Mabilis na lumipas ang oras, gabi na ng makabalik si Zaitan at naabutan ako nito na nakaupo lang sa dining. Hinihintay ko kasi siya mula kanina para sabay na kaming kumain.
“Hindi ka pa kumakain?” tanong nito sakin
“Hinihintay kita…” sagot ko naman naikinabuntong hininga niya.
“Sa susunod wag mo na akong hihintayin, kung gusto mo ng kasabay kumain tawagin mo si Kairo. Hindi pwede sayo ang malipasan ng gutom.” inis na sabi nito pero halata sa mukha niya ang pag aalala.
Umupo siya sa tabi ko at siya mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko, hindi ko na tuloy alam kong dinig ba niya ang lakas at bilis ng t***k ng puso ko.
“Let’s eat” anya pa at nagsimula ng sumubo.
Tahimik lang kaming kumain at ng matapos naming kumain ay inaya ko si Zaitan na magtsaa na muna sa maze garden para na rin magpahangin. Hindi naman siya tumanggi, sinamahan niya ako at inalalayan rin.
“Ahmm.. pwede ba akong magtanong?” tanong ko kay Zaitan.
“Nagtatanong ka na” sagot naman nito kaya tinaasan ko siya ng kilay na ikinangisi naman niya.
“Ano ba kasing itatanong mo?” tanong nito sakin
“Hmm… ilang taon ka ng malaman mo na leader ng mafia ang papa mo?” halos makagat ko pa ang dila ko dahil sa tanong na iyon.
“8? Yeah 8…” sagot naman niya agad na akala ko ay ikagagalit niya.
“Ahhhh… isa pa sanang tanong..” ngiti ko sakaniya, ng tignan niya ako ay tumango lang siya.
“Ahmm.. kaya mo ba ako inalok ng ganoong kontrata at anakan para makuha ang posisyon ng papa mo?” napalunok pa ako ng tinitigan niya lang ako sa mata, hindi ko maipaliwanag ang tingin niyang ‘yon, hindi siya galit… parang may kung anong gusto siyang sabihin sakin.
“Yes. And kung itatanong mo kung bakit, tsaka ko na sasabihin sayo. Sa ngayon, magpahing na tayo gabi na at bawal sayo ang magpuyat, need pa natin magpunta ng hospital bukas.” ani Zaitan, tumayo na ito at inilahad ang kamay niya na agad ko namang hinawakan.
Nakaalalay pa rin siya sakin sa pag akyat namin ng hagdan, medyo naiilang ako sa ginagawa niya dahil, hindi pa naman malaki ang tiyan ko at kayang kaya ko pang kumilos ng mag isa.
“Matulog ka na, maliligo lang ako.” saad nito sakin ng makapasok kami ng kwarto at makaupo ako sa kama. Tumango na lang ako, kasunod no’n ay nagpunta si Zaitan sa banyo.
Nahiga ako sa kama, kahit anong pikit at pagtagi-tagilid ay hindi ako makaramdam ng antok. Kaya naman tumayo na lang muna ako at nagpunta sa bintana. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapniwala na napagmamasdan ko ang paligid ng bahay ng isang Zaitan Gulliermo. Hanggng ngayon napapaisip pa rin ako na kasama ko siya at asawa sa kontrata at ngayon… ngayon ay dala dala ko ang magiging tagapagmana niya.
Napahawak ako sa tiyan ko at marahan itong hinaplos, parang hindi ko kayang lumaki ang bata na ganito ang magiging kakalakihan niya… at sino ang kikilalanin niyang ina? Tulad na Zaitan, para rin siyang iniluwal sa mundo ng walang kinikilalang ina.
“Ang lalim ng iniisip mo… and sabi ko matulog ka na” napalingon ako kay Zaitan ng magsalita siya. Naka gray shirt lang ito at pajama habang pinupunasan ng tuwalya ang basa niyang buhok.
“Ahh.. h-hindi kasi ako makatulog…” tugon ko at naglakad palapit sakaniya.
“Bakit naman?” tanong nito sakin. Tinignan ko lang siya at nagkibit balikat, hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog bukod sa iniisip ko ngayon ang sitwasyon ko.
“Matulog ka na… d–dito lang ako sa tabi mo” biglang sabi ni Zaitan na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Para akong kinukuryente sa sinabi niyang ‘yon at sa paghiga ko ay tsaka ko lang naramdaman ang antok na para bang yun lang ang hinihintay kong marinig bago ako makatulog.
Hindi ako pwedeng magkagusto kay Zaitan… hindi pwede dahil bndang huli alam kong ako lang ang mahihirapan…