Astrid's Pov
Lumipas na naman ang isang araw na hindi buo ang araw ko. Hindi na ako makapag hintay na muling makita at makasa si Kervin.
Pababa na ako ng hagdan ng mapansin ko si Maxi na may kausap sa phone. Nang makita ako nito ay nataranta ito at nag paalam na sa kausap nya, pero bago nya pa maibaba ang phone nya ay naagaw ko na ito sa kanya.
"Miss Astrid!" Pigil nito sakin pero wala na syang nagawa dahil itinakbo ko na ang cellphone nya. Sobrang lapad ng ngiti ko ng makita sa screen ng phone nya na nasa kabilang linya pa si Kervin.
"K-kervin?" Nauutal pa na tawag ko dito.
"Ako nga Miss Astrid." Saad nito sa kabilang linya. Agad na napangiti ako ng malapad ng marinig ang tinig nito.
"Umuwi kana agad, sobrang miss na miss na kita." Saad ko dito.
"Miss na miss na din kita, bukas ay mag kikita na ulit tayo kaya huwag ka ng malungkot." Saad nito kaya nakahinga ako ng maayos.
"Hihintayin kita Kervin, mag iingat kayo lalo kana." Saad ko dito at napansin ko si Maxi sa likuran ko. Nakaabang lang ito sakin hanggang sa matapos ang pag uusap namin ni Kervin.
"Ibalik mo na kay Maxi yung phone, may sasabihin lang akong mahalaga sa kanya." Saad nito kaya naman ibinalik ko na kay Maxi ang phone nito.
Agad naman na lumayo si Maxi sakin, ayaw talaga nitong iparinig sakin ang pinag uusapan nila. Habang nakikipag usap si Maxi sa phone ay tudo tango ito habang nakatingin sakin. Tiyak kong ako ang pinag uusapan nila, marahil ay marami na namang hinabilin si Kervin dito. Ganyan naman sya tuwing wala sa tabi ko, lagi nyang sinisigurado na maayos ang pag babantay sakin ni Maxi and Estoy.
After ng pag uusap nila ay sinabihan na ako ni Maxi na mag pahinga na, bukas daw ng gabi ay babalik na sila Kervin. Hindi na ako makapag hintay, gusto kong matapos na agad ang mahabang gabi na ito.
**KINABUKASAN**
"Mukang masaya ka ngayon, nakabalik na ba si Kervin?" Nakangiting tanong ni Lyzel sakin.
"Hindi pa, pero nakausap ko sya kagabi at mamayang gabi na ang balik nya." Sagot ko dito.
"Kaya naman pala blooming ka ngayon, iba talaga pag inlove." Saad naman ni Ailyn. Mabuti nalang din at nagkaroon ako ng kaibigan, kahit papaano ay napapawi ang lungkot na nararamdaman ko.
"Kamusta naman ang rehearsal nyo? Malapit na ang Mr and Miss Almodians, mabuti naman at babalik na si Kervin, may dalawang araw pa sya para makahabol." Saad ni Lyzel.
"Kahit papano ay nakakasabay na ako sa mga kalahok, medyo nahihirapan lang talaga ako sa pag lalakad na may mataas na heels." Nakangiting sagot ko sa kanila.
"Good morning Astrid." Nakangiting bati ni Yuan sakin. Napapadalas ang pag kikita naming dalawa kahit na malayo naman yung room nya sa classroom namin. Mas naging feeling close din ito sakin lalo na kapag nag papraktis kami. Medyo nakakailang lang dahil hindi ako sanay sa presensya nya.
"Good morning din." Sagot ko dito.
"Hatid ko na kayo Girls." Saad nito at sinabayan na kami sa pag lalakad. Napansin ko si Maxi sa dikalayuan, masama ang tingin nito kay Yuan. Lalapitan na sana kami ng senyasan ko sya na okey lang ako.
Napansin ko na naiilang din si Lyzel at Ailyn dito kaya tahimik kaming nakarating ng classroom.
