..." ani Mama Denise.
"Salamat po."
"Oo nga pala...Asan na ang mommy mo Kevin?"
Saktong tumunog ang cellphone ni Kevin at agad nitong binasa ang text message na natanggap. "Nasa labas na po ng restaurant si Mommy. Susunduin ko na siya."
♫ But just as long as you know
This is song is for you
For as long as the memory of this melody lives on ♫
Ilang sandali pa ay dumating na si Kevin kasama ang mommy nito.
Napansin ni Eunice na parang nagulat ang Papa Kenjie niya pagkakita sa mommy ni Kevin.
Hindi na lang niya iyon pinansin...
Ipinakilala na ni Kevin ang mommy nito sa kanila.
"Everyone, meet my beautiful mommy... Mommy Kristine!" ani Kevin.
♫ I’d always remember
The way you are to me
And that’s how you’d always be
Here in the memory of a song … ♫
"K-kristine?!" Napatayo sa sobrang gulat ang Papa Kenjie niya.
"K-kenjie?!" Ganun din ang reaksiyon ng mommy na kanyang boyfriend.
Nagtaka silang lahat.
"Magkakilala kayo, mommy?" tanong ni Kevin kay Mommy Kristine.
Nangingilid ang luha na sumagot si Mommy Kristine. "Oo anak...Si Kenjie...Siya ang tatay mo!"
Lahat sila ay nagimbal sa rebelasyong iyon. May pagtatanong sa mga mata na nagkatitigan sina Kevin at Eunice....
♫ For as long as you know
This song is for you ♫
♪ ♫ The EnD ♪ ♫