Devyn Pov …….
Napa bangon ako nang mapanaginipan ko na naman si maya at ang pangako niya . halos gabi gabi na lang siyang nasa panaginip ko .
Anak ! gising kana ba? – katok ni mama sa pintuan nang kwarto ko .
Opo ma, gising na po ako - sagot ko sa kanya at saka tumayo upang ayusin ang kama ko .
Mabuti naman kung ganun oh siya maligo ka na at magbihis para makapag breakfast ka muna bago ka pumasok sa school mo at devyn dalian mo baka malate ka . – paalala sa akin ni mama .
Opo ma , - sagot ko naman sa kanya at saka pumasok sa banyo upang maligo .
Oo nga pala unang araw ko ngayon bilang isang kolehiyala . at excited akong magkaroon nang mga bagong kakilala. Transferee ako at galing ako sa legazpi city . isang linggo na din ang nakalipas nang lumipat kami ni mama dito sa laguna . kahit dalawa na lang kami ni mama na magkasama dahil matagal nang wala si papa ay masaya pa din kami . si mama kasi ay tinuturing kong isang napaka mabait na magulang at bestfriend , lahat nang bagay sinasabi ko kay mama . pati na din ang nangyari nang tanghaling biglang na wala si maya sa likod ko. Nasa malalim akong pag iisip nang biglang mag salita si mama.
Anak , ako nang bahala dyan sa pinag kainan natin pumasok kana at baka malate kana .
Hala! Oo nga pala patay - sabi ko sa utak ko at dali daling kinuha ang bag ko at nag paalam kay mama .
Bye ma! Una na po ako , ingat ka po dito iloveyou . – paalam ko kay mama sabay halik sa pisngi niya .
I love you too anak, sige mag ingat ka din – sabi ni mama.
SomeOne Pov …….
Habang naglalakad papasok nang campus si Devyn ay manghang – mangha siya sa nakikita niya. Sobrang laki at ganda kasi nang campus na ito kumpara sa probinsya kung saan siya noon nag-aaral .
Bago siya makapasok ay hinarangan agad siya nang school guard at hinihingi nito ang I.D niya . kaya agad niya itong nilabas at saka binigay sa guard at agad din naman itong iniscan nang guard at binalik sa kanya.
( Nagtataka siguro kayu kung bakit may I.D agad siya eh! Transferee palang naman siya, sobra kasing high tech ang school na ito at ultimo kaka enroll mo lang or kahit online enrollment lang ay ipapadala na agad sayo ang I.D at Uniform niyo . at sobrang afford to nang pamilya ni devyn , dahil sa malaking pera ang pinamana sa kanya nang kanyang papa bago ito pumanaw kaya kahit sa mga sikat na school kagaya nang Harrison University ay afford niya . )
Nang makapasok ay agad pa rin ang tingin ni devyn sa mga nag-gagandahan at nag-tataasang mga buildings. Nang bigla siyang may narinig na nagbubulungan .
Who’s that Girl ? – sabi nang isang studyanteng babae na maikli ang buhok .
I don’t know ii baka transferee na naman - sabi naman nang katabi nito.
Yah! Its transferee pero atleast hindi siya nerdy girl ha ha ha – sabi naman nang pangatlong babae .
Napatingin na lang si devyn sa kanila at napa-iling .
Hayyysssst Mean girls , bullies yan talaga ang hindi mawawala sa iskwelahan. Pabulong na sabi ni devyn bago bumalik sa paglalakad at tanawin ulit ang mga building nang bigla na lang siyang may naka banggaan.
Sorry hindi ko sinasadya – sabi agad ni devyn sa naka bangga niya habang medyu nakayuko tapos dun siya biglang nakarinig nang malalakas na bulungan.
O M G nabangga Niya si Fawn…….
IS THAT THE TRANSFEREE ? ……..
HALA Kabago – bago niya lang kawawa naman siya…….
SHE’S TOTALLY DEAD NOW!.....
YARI SIYA KAY CHASE…….
At kung anu-ano pa ang mga narinig niya pero dahil sa gusto talaga niyang makahingi nang sorry sa nabangga ay nilingon niya ito para makahingi nang pasensya .
Sorry – devyn
YOU ? – Fawn
YOU ?? - sabay naturo ni devyn at fawn sa isa’t isa .
Ikaw yung babae sa terminal – hindi makapaniwalang sabi ni devyn .
At ikaw naman ang babaeng tumulong sa akin . – excited na sabi ni Fawn at bigla silang natawa nang makilala nga nila ang isa’t isa .
Ang mga istudyante namang nanunuod sa kanila ay biglang nagtaka at nang tignan sila ni fawn ay agad silang nagsi alisan .
Sorry nga pala at nabangga kita yan tuloy na dumihan ka sorry talaga . – sabi ni devyn.
Its okay I can change naman ii and don’t worry your sorry is accepted, by the way what is your name nga pala di kasi tayo nagkakilala nung tinulungan mo ko . – sabi ni fawn.
Oo nga no nagmamadali kase ako nun ii . ako nga pala si devyn ortega- pakikipag kilala ni devyn.
Oh nice name ako naman si fawn Valdez its F A W N NOT P H O N E you know madalas kasing mali ang panrinig nila ii . – paliwanag ni Fawn kaya natawa naman si devyn sa kanya.