"See you later Astrid." Nakangiting saad ni Yuan bago ito umalis. Nginitian ko nalang ito bago kami pumasok ng classroom.
"Umaaligid ang daga dahi wala yung leon." Saad ni Lyzel kaya napakunot ang noo ko, hindi ko kasi na gets yung sinabi nya.
"Talagang aaligid yun, lalo na at wala si Kervin." Saad naman ni Ailyn kaya na gets ko na ang tinutukoy nito. Kahit ano namang gawin ni Yuan wala na syang magagawa dahil kahit anong mangyare ay si Kervin lang ang nilalaman nitong puso ko at hindi na yun mababago.
-
Natapos ang morning class namin na hindi ko namamalayan. Excited na akong sumapit ang dilim dahil magkikita na kami ni Kervin. Pag dating namin ng cafeteria ni Ailyn at Lyzel ay nakaabang na din si Maxi kasama ang ilang member ng Elite gang na mga nag aaral din dito sa Almodians.
Nang maka order na kami ng food ay nag hanap na kami ng table, wala na kaming ma pwestohan ng biglang may tumawag sakin.
"Dito nalang kayo Astrid, may available pang upuan dito!" Masiglang saad ni Bethany. Nag katinginan pa kami nila Lyzel, wala naman na kaming choice dahil wala na talaga kaming makita na table na may tatlong availavle na upuan.
"Dito kana Astrid." Saad ni Yuan which is sa tabi nya. Gusto ko sana tanggihan to ngunit nakatingin sakin lahat ng kasama nila sa table,ayuko naman na isipin nila na nag iinarte ako kaya naupo nalang ako. Bali pinagitnaan namin ni Bethany ni Yuan, tapos katabi ko sa leftside si Lyzel sunod si Ailyn.
Nag simula na kaming kumain, napansin ko na maya't maya ang tingin ni Yuan sakin kaya nakaramdam na naman ako ng pagkailang. Napansin ko din ang table nila Maxi na medyo may kalayuan samin. Lahat sila ay nakatitig ng masama kay Yuan, kung nakakamatay lang ang tingin, tiyak na wala ng buhay si Yuan ngayon.
"Baka naman matunaw na si Astrid nyan Pare." Saad ng isa sa mga kaibigan ni Yuan dito, kaya naman lahat ng kasama namin sa table ay napatingin sakin.
"Oo nga Yuan, may gusto ka ba kay Astrid?" Dagdag na tanong ng isa pa nitong kaibigan. Napatingin ako kay Bethany na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin. Agad din akong umiwas ng tingin dito, ayukong sumama ang loob ni Bethany sakin dahil kay Yuan. Kung gusto nya si Yuan kanyan kanya na ito dahil wala akong balak na makipag agawan sa kanya.
"Yeah, I really like her since day 1." Nakangiting saad ni Yuan na wala manlang pag aalinlangan.
"Woah, mukang tinamaan ka talaga dude!" Saad pa ng isa nitong kaibigan. Napalunok ako at napayuko dahil sa narinig ko, sa dami daming maririnig mula kay Yuan ay yun pa. Ako lang ata ang nakakaramdam ng hiya dahil sa mga sinabi nito.
"Anong masasabi mo Astrid?" Tanong ni Clyde, kilala ko na ito dahil kasali din ito sa Mr and Miss Almodians.
"Alam naman ni Yuan na hindi na ako pwede dahil may nagugustuhan na akong iba, diba Yuan? Napag usapan na natin ang tungkol dito, kaya pasensya na talaga." Sagot ko dito sabay ngiti ng alanganin kay Yuan. Ayuko syang paasahin lalo na at gusto ng mga lolo namin na kaming dalawa ang mag katuluyan. Pag dating ni Kervin ay kakausapin na namin si Lolo about sa relasyon namin.
