Pagdating namin sa mansyon ay agad kong ipinatawag si Kairo, hindi naman kumontra si Zaitan bagkus ay sinenyasan niya pa ang mga tauhan niya na sumunod na lang sakin.
Tinulungan naman kami nila Delgado na ipasok ang mga pinamili namin, naupo kaming pareho ni Zaitan sa sofa, habang ang mga maids ay agad na naghatid ng kape at tsaa para samin.
“Thank you ulit, hubby” bulong ko kay Zaitan para asarin ‘to, kita ko ang pagkunot ng noo niya ng tignan ako at halatang inis ito
“Can you please stop calling me that kung wala namang nakakarinig?” inis nitong sabi
“Nilalambing ka lang naman ahh!” malakas kong sabi na alam kong madidinig ng lahat, kita ko ang bilang pagkabalisa ni Zaitan ng mapatingin sa mga tauhan niya na pasimpleng nagngingiti, at ng tignan ako nito ay halatang hindi siya makapaniwala sa inasta ko.
“Are you playing with me?” inis nitong bulong.
“Hindi mo ba ako narinig? Nilalambing lang kita.” saad ko pa dahilan para mapapikit ito at mapahilamos sa mukha niya gamit ang palad niya.
“Arghh! Bahala ka nga sa buhay mo!” inis pang sabi nito at mabilis na tumayo para umakyat sa kuwarto, ng tignan ko ang isa sa mga tauhan ni Zaitan ay bahagya pa itong napangiti at pasimpleng napathumbs up sakin.
“Ate?” nabaling ang atensyon ko ng tawagin ako ni Kairo, agad ko siyang sinenyasan na lumapit sakin at inabot ang mga pinamili ko para sakaniya.
“Para sayo lahat yan.. Ay oo nga pala. Kuya Delgado, ilan kayong mga tauhan ni Zaitan dito?” tanong ko rito.
“As of now Madam, 30 kaming nandito.” sagot naman ni Kuya Delgado
“Hmm so.. 24/7 kayong nakatayo sa bawat sulok ng estate na to para magbantay?” tanong ko na ikinatango naman nito.
“Nakakapagod naman mga trabaho nyo… hmm tapos di man kayo inaalagaan ng maayos ng asawa ko, hayaan nyo akong bahala sainyo” ngiti ko at kumindat pa kay Kuya Delgado, halata sa mukha nito ang pagtataka pero nagawa niya pa ring ngitian ako at magpaalam na lalabas na kasama si Kairo.
Nagpatulong naman ako sa isang tauhan ni Zaitan na kaninang nag thumbs up sakin na iakyat ang mga pinamili namin ni Zaitan kaya nagtawag siya ng isa pang kasama dahil di niya kaya ng mag isa na bitbitin ang lahat ng yon.
Nauna na ako sakanilang umakyat, pagpasok ko sa loob ay hinanap agad ng mata ko si Zaitan pero di ko siya nakita. Nang maramdaman ko naman ang presensya ng mga tao ni Zaitan ay nilingon ko ang mga ito at sinabihan na ilapag na lang sa lapag ang mga paper bags.
Nang maiakyat na nilang lahat ay nagpasalamat ako, at isang matamis na ngiti naman ang natanggap ko sakanila.
Sinara ko ang pinto ng makababa sila ng hagdan, pagtapos ay ako na mismo ang naglagay sa couch ng mga pinamili namin. Sumilip ako sa kama pero wala si Zaitan doon, sumilip rin ako sa cr pero wala rin siya…
San naman kaya yung taong yun?
Inisip ko na lang na baka hindi siya dito sa kuwarto dumeretsyo kaya naman nilibot ko na lang ang tingin ko sa buong kuwarto. Ngayon ko lang mapagmamasdan ito ng maayos. Tumayo ako at lumapit sa bar counter, hind ako pamilyar sa mga alak na nakadisplay kaya naman lumapit nalang ako sa bookshelf kung saan may iilang libro na nakadisplay. Inisa isa kong tinignan ang mga libro mula sa cover hanggang sa loob. Puro english novel, yung iba di ko alam kung para saan, hanggang sa may makita akong maliit na libro. Na-curious ako kaya binitawan ko ang hawak kong isang libro nang hilain ko ito ay nagulat ako ng bigla nalang kusang gumalaw ang bookshelf at nagulat ako ng malaman na secret room pala ang nasa likod nito.
Naglakad ako papasok, pero di pa man ako nakakailang hakbang ay biglang nagsara ulit ang bookshelf dahilan para kabahan ako at agad na lumapit rito para buksan pero ayaw, kahit anong tulak ko ay hindi ito gumagalaw.
“Now, you lock up yourself sa sobrang curiosity mo… Paano pala kung wala ako dito sa loob?” litanya ni Zaitan kaya napalingon ako sakaniya. Dito ko lang rin napansin na hindi pala ito basta secret room, dahil parng ito ang pinakacloset ni Zaitan, puro mga branded na suit, sapatos, relo at iba pang mga alahas ang narito.
Naglakad palapit sakin si Zaitan, may kung ano siyang binuklat sa gilid ng pader at may black buttonito, at ng pindutin ni iyo ni Zaitan ay kusang nagbukas ang bookshelf na nagsisilbing pinto ng secret room na kinabibilangan namin ni Zaitan.
“Labas na.” malamig nitong utos kaya dli dali akong naglakad palabas tapos ay sumunod naman siya.
“Sa susunod wag kang basta basta papasok sa loob. That’s a forbidden room. Maliwanag?” saad nito, agad naman akong tumango dahil sa takot sakaniya, bigla nanaman kasing sumeryoso talaga ang boses at mukha nito.
Naglakad na ako papunta sa couch para doon maupo, kinuha ko ang mga pinamili namin at inilagay na sa closet na sinabi ni Zaitan na para sakin. Pagtapos ay inayos ko ang kama, naglabas rin ako ng masusuot ko dahil balak kong maligo.
Nang papunta na ako sa cr ay nadaanan ko pa si Zaitan na umiinom ng alak habang nakaupo sa couch, hindi ko na siya pinansin bagkus ay deretsyo na ako sa banyo para maligo.
Habang nakababad ako sa bath tub ay di ko maiwasang mapaisip at matakot. Hindi ko alam kung hanggang saan ang pasensya ni Zaitan, hindi ko alam kung kakayanin ko bang panindigan na ipakita sakaniyang hindi ako takot, na kaya kong sabayan siya… Siguro mas mabuti na ang idaan ko na lang sa biro ang lahat, ipakita sakaniya na hindi ako nataatkot kahit ang totoo ay takot na takot ako para samin ni Kairo. Mas mabuti ng ipakita kong kumportable lang ako, at mas gagalingan ko na lang ang pag arte ko… para sakin, para samin ng kapatid ko.