“Pwede ba nating isabay si Kairo?” tanong ko kay Zaitan ng makaupo na kami sa dining pero tinignan lang ako nito at nagsimula ng kumain.
“Please?” pakiusap ko pa habang hawak hawak ang kamay niya.
“Delgado!” sigaw ni Zaitan, pero sigaw yun ng pagtawag lang.
“Bring her brother here” utos nito na labis na ikinangiti ko.
“Thank you, hubby! may reward ka sakin mamaya!” kindat ko sakaniya na halatang ikinagulat niya at ng mga tao pa sa loob.
“Oh? ba’t parang gulat na gulat ka? hindi ka pa rin nasasanay na tawagin kitang hubby? anong gusto mo? baby pa rin? nagpapababy ka niyan e” pag aasar ko pa rito, nagulat naman ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa hita ko na bahagya akong sinakmal.
“What are you doing?!” inis nitong bulong sakin
“Pretending? Paano sila maniniwalang mag asawa tayo kung ganyan ang trato mo sakin?!” pabulong ko bwelta sakaniya.
Bahagyang lumuwag ang pagkakasakmal niya sa hita ko at pekeng ngumiti sakin.
“Just wait, your brother, okay? and about my reward, just keep it secret, nakakahiya marami ang nakakarinig” ani Zaitan at marahang pinisil ang pisngi ko na para bang cute na cute siya sakin.
Ganyan nga, Zaitan. Hindi pwedeng gagawin mo lang akong parausan at pag nabuntis ay basta basta mo na lang ako iaabandona… Sisiguraduhin kong mahihirapan kang bitiwan ako kapag nakuha mo na ang gusto mo.
Ilang saglit lang ay dumating si Delgado kasama si Kairo, naka bihis ito ng itim na damit at pants, nakangiti lang akong nakatingin kay Kairo pero sa loob loob ko gusto kong maiyak… gusto kong sampalin ang sarili ko dahil… dahil sakin napasok sa ganito ang kapatid ko.
“H-halika Kairo, kumain tayo” pag aaya ko sakaniya, pilit lang akong ngumiti kahit ramdam ko ang pag iinit ng mga mata ko.
“Kumain na kami ni Kuya Gado, ate” nakangiting tugon ni Kairo sakin
“Sige na, sabayan mo na kami ng ate mo… kahit makailang subo ka lang ng pagkain kasama siya” sabad naman ni Zaitan, tumango lang si Kairo at naupo sa harap namin.
Nanatili lang kaming tahimik, gusto ko mang tanungin si Kairo kung ayos lang ba siya,kung wala bang ginawang masama ang mga tauhan ni Zaitan sakaniya, pero tila nalunok ko ang dila ko dahil walang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig ko.
“How’s your sleep Kairo? Hindi ka naman ba inano nila Delgado?’ tanong Zaitan kaya napatingin ako sakaniya na nakatingin lang kay Kairo
“Maayos naman po… Mabait naman po sila Kuya Gado” sagot naman ni Kairo
“Good, para di na nag aalala ang ate mo” ani Zaitan at tumingin sakin. Ngumiti lang ako sakanila tsaka ako uminom ng tubig dahil sa biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko ng tignan ako ni Zaitan
“Wag ka ng mag worry, Ate. Ayos lang ako.” ngiti sakin ni Kairo kaya ngumiti na rin ako dahil kilala ko ang kapatid ko pag nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo, at sa ngiti niya ngayon alam kong totoo ang sinasabi niya.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Kairo samin, pupuntahan lang daw niya si Delgado. Habang kami ni Zaitan ay nag kakape ngayon sa gitna ng Garden Maze.
“Ba’t naman dito mo pa naisipan mag kape?” tanong ko sakaniya habang tinitignan ang mga nagtataasang pader na binalot ng berdeng mga dahon at may puting maliliit na bulaklak.
“Dahil dito ko gusto.” malamig niyang tugon kaya napairap na lang ako sa kawalan.
“And this is my scape” dinig kong singhal niya, halos pabulong lang ‘yon na para bang ayaw niya talaga iparinig. Hindi na lang ako kumibo at humigop na lang sa tasa ko na may kape.
“Oh by the way… if makita mo siya na dumating at wala ako, just act normal. Wag kang matatakot sa presence niya..” biglang sabi ni Zaitan at may inabot na picture sakin.
Don Gulliermo?
