
Upang mailigtas ang nakakabatang kapatid sa kamay ng sindikatong pinagkakautangan ng ama nilang patay na, walang ibang choice si Vrigitte Faith Caimtim kundi pumasok sa impyerno ng mga makapangyarihan at kinatatakutang Mafia.Limang milyon — iyan ang presyo ng buhay ng kapatid niya.At iisa lang ang makakapagbayad nito: si Zaitan Raiv Querafino — anak at magiging tagapagmana ng pinakamalupit na Mafia Boss sa bansa. Malamig. Walang awa. At hindi kailanman tumatanggap ng “hindi.”Sa isang gabing puno ng tensyon sa loob ng VVIP room ng pinaka-eksklusibong club sa city, inalay ni Faith ang pinaka-iingatan niya — ang kanyang pagkabirhen. Akala niya, isang gabi lang ang kailangan, pero mali siya.Matapos malaman ni Zaitan na totoo ngang birhen pa si Faith ay pinapirma niya ito sa isang lihim na kontrata — isang dokumentong silang dalawa lang ang nakakaalam — na magpapakulong kay Faith bilang hindi lamang babae ni Zaitan… kundi maging ina ng susunod na henerasyon, gagamitin ni Zaitan si Faith upang makuha ang titolo sa ama.Ngunit, hanggang sa kontrata lamang ba talaga mauuwi ang lahat? o sa bawat haplos, halik, at paglalapat ng katawan nila ay unti unting mabubuo ang pag ibig na hindi na nila kayang pigilan pa.
