Chapter 11

1563 Words
Bethany's Pov Nasaktan ako ng mag confess si Yuan na gusto nya si Astrid, talagang sa harapan ko pa talaga. Nakakainis lang dahil binigay ko na ang lahat sa kanya pero kulang pa din. Talagang f#ck buddy lang ang tingin nya sakin, mabuti nalang at may iba ng nagugustuhan si Astrid kaya naman may pag asa pa din ako na mag bago ang tingin ni Yuan sakin. Katawan ko na ang pinuhunan ko kay Yuan kaya naman gagawin ko ang lahat para tuluyan syang mapasaakin. Hindi ako papayag na mapunta sya sa iba, dahil akin lang sya. Habang nag lalakad kami ni Yuan papuntang rehearsal ay natanaw namin si Astrid na nag lalakad. Mukang papunta na din ito ng praktis, halatang masaya ito dahil napakalapad ng ngiti nito. Tunay naman na kabigha-bighani ang ganda ni Astrid kaya hindi na ako mag tataka kung magugustuhan sya ni Yuan. Pero maganda din naman ako, at bagay din naman kami sa isa't isa. Gusto ko pa namang maging matalik na kaibigan si Astrid, pero hindi na maari dahil magiging kakompitensya ko lang sya sa puso ni Yuan kahit na hindi nya naman ito gusto. "Gusto mo ba talaga sya?" Tanong ko kay Yuan, tumango ito bilang sagot. Hindi manlang nito inaalis ang tingin kay Astrid. "Ano bang meron kay Astrid?" Tanong kong muli dito. Alam kong masasaktan ako sa magiging sagot nya, pero nagagawa ko pa ding alamin ang sagot nito. "Ang totoo nyan ay pinag kasundo kami ng mga Lolo namin, pero ayaw ni Astrid." Sagot nito at sa pag kakataong ito ay nilingon na ako nito. "Kung hindi ba kayo pinag kasundo, hindi mo sya magugustuhan?" Muling tanong ko dito. "Ang totoo nyan ay na attract na talaga ako sa kanya nung unang makita ko palang sya. Nadagdagan lang nung araw na ipag kasundo kami." Saad nito kaya hindi na ako umimik. Masakit para sakin na marinig ito mula sa kanya, sabi nga nila masakit talaga marinig ang katotohan. Nang mag simula na ang praktis namin ay napansin ko si Yuan na panay ang tingin kay Astrid. Nakakaramdam na ako ng inis dahil wala ang focus nito sa tandem naming dalawa. Ayukong mainis at magalit kay Astrid, pero dahil sa inaasta ni Yuan ay nakakaramdam na ako ng inis dito. Noon naman ay mabilis kong nakukuha ang atensyon ni Yuan, pero ngayon ay naagaw na ito ni Astrid. Pinag pahinga na muna ng trainor namin ang mga lalaki kaya naman kaming mga babae muna ang rumampa. Nang si Astrid na yung rumampa ay bigla itong na out balance, agad naman na tumakbo si Yuan para i-check ito. Sa kasamaang palad ay napasama ang pag katumba nito kaya kailangan itong dalhin sa clinic para ma check agad ng nurse. Napakunot ang noo ko ng mag presenta si Yuan na sya na ang mag dadala kay Astrid. Binuhat nya agad ito na parang bagong kasal, namalayan ko nalang na nakakuyom na yung mga kamay ko dahil sa inis. Susunod pa sana ako sa kanila ng pigilan ako ng trainor ko at pinabalik na ulit kami sa praktis. Ayukong mag overthink, pero maraming pwedeng mangyare lalo na at silang dalawa lang. Kilala ko si Yuan, gagawin nya ang lahat makuha lang ang gusto nya. Sana lang talaga ay hindi maging marupok si Astrid, dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. **Kervin's Pov** "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Estoy sakin. Bigla nalang kasing sumikip ang dibdib ko sa di malamang dahilan. "Okey lang ako, wag mo kong intindihin. Mag focus ka lang sa pag mamatyag, ilang oras nalang at matatapos na ang mission na ito." Saad ko dito kaya tumango ito bilang sagot. Ilang oras nalang at matatapos na kami, makakauwi na kami ng grupo at masisilayan ko na ulit si Astrid. Excited na akong muling mahalikan at mahagkan ito, sya lang ang dahilan kung bakit kailangan kong makauwi ng ligtas. Mashadong delikado ang mission namin ngayon, lingid naman sa kaalam nyo na mga gangster kami at hindi lahat ng negosyo na pinapatakbo ni Master Jacinto ay malinis. Malaking pera ang pinuhunan ni Master Jacinto para sa mga baril at pasabog na ito para sa proteksyon ng Elite Gang, ngunit tinakbo ito ng pinag kakatiwalaan nyang kaibigan. Kaya ang mission namin ay mabawi