Hindi pa kami tapos kumain ng yayain ko na si Lyzel at Ailyn na umalis. Pag labas namin ng cafeteria ay sya namang pag vibrate ng phone ko. Laking tuwa ko ng makitang sa screen ang pangalan ni Kervin kaya naman agad ko itong sinagot.
"H-Hello Kervin." Nauutal na saad ko dito, kinakabahan ako at the same time ay tuwang tuwa.
"I miss you." Saad nito kaya napangiti ako.
"I miss you too, umuwi kana miss na miss ko na yung mga yakap mo." Saad ko dito.
"Mag ready ka mamaya, ipag tatapat na natin sa lolo mo ang relasyon natin. See you later Miss Astrid, papakasalan pa kita." Saad nito kaya mas lalo akong napangiti.
"Mag iingat ka Kervin, hihintayin ko ang pag babalik mo." Saad ko dito at binabaan na ako nito ng tawag.
"Ang sweet naman ng bebe girl namin, hindi na talaga maitago na inlove na inlove." Saad ni Ailyn sakin habang ako ay malapad pa din ang ngiti.
"Tulungan mo na kasi ako kay Maxi para naman mag kakulay na din ang lovelife ko." Nakasimangot na saad ni Lyzel kaya naman tiningnan sya ng masama ni Ailyn.
"Alam mo Bessy, hindi kayo bagay ni Maxi. Bukod sa hindi kayo bagay, tiyak kong may girlfriend na yung tao. Yung mga ganung tindigan naka inrelationship na yun!" Saad ni Ailyn dito kaya napasimangot si Lyzel dito. Speaking of Maxi, papalapit na ito sa pwesto namin kasama si Arjo at King.
Agad na yumuko ng bahagya si Arjo at King sakin, hindi naman ito napansin ni Ailyn at Lyzel dahil abala sila sa pag titinginan ng masama sa isat'isa.
"Miss Astrid, ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Maxi sakin kaya naman parang nanigas si Lyzel sa kinatatayuan nya.
"H-Hi Maxi." Nahihiyang bati ni Lyzel dito. Napa roll eyes nalang si Ailyn dahil sa pag papansin ni Lyzel dito.
"Nandito nalang din naman si Maxi, bakit hindi nyo sya tanungin?" Saad ko sa dalawa. Napansin ko ang pag lunok ng laway ni Lyzel, halatang kinakabahan ito.
"Ano po ba yun Miss Astrid?" Nakakunot noo na tanong ni Maxi.
"Itong si Lyzel kasi, gusto nyang malaman kung may girlfriend kana daw ba or asawa?" Diretsong tanong ni Ailyn dito. Halatang nagulat si Maxi sa tanong nito kaya nanglaki ng bahagya ang mata nito. Tawang tawa naman si Arlo at King na nasa likuran ni Maxi.
"S-Single pa ako, walang asawa, walang girlfriend at lalong walang anak." Sagot nito at napahawak pa sa kanyang batok.
"Pwede bang ako nalang?" Tanong ni Lyzel dito na ikinagulat namin. Agad na hinila ni Ailyn si Lyzel papunta sa likuran nya.
"Wag mo mashadong seryosohin yung sinabi ng baliw naming kaibigan, palabiro lang talaga to." Saad ni Ailyn at pasimling kinukurot si Lyzel. Mag sasalita pa sana si Lyzel ng tabunan na ni Ailyn ang bibig nito.
"Mauna na kami sa inyo guys, pag pasensyahan nyo na yung bibig nitong kaibigan namin, medyo pasmado na." Saad ni Ailyn at hinila na nito paalis si Lyzel, si Lyzel naman ay nag pupumiglas at halatang ayaw pang umalis. Natatawa nalang ako sa mga ito kaya nag paalam na din ako kela Maxi.
Naabutan ko naman sila na nag aaway sa daan, todo sermon si Ailyn sa ginawa ni Lyzel. Napailing nalang ako sa kakulitan nila, mabuti nalang talaga at naging kaibigan ko ang mga ito.