PROLOGUE
Devyn , tara na kanina ka pa tingin nang tingin dyan sa bahay na yan dalian mo na at mahuhuli na tayo sa klase . -sigaw nang kaibigan at kaklase ni devyn na si maya .
teka lang maya , saglit na saglit na lang talaga . pasagot naman ni devyn sa sinasabi ni maya sa kanya.
kaya napa iling naman ang batang si maya at saka lumapit sa kaibigan niya.
ikaw talaga devyn bakit ba panay ang tingin mo na lang dyan sa LA CASA PELIGROSA na yan ? mahuhuli na talaga tayo niyan ii . - ulit na sabi nang batang si maya habang tinitignan din ang kanina pa tinitignan ni devyn.
maya naman ii , alam mo naman na nagagandahan lang talaga ako sa bahay na yan ii , tignan mo napakalaki at napakaganda gustong - gusto ko talagang makapasok dyan . nagnining- ning ang mga mata ni devyn habang sinasabi niya yun sa kaibigang si maya .
devyn , alam ko naman na sobrang ganda talaga nang la casa peligrosa at alam ko din naman na gustong - gusto mo talagang makapasok dyan . pero pwede bang mamayang uwian mo na lang ulit tignan yan ? mahuhuli kase tayo sa iskwelahan lunes ngayon devyn baka nakakalimutan mong may flag ceremony ngayon at bawal ang malate . paalala ni maya kay devyn
hala! oo nga pala nakalimutan ko maya pasensya kana talaga . - hinging patawad ni devyn sa kaibigan niya .
naku ayus lang basta dalian na lang natin ang pag lalakad at mamayang uwian mo na lang tignan ulit yan promise sasamahan kita hanggang hapon at hihingi din ako nang makakain nating biko kay nanay bago tayo umuwe kase sabi sakin ni nanay kanina . tanghali daw siya mag pwesto sa tapat nang iskwelahan natin nang paninda niyang kakanin. - pangako ni maya sa kaibigan niyang si devyn .
kaya laking tuwa ni devyn na marinig yun kay maya kaya dali dali niya itong hinila para maglakad papasok nang iskwelahan.