lahat ng mga ninakaw sa kanya at bigyan ng leksyon ang nag traidor dito. Ngayon ay nandito na kami sa hide out nila, at ilang sandali nalang ay darating na ang mga kargamento. Babawiin lang naman namin ang para samin, hindi naman sana aabot sa ganito kung tumupad lang sila sa usapan. "Paparating na sila." Saad ni Estoy kaya naman pumwesto na ang grupo namin. Ayukong dumanak ang dugo sa lugar na ito hanggat maari, kaya naman kakausapin ko muna si Taguro about dito. Pero kung talagang nag mamatigas sya hanggang sa huli ay wala na akong choice kundi gawin ang nararapat para sa kanya. Habang masayang masaya si Taguro na binubuksan ang mga kargamento ay lumabas na kami ni Estoy sa pinag tataguan namin. Agad kaming pinalibutan ng mga tauhan nito, anytime ay handa na silang sumugod samin kaya naman itinaas namin ni Estoy ang dalawang kamay namin. "Ang lakas din naman ng loob nyo na pumunta dito ng walang pahintulot ko." Nakangiting saad ni Taguro habang nakangiti ito samin. "May mas lalakas pa ba sa loob ng isang taksil na katulad mo?" Nakangiti ding saad ko dito, agad naman na kumunot ang noo nito. Mukang hindi nya nagustuhan ang sinabi ko. "Kung ako sa inyo, hindi na sana kayo pumunta dito." Muling saad nito. "Hindi naman pupwede yun, kukunin lang namin yung pag mamay-ari namin. Titiyakin kong walang gulong mangyayare kung ibabalik mo samin ang mga ninakaw mo." Saad ko dito kaya mas lalong napakunot ang noo nito. "Nababaliw kana nga talaga Bata." Saad nito at sumenyas na ito sa mga tauhan nya. Sabay sabay kaming sinugod ni Estoy ng mga tauhan nito. May kanya-kanyang armas na gamit ang mga ito kaya naman doble ingat kami ni Estoy na hindi matamaan. Sa mga oras na ito ay tiyak kong kumikilos na din ang mga bata ko. Naka plano na ang lahat, at bawat plano ko ay hindi nag kakamali. Nasa kalahati na agad ang napatumba namin ni Estoy, sinasakay na ni Taguro yung mga kargamento sa truck. Ito ang huling plano nya, ang isakay sa barko ang mga kargamento at ibenta ng mas mahal sa kleyente nya. Hindi nya alam na ang mga tauhan na inuutusan nya ay mga tauhan ko na. Ang tanging mga tauhan nya nalang ay ang mga kalaban namin ni Estoy dahil palihim na kumikilos ang mga tao ko kanila ng wala silang kamalay malay. Pag hawak na namin ang mga kargamento at nailigpit na namin si Taguro ay makakabalik na kami. *Astrid's Pov* Maluha-luha ako dahil sa nangyare sa paa ko, ngayon pa talaga ito nangyare sakin kung kelan sanay na ako sa heels ko. "Sobrang sakit pa ba?" Pag aalalang tanong ni Yuan sakin. Nilagyan na ng nurse ng suporta ang talampak ko dahil hindi ko pa ito pwedeng galawin. Kaya no choice ako kundi mag saklay, aabutin daw ito ng dalawa or tatlong araw. Hindi ko nga alam kong makakaabot pa ako ng contest nito. Pag minamalas nga naman talaga oh, tiyak kong mag aalala ng husto si Kervin pag nakita nito mamayang pag uwi nya ang benda sa paa ko. "Okey na ako Yuan, salamat sa pag hatid." Nakangiting saad ko dito. "Maya-maya ay darating na din ang sundo mo Miss.Morgado, na pag bigay alam na namin sa Lolo mo ang nangyare sayo." Saad ni Nurse Nikka. "Salamat po at pasensya na sa abala." Nahihiyang saad ko dito. "Wala yun, aksidente ang nangyare at talagang hindi yan maiiwasan." Nakangiting sagot nito. "Bumalik kana sa praktis natin Yuan, hihintayin ko nalang ang sundo ko, salamat ulit sa pag hatid sakin." Nakangiting saad ko dito. "Dito nalang muna ako habang wala pa ang sundo mo, gusto kong masiguradong okey ka lang." Saad nito, hindi na ako umimik dahil ayuko ng makipag talo sa kanya. Ilang sandali pa ay malakas na bumukas yung pinto ng clinic, hingal na hingal na lumapit si Maxi samin. Bakas sa muka nya ang labis na pag aalala lalo na ng makita ang bandage sa paa ko. "Ayos lang po ba kayo Miss Astrid?" Pag aalalang tanong nito. Sasagot pa sana ako ng mapalingon ito sa lalaking nasa kabilang side ko. Agad na nag iba ang expession ng muka nito, kanina lang ay sobrang nag aalala ito sakin, pero ngayon ay parang leon na handa ng manakmal. "Ikaw ba ang may kagagawa nito?!