Nang makapasok kami ni Zaitan sa sinasabi niyang bedroom namin ay halos malula ako sa laki nito.
Hindi namana ako bago sa mga malalaking bahay, mansion or kung ano man yan. Pero itong magsisilbing kuwarto namin ni Zaitan? kaya ng tirhan ng isang pamilya na may sampong miyembro.
Hindi agad makikita ang kama sa pagpasok pa lang namin ng pinto. Couch at maliit na salaming mesa ang unang bumungad sakin. Bookshelf na may mga iikang Libro at kung ano anong gamit ang naroon.
Meron ring maliit na parang bar area sa tabi lang rin ng bookshelf, may mga wine and whisky doon pati na mga baso.
Sa gilid naman ay paniguradong ang banyo, at sa bandang sulok, naroon ang napakalaking kama. Kulay grey ang bedsheet nito, ang mga unan ay kulay itim pati na ang comforter.
“Done checking the room? satistied?” ngisi ni Zaitan kaya sinamaan ko ito ng tingin
“Pwede na” tugon ko, pero sa totoo lang nakakalula, lalo na at puro salamin talaga at kitang kita ang labas.
“Pwede na? nagpapatawa ka ba? my bedroom is the most biggest room in the country, tapos sasabihin mong pwede na?” inis nitong sabi kaya bahagya akong natawa, halos mamula kasi ito sa inis
“M-may nasabi ba akong masama?” tanong ko
“Wala! just… just clean yourself!” inis na sabi nito at saka na ito tumalikod sakin at pumasok sa banyo niyang may sliding glass door.
Nang matapos siyang maligo ay lumabas lang siya na tanging tuwalya lang ang tumatakip sa kalahati niyang katawan. I clearly saw his jaw dropping body!
From his broad shoulders, pababa sa naguumbukan niyang dibdib, hanggang sa maglandas pa ang mata ko sa mga abs niya. Shet, parang may kung anong kumislot sakin seeing him this half naked.
“You're drooling, darling” ngisi sakin ni Zaitan dahilan para bumalik ako sa huwesyo ko
“AS IF!” pagtataray ko sakaniya at inirapan siya.
Habang papasok ako ng banyo ay dinig ko pa ang malakas niyang tawa na labis na ikinainis ko.
Pagpasok ko ng banyo ay halos malula ako sa lawak nito, e kahit dito na lang ako tumira game ako e.
Nagsimula na akong maligo at sa bawat patak ng maligamgam na tubig mula sa shower ay parang lahat ng bigat na dala dala ko ay biglang nawala.
Binilisan ko lang ang pagligo ko at ng matapos ako ay inopen ko ang built-in cabinet na nasa taas at kumuha ng towel pampunas at pambalo sa buhok ko, and then kumuha rin ako ng bathrobe.
Paglabas ko ng banyo ay wala si Zaitan sa couch, bahagya akong sumilip sa kama pero wala rin siya doon, kaya naman mabilis akong naglakad papasok doon dahil naroon ang cabinet niya, pagbukas ko ay puro white polo at t shirt lang ang naroon, nag open rin ako ng ibang layer ng cabinet, at nakita ko ang mga nakabox na brief na i think hindi pa niya nasusuot kaya kumuha ako ng isa, t-shirt at pajama niya para isuot iyon.
Nang matapos kong magbihis ay pinatuyo konang buhok ko gamit ang tuwalya, at ng wala ng masyadong tumutulong tubig ay inilagay ko na sa hamper ang tuwalya.
Sinubukan kong hanapin si Zaitan sa buong kuwarto pero wala akong nakita na kahit anino niya, kaya naman lumabas na muna ako.
Ang tahimik lang ng bahay, walang masyadong ilaw na para bang takot sa ilaw ang mga nakatira dito, ang mga naglalakihang kurtina na mula ceiling hanggang floor ay puro kulay itim na para bang permanente lang na ganoon.
Pati bawat baitang ng hagdan ay itim at puti, pagtapos ang mga furniture, kung hindi itim or grey e kulay brown naman ang mga ito.
Para bang wala talagang kakulay kulay ang buhay dito.
Nang makababa ako ay agad akong dumeretsyo sa kusina, nakaramdam kasi ako ng bahagyang pagkagutom at ng makapasok ako ng kusina ay dito lang ako nakakita ng ibang kulay.
Pero imbis mamangha ako ay nailang ako dahil sa tingin ng mga maids na naroon.
“Paumanhin po, Lady Faith pero hindi po kayo pwede dito sa kusina” saad ng isang babaeng nasa edad trenta at nagbow ito sakin
“S-sorry…” nahihiya kong sabi at dali dali ng umalis, dinig ko pa ang buntong hininga nila na labis ko namang ipinagtaka, para bang isang malaking tinik ako sa lalamunan nila kapag nag stay pa ako sa kusina.
Naglakad na lang ako at lumabas, kahit papaano ay maganda naman ang tanawin sa buong lugar dahil sa mga puno, bulaklak, damo at iba pa. Panira lang talaga yung mga lalaking nakaitim na nakakalat sa bawat sulok ng lugar.
Nagpunta ako sa mala maze na garden, ang cute lang kasi lahit mysterious ang vibes ng bahay e, may pagka fairy tail naman dito sa garden dahil sa flower arch na bungad at nagsisilbing entrance nito.
Tahimik lang akong naglalakad lakad at hinahaplos haplos ang iilang bulaklak, tulad ng red rose at white rose. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa tuwa, hanggang sa marating ko ang purong itim na rosas, mas malawak ito kumpara sa pinaghalong red at white rose, na para bang sinadya talaga.
“So, how's your new house?” dinig kong boses sa likuran ko kaya napapitlag ako at mabilis na humarap sakaniya
“Don’t be scared at me, Faith. I'm your husband, remember?” ngisi nito habang hinahaplos ang pisngi ko.
“Hindi naman ako natatakot sayo, nagulat lang ako” sagot ko naman na mas ikinangisi pa niya.
“Hindi ka natatakot sakin?!” gigil na sabi nito at tinitigan ako mata sa mata
“Hindi, bakit naman ako matatakot sa asawa ko? sa nagligtas samin ng kapatid ko? sa magiging ama ng magiging anak ko?” sunod sunod na tanong ko. Kita ko ang paglamlam ng mata niya na tila ba nagpalabas sa soft side niya kaya naman ngumiti lang ako sakaniya.
“Nagugutom na ako, kain na tayo” pag aaya ko sakaniya at hinawakan ang kamay nito tsaka hinila papasok ng bahay.
Wala naman siyang nagawa kundi magpatianod nalang habang ang mga bantay ay puno ng pagtatakang nakatingin lang samin.
Seeing their master like this, para bang himala sakanila? paano pa pag nainlove na talaga to sakin?