003

1201 Words
Napakapit ako kay Kairo ng may biglang magdatingan na tatlong itim na kotse, at ng maglabasan ang sakay nito ay sabay sabay silang nag bow kay Zaitan. Pinitik lang ni Zaitan ang diliri niya at bigla ng nagsiayos ng tayo ang mga kalalakihan at lumapit sa grupo nila Dante. “Ano tatayo lang ba kayo jan, at panunuorin sila kung paano sila bibigyan ng leksyon?” biglang sabi ni Zaitan kaya napaigtad ako at hinila si Kairo tsaka kami sumunod kay Zaitan. Sa backseat kami ni Kairo sumakay habang si Zaitan naman ay na sa harap kasama ang driver niya. “Saan tayo pupunta ate?” tanong ni Kairo sakin, bahagya akong napatingin kay Zaitan na tahimik lang nakaupo sa harap. “H-hindi ko alam Kai” sagot ko at bahagyang pinisil ang kamay nito. “Ate, totoo bang asawa mo na siya?” napalunok ako sa tanong na iyon ni Kairo, hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tanong ng kapatid ko. “You heard it earlier, right? so yes, asawa ako ng ate mo” sagot naman ni Zaitan kaya bahagya na lang akong napapikit dahil sa inis. “Edi titira na tayo sa bahay niya?” tanong ni Kairo habang salubong ang mga kilay nito. “Ang ate mo lang ang pwedeng tumira sakin, and you? ibibigay sayo ng ate mo lahat ng pera.” biglang sabi ni Zaitan “Bat ba sabat ka ng sabat samin ni Ate!” biglang taas ng boses ni Kairo kaya naman napakapit ako sa kamay at braso niya. “Kai!” saway ko. “Hindi natin alam kung anong pwede niyang gawin satin, lalo na at nandito tayo sa loob ng kotse niya” bulong ko kay Kairo at agad naman siyang kumalma. “Pero ate—” “Kairo, please” pakiusap ko, at nakahinga lang ako ng maluwag ng tumahimik na si Kairo. “Hmm, Z-zaitan san ba tayo pupunta?” kinakabahan kong tanong habang hawak hawak ang kamay ng kapatid kong si Kairo “Did I give you permission to ask?” tanging sagot lang niya kaya pareho kaming nagkatinginan ni Kairo at napahawak ng mahigpit sa kamay ng isa’t isa. Mahaba haba ang binyahe namin hanggang sa huminto ang kotseng sinasakyan namin sa isang napakalaking itim na gate. Binalot ako ng kaba ng makita ang gate na iyon, hanggang sa bumukas ito at halos mapanga nga ako sa lawak ng lupain. Para lang kaming pumasok sa isang malaking property na napapalibutan ng matataas na bakod, at kahit saang sulok ay may mga nakabantay na mga lalaking nakaitim na damit. Kung susumahin ang buong lugar ay nasa ilang hektarya rin ito, at sa bandang dulo sa may gitna nakatayo ang isang napakalaking bahay. Hindi siya tulad sa ibang mansyon na kung titignan ay parang palasyo… Napaka moderno lang rin ng pagkakagawa ng mansyon dahil puro salamin ito. “We’re here” saad ni Zaitan kaya naman ng huminto ang sasakyan ay mabilis kaming kumilos ni Kairo para bumaba. Pagbaba namin ni Kairo ay umandar ulit ang sasakyan patungo kung san nakaparada ang iba pa. “You see the place? if you have a plan to escape, pag isipan mo muna ng mabuti” nakangising sabi ni Zaitan sakin kaya naramdam ko ang biglaang paghawak ni Kairo sa kamay ko ng mahigpit. “D-dito kami titira ng kapatid ko?” lakas loob kong tanong na ikinahinto niya sa paglalakad. “Didn't i told you na, ikaw lang ang titira rito kasama ako?” sagot naman ni Zaitan. “At sa tingin mo papayag ako?! paano kung makita nanaman siya ng grupo nila Dante?!” sigaw ko sakaniya, kita