By the way sobrang nagulat ako nang makita kita dito . dagdag na sabi ni fawn habang nag lalakad sila .
Oo nga ii ako din sobrang nagulat nang makilala kita dito pero buti na lang at may kakilala na ako dito kahit papaano . – nakangiting sabi ni devyn.
Transferee kaba dito o dating student ? -tanong ni fawn sa dalaga .
Transferee ako , hinahanap ko nga itong room ko ii alam mo ba kung saan banda to ? – tanong ni devyn.
Uy engineering student ka pala ii at classmate pa tayo , ang galing naman . -masayang sabi ni fawn kay devyn at kinatuwa naman ito nang dalaga .
Sabay na tayong pumunta dun, pero magpapalit muna ako pwede mo ba akong samahan ? – sabi ulit ni fawn
Oo naman – sagot ni devyn .
Masayang kinuwento ni devyn sa mama niya ang unang araw niya sa university at mas sumaya pa siya nang maalala na nagkaroon agad siya nang kaibigan sa katauhan ni fawn .
Fawn Pov……….
KUYA !!!! KUYA CHASE !!!! - Tawag ko kay kuya chase nang makarating ako dito sa condo niya .
Fawn stop! Why are you shouting im not deaf okay – inis na sabi sa akin ni kuya chase.
Im really sorry kuya , im so excited lang to tell you what I saw kanina ii, kung bakit ba kasi hindi ka pumasok sa unang araw nang pasukan – sabi ko sa kanya .
If that’s boring fawn, don’t tell me anymore im busy sana pala di ko na lang sinabi sayo na sa condo na ko titira ii hayyysst – inis pa ring sabi ni kuya chase .
Kuya chase naman ii – naka ngusong sabi ko .
Oh siya sige sabihin mo na para matapos na ano ba yun? – sabi ni kuya chase .
Kuya I saw her kanina . - masayang sabi ko
Who? – boring pa ding tanong ni kuya habang inaayus ang mga libro niya .
The girl who help me in legazpi – kilig na sabi ko at saglit na napatigil si kuya sa pag aayus niya nang libro nang tignan niya ko nang na boboring look .
Kuya chase naman hindi mo ba na aalala ? malungkot kong tanong sa kanya , pero umiling lang siya . baka hindi na nga niya talaga na aalala ako kasi sobrang linaw nang alaalang yun sa akin .
…………………… FLASHBACK 1 YEAR AGO ………………….
Isang taon na ang nakaka lipas nang magyaya si Owen mag bakasyon ang barkada sa Albay bayan nang Legazpi city masaya naming pinuntahan kung saan ang bahay nila Owen noon at dun nag bakasyon lumangoy kami sa dagat na malapit lang duon at umakyat nang bundok para magpinic sobrang naging masaya ang pagbabakasyon namin duon na inabot nang dalawang linggo.
Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming Napakalaki at napakagandang bahay .
LA CASA PELIGROSA? - Tanong ko .
Bro ! Ano to? Tourist spot ba to ? ang ganda ii – tanong din ni kade .
LA CASA PELIGROSA ….. Hindi yan tourist spot pero alam niyo ba na gusto sana nang mayor nang legazpi gawing tourist spot yan pero hindi pwede dahil ayaw nang may – ari . at may kwento pa tungkol dyan , May dalawang bata ang laging tumitingin sa bahay na yan ang pagkakatanda ko pa ay ka kalse ko sila noon si maya at si beb ay hindi si deb ay hindi ko na maalala kung yun ang pangalan ii basta . isang araw bigla na lang nawala yung maya na kasama nung deb habang tumitingin sila sa la casa peligrosa . ayon sa report nang ininterview ang bata ay nasa likod lang daw niya ito at biglang nawala . nakakalungkot lang dahil bata siya ay hindi siya pinakinggan at humantong sa baka daw kihuna nang kung ano-anong lamang lupa at meron ding sinabi na nakuha daw ito nang NPA . ewan basta ang daming kwento , mga haka – haka -mahabang kwento ni owen sa amin .
Kawawa naman yung bata no! nasaan na kaya yung deb na yun ? - tanong ni jaiya sa kanya .
Ang alam ko pagkalipas nang dalawang taon umalis sila sa lugar na to at lumipat nang ibang baranggay o bayan , ewan hindi na ko updated ii . – sagot naman ni owen
Pero alam niyo kung isa ako sa mga batang yun siguro aaraw – arawin ko din pumunta sa napaka gandang bahay na to , pwede ba tayong makapasok dyan owen . sabi ko sa kanya tumango naman si jaiya at sinabing .
Oo nga naman owen sige na .
Naku malabo yan girls, yan ang di natin magagawa dahil sa tagal ko na dito nakatira noon di man lang ako naka pasok dyan , kahit mga turista o mga taga dito ay hindi pa nakaka pasok dyan what I mean is wala pang naka pasok dyan ni isa .
Talaga ba ? ii paano napapanatiling ganyan kaganda yan kung walang naglilinis . – tanong ni Jaiya .
Ayun ang hindi ko alam , kaya nga kahanga – hanga ang bahay na yan . – sabi ni Owen nang nakangiti .
Tara na nanduon na daw ang inarkila kong service natin sa terminal . - sabi ni kuya Chase .
Oh! Tara na guys aalis na tayo wala na ba kayong naiwanang gamit sa bahay? - tanong ni owen sa amin .
umiling naman kaming lahat .