“Kahit sino naman matatakot sa Papa mo” sagot ko naman, nakita ko pa ang bahagyang pag alon ng lalamunan niya hanggang sa ngumisi ito
“I know… but just act normal.” saad pa nito
“Normal lang na maging normal ako sa harap ng Papa mo Zaitan, kasi normal ako at di abnormal” irap ko sakaniya habang siya ay hindi makapaniwalang tumitig sakin
“Hindi ako nakikipagbiruan, Faith.” malamig niyang tugon
“Mukha ba akong nagbibiro?” buwelta ko naman, dahilan para mapahilamos na lang ito sa saril
Gustuhin ko mang humagalpak ngayon pero pinigilan ko kasi baka mapikon bigla na lang bumunot ng baril at barilin ako dito.
“Magbihis ka, aalis tayo.” saad ni Zaitan ng tumayo ito at naglakad na palayo, agad naman akong sumunod sakaniya at kumapit sa shirt na suot niya, akala ko pa ay maiinis siya at ipapatanggal niya ang pagkakapit ko sa damit niya pero hinayaan lang niya ako.
Pag akyat ko sa kuwarto ay nagbihis ako, wala pa rin akong masuot, kaya naman kumuha na lang ako ng white polo ni Zaitan at pants nito. Kumuha ako ng gunting para gupitin ang pants ni Zaitan at ginawa ko itong skirt tsaka ko tinuck-in ang kalahati ng polo na suot ko. Wala pa kasi akong damit ko kaya gawa na lang ng paraan para may maisuot.
Habang abala ako sa pag tingin sa sarili ko sa salamin ay bigla namang dumating si Zaitan at agad na nag landas ang tingin sakin
“Where did you get your— did you… what did you do?!” nagulat ako sa naging reaksyon niya ng makita niya ang mga piraso ng pants na ginupit ko, kaya naman bahagya akong napakapit sa laylayan ng skirt ko.
“W-wala akong isusuot…” kabado kong sagot habang nakayuko at bahagyang napapikit.
“DAPAT NAGSABI KA MAN LANG SAKIN!” sigaw ni Zaitan kaya bahagya akong napapikit, hindi ko alam pero biglang nanginig ang mga kamay ko dahil sa sigaw na iyon ni Zaitan.
“I-i’m sorry… b-babayaran ko na lang..” mahina kong sabi
“Forget it! Let’s go” dabog nito at lumabas na ng kuwarto tsaka na ako sumunod sakaniya.
Pag sakay namin sa kotse ay agad nagmaneho ang driver nito. Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa marating namin ang mall.
Mabuti nalang at nagdala ako ng pera mula doon sa perang ibinigay ni Zaitan sakin para matubos si Kairo, makakabili ako ng mga damit ko at damit ni Kairo.
Binilisan ko ang lakad ko ng makapasok kami ng mall, pero nagulat ako ng hawakan ni Zaitan ang kamay ko.
“Hindi mo naman siguro babalaking tumakas no? Remember, nasakin ang kapatid mo.” bulong nito kaya bahagya akong natawa.
“Ba’t naman ako tatakas? Excited lang ako mamili ng damit namin ng kapatid ko, tsaka ba’t ko namn tatakasan ang napakapogi kong asawa?” ngiti kong sagot, nagulat pa ako ng matigilan siya sa at titigan ako tapos ay lumuwang bigla ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
“Okay kana? Pwede na ako magmadali?” tanong ko pa at isang tango lang ang nakuha kong sagot at naglakad na ng mabilis para mabilis akong makapamili ng damit.
Puro mga casual lang ng mga pinamili ko since alam ko naman na sa mansyon lang naman kami mag stay niyan. Pero si Zaitan pinilit ako na magsukat ng mga dress para daw kapag may mga special occation, kaya pumayag na rin ako since sabi niya siya naman ang magbabayad.
Halos lahat ng dress na sinukat ko ay binili ni Zaitan, ultimo mga heels at luxury bag ay binilhan niya rin ako kaya medyo nakaramdam ako ng hiya.
“Thank you sa mga pinamili mo para sakin, kahit di naman ako sanay magsusu-suot ng mga gano’n hehe” pagpapasalamat ko kay Zaitan habang magkatabi kami sa backseat
“I just want to people saw that i spoil you, that’s it.” malamig naman nitong tugon, pasimple na lang akong ngumiti at napatingin sa labas ng bintana ng kotse dahil alam kong gusto lang talaga niya akong mapasaya.
Assuming na ba ako nito? Hehe.