ko ang pag igting ng panga niya at bahagyang pagngisi. Nakakatakot ang ngisi niyang ‘yon, yung ngisi niya kanina bago niya barilin sa kamay si Dante. “Then, hindi ko na problema yon?” sagot niya at tumalikod na ulit “Hindi! kung hindi pwede ang kapatid ko rito, sasama na lang ako sakaniya!” sigaw ko at itinago si Kairo sa likod ko kahit pa mas matangkad ito sakin “Ts, stubborn. Fine, your brother will stay here. Pero magtatrabaho siya para sakin.” ngisi pa ni Zaitan, gustuhin ko mang ngumiti dahip napapayag ko siya pero nabawi iyon dahil sa sinabi niyang magtatrabaho si Kairo para sakaniya… Anong klaseng trabaho? “Delgado?! assist that kid.” utos ni Zaitan sa lalaking may tattoo sa kamay na halos kalalapit lang. “S-san nyo dadalhin ang kapatid ko?” nanginginig kong tanong at hindi pa rin binibitawan si Kairo. “Ba’t ba ang tigas ng ulo mo?! mamili ka?! patatalsikin ko palabas yang kapatid mo o mag sstay siya dito just to work?” kita ko na ang galit sa mata ni Zaitan, ayokong mahiwalay sa kapatid ko, natatakot ako na baka pag initan ulit si Kairo ng grupo nila Dante. “Ayos lang ako ate, hindi naman siguro nila ako papatayin e.” ngiti sakin ni Kairo at bahagyang inalis ang kamay niyang hawak hawak ko. “Good.” tipid na sagot lang ni Zaitan at sinenyasan iyong Delgado na tinawag niya kanina. Umalis ito hawak si Kairo, hindi naman niya pinwersa ang kapatid ko pero natatakot ako sa kung anong ipapatrabaho nila sakaniya “Do you want to stay here outside?” tanong sakin ni Zaitan, napapikit na lang ako at huminga ng malalim bago tuluyang sumunod sakaniya papasok sa bahay niya. Pagpasok pa lang namin ay may kung anong lamig na ang bumalot sakin, napakatahimik ng loob. Bawat kilos ng mga maids ay sobrang tahimik na kahit kaunting tunog lang ay wala kang maririnig. Pumalakpak si Zaitan ng tuluyan na talaga kaming makapasok, tatlong palapak lang ‘yon at nagsilapitan na ang anim na mga babaeng nakaunipormeng pang maid. “Everyone, i would like to introduce to all of you… My wife.” ani Zaitan at hinawakan ang kamay ko, kita ko ang mga pasimpleng tinginan nila na para bang hindi sila makapaniwala. “Call her Lady Faith. From this moment on, she is the mistress of this mansion.” ani Zaitan at saka naman nag bow ang mga maids. “Welcome to Casa Eyrie, Lady Faith” sabay sabay na sabi ng mga ito. Pumitik lang si Zaitan ay nagsiayusan sila ng tayo at nagkanya kaniya na ng balik sa trabaho nila. Casa Eyrie? Eyrie? “So, ready to see our bedroom?” ngisi ni Zaitan sakin na nagpatayo ng balahibo ko. Naglakad siya pahagdan, habang ako ay nakatayo pa rin sa kinatatayuan ko habang tahimik na pinagmasdan ang bawat sulok ng Casa Eyrie. Ito na ang bagong buhay ko ngayon, ito ang pinili ko… Kaya kailangan kong panindigan ito. Pero kaya ko ba talaga? kaya ko bang panindigan ang nakasaad sa kontrata? ang magbigay lang sakaniya ng tagapagmana? pagtapos ay wala na? iniisip ko pa lang na magbubuntis ako at manganganak sa batang dadalhin ko ng siyam na buwan sa sinapupunan ko at pagtapos ay basta nalang ito iiwan sa taong katulad ni Zaitan ay parang hindi ko na kaya. Kaya ko ba? kaya ko bang iwan ang magiging dugo’t laman ko para makalaya kami ng kapatid ko sa lugar na ‘to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD