008

522 Words
Nagising ako na wala na si Zaitan sa tabi ko. Hindi ko alam kung ngayong umaga ba siya umalis sa tabi ko o nung oras na makatulog ako. Nagpasya na akong tumayo mula sa pagkakahiga. Naglakad agad ako papunta sa banyo at nag hilamos, pagtapos ay nagpunas ako ng mukha at pinusod ang buhok ko. Pagbaba ko sa main hall ng mansyon ay nakita ko si Zaitan na nakaupo sa sofa at may kausap ito, hindi ko alam kung sino pero base sa kulay ng buhok e may katandaan na ito. “Oh Dad, she’s here.” nakangiting sabi ni Zaitan na ikinakunot ng noo ko. Dad? As in… Don Gulliermo? Napalunok ako at napakapit sa laylayan ng damit ko ng humarap ito sakin, si Don Gulliermo nga… “Come here, Love.” saad ni Zaitan tsaka niya ako sinenyasan na lumapit sakaniya. “H-hello po… Good morning” kabado kong bati kay Don Gulliermo ng makalapit ako kay Zaitan. “Are you truly my son’s wife?” dominanteng tanong nito, hindi ko ipinahalata ang kaba ko bagkus ay ngumiti lang ako. “Yes po, we’re in a relationship for about 3 years… pero mas pinili po naming isekreto.” deretsyo kong sagot, nagulat pa ako ng hawakan ni aitan ang bewang ko at bigla na lang niya ako hinila paupo… paupo sakaniya, dahilan para mapakandong ako sakaniya. “Oh really, and ngayon nyo lang napagdesisyunan na magpakasal at magsama? Do you know my son well?” nakangisi pang tanong nito habang ang kamay naman ni Zaitan ay pasimpleng sinasakmal ang balakang ko. “Yes po, that’s why we decided to keep our relationship a secret, to protect me.” ngiti ko naman ramdam ang bahagyang pagluwag ng pagkakahawak ni Zaitan sa balakang ko. “Okay, when do you plan na mag anak?” tanong nito na tuluyang nagpaurong ng dila ko. Bahagya kong pinisil ang legs ni Zaitan kaya naman tumukhim ito. “We’re doing everything we ca, Dad. Don’t worry, ikaw ang unang makakaalam kapag may nabuo na. Right Love?” tugon ni Zaitan, parang nanayo pa ang balahibo ko sa batok ng marining ko ulit ang tinawag niya sakin. “Yes, excited na akong magkababy tayo” nagnginiti kong sabi kay Zaitan at hinalikan ito sa labi. “Hmm… okay okay, hindi ko na kayo tatanungin about your relationship. Atleast now i know that you already had a wife… and soon your wife will produce a heir…” ngisi ni Don Gulliermo na ikinakaba ko. “And you know kapag nag kaanak na kayo, ikaw na ang papalit sakin… And i want you to continue my legacy” saad pa nito kaya mas lalo akong kinabahan at napatingin kay Zaitan. Hindi niya pa nasasabi sakin ang tungkol doon, at ngayon mukhang malinaw na sakin kung bakit gusto niya na magbuntis ako… para makuha agad ang pwesto ng Papa niya… ngayon napapaisip ako kung tamaba ang nagig desisyon ko… paano kung… paano kung tama ang mga sinasabi ng mga tao na mas marahas itong si Zaitan… paano kung after kong mabigyan siya ng anak… patayin niya ako? Kami ni Kairo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD