Two weeks later…
Narito ako ngayon sa banyo, hawak ang tatlong pregnancy test na binigay sakin ni Zaitan. Halos mag isang oras na ako dito sa loob at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung lalabas ba ako ng banyo para ipakita ang mga ito sakaniya. Pakiramdam ko, sa oras na lumabas ako dito sa banyo ay para na rin akong naghukay ng sarling libingan ko.
“Ganiyan ba talaga katagal? Almost 1 hour ka na dyan sa loob, may balak ka pa bang lumabas?” dinig kong sabi ni Zaitan mula sa labas at bakas ang inis sa boses nito.
Huminga muna ako ng malalim at humakbang palabas ng banyo, naabutan ko si Zaitan na nakaupo sa couch at may hawak na baso ng whisky.
Tumayo siya at agad na lumapit sakin, hindi pa man ako nakakapagsalita ay basta na lang niya hinila ang mga hawak ko. Sa pagkurba ng ngisi sa labi niya ay siya namang halos kapusin ako ng hininga, mukhang simula na ito ng pagbibilang ko sa mga araw na mananatili akong buhay.
“You’re Pregnant!” masaya nitong sabi at inilapag sa kung saan ang basong hawak niya tsaka na lang ako nito niyakap na labis kong ikinagulat.
“You save this city, Faith” bulong nya na ikinakunot ng noo ko, tinignan ko siya ng makahulugan, naghintay ako na ipapaliwanag niya sakin ang kung ano mang ibig niyang sabihin pero nakangiti lang siyang nakatingin sa mga pregnancy test na para bang sobrang saya niya talaga na magkakaanak na siya… kahit pa alam kong gagamitin lang naman niya ang bata para makuha sa ama niya ang pagiing leader.
“Ipapatawag ko si Doc Sy, need mo ma check up agad… and to confirm if buntis ka talaga.” saad pa ni Zaitan at dali dali na itong lumabas ng kuwarto.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, hindi ko alam kung anong klaseng excitement ang reaksyon kanina ni Zaitan, napaka wholesome ng reaction niya na para bang totoong mag asawa kami na nagmamahalan at mabibiyayaan ng anak.
Habang nakaupo sa kama ay ayaw magpaawat ng luha ko sa pag tulo, hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak… pero isa lang ang alam kong dahilan nito, natatakot ako… natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin ni Zaitan sakin kapag nailuwal ko na ang bata…
Ilang saglit pa ay pumasok si Zaitan sa kuwarto, halos isang oras rin akong nakaupo lang sa kama at tulala, agad ko namang inayos ang mukha ko para hindi niya mahalatang umiyak ako.
“Doctor Sy is here, tara sa baba?” pag aaya ni Zaitan sakin, tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at naglakad paapit sakaniya.
HInakawan niya agad ang kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nakaalalay sa balakang ko na para bang anytime matutumba ako at nakasapo lang siya sakin.
“Ginagawa mo?” taka kong tanong
“I’m just protecting you.. Hindi ka pwedeng maing careless lalo na ngayong buntis ka na. You need extra care,” tugon naman ni Zaitan na ikinainit ng mukha ko.
Hindi na ako sumagot pa at sabay na lang kaming maingat na bumaba mula sa hagdan at pagdating namin sa living area ay naroon ang isang lalaking nasa mids 40s naka pang doctor pa na coat ito.
“Nice to meet you, Mrs Gulliermo” nakayukong bati sakin ni Doctor Sy, tinignan ko naman si Zaitan dahil nailang ako bigla sa pagkaformalidad ng doctor pero nginitian lang ako ni Zaitan at nagkibit balikat na lamang ito.
“Nice to meet you too, Doc” ngiti kong bating pabalik at nag bow rin sakaniya.
Pinaupo nila ako sa couch at nagsimua na si Doctor Sy na icheck ang BP ko, at kung ano ano pa, ibinigay rin ni Zaitan ang mga pregnancy test na ginamit ko kanina at nakangiti namang binalik ito ni Doc kay Zaitan.
“She’spregnant, Raiv. But we need to be more extra care, lalo na at first baby nyo ito. By the way Mrs. Gulliermo, this past few days ba wala kang nararamdamang pagbabago sayo? Like natural symtomps of being pregnant?” tanong ni Doctor Sy sakin.
Matagal bago ako nakasagot, napaisip pa kasi ako at ngayon ko lang naalala na wala nga naman akong naging morning sickness katulad ng sa mga nabubuntis, kaya siguro hindi rin ako aware na buntis na pala ako.
“Okay, next week magpunta kayo sa ospital para makita natin kung ilang weeks na si baby. Congrats Raiv, Congrats sainyo.” saad pa nito at tuluyan na niyang iniligpit ang mga gamit na dala niya matapos no’n ay nagpaalam na itong umalis.
Nakaupo lang kami sa couch ni Zaitan at hindi na nga naalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko habang sinasabi sakin ang mga rules na kailangan kong sundin. Hindi naman ganoon kahirap ang mga rules na iyon, pero ang rules na bawal akong magkaroon ng feelings sakaniya? Parang ang hirap ata no’n, parang hindi ako sigurado na hindi ako magkakaroon ng feelings sakaniya, lalo na kung ganito siya.
“Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong nito sakin.
“Oo naman..” alanganin kong sagot.
“Mas okay na nagkakaintindihan tayo. Every mistakes has a consequences, so better behave, Faith” saad pa nito sakin tsaka na niya binitiwan ang kamay ko at tumayo mula sa pagkakaupo.
“May kailangan na muna akong asikasuhin, ipapahatid na lang kita kay Kairo sa kuwarto natin para maalalayan ka niya sa pag akyat, and please… be careful.” saad pa nito at tuluyan ng naglakad palabas na siya namang pagpasok ni Kairo.
“Buntis ka ate?” tanong nito sakin
Tumango lang ako at napahawak sa tiyan ko,agad namang lumapit sakin si Kairo at niyakap ako nito.
“Don’t worry, Ate. I’ll protect you, kayong dalawa ng baby mo.” bulong nito sakin na ikinabahala ako.
Kung alam mo lang Kairo… kung alam mo lang na sa pamamagitan ng pagbubuntis ko ay ito lang ang alam kong paraan para maprotektahan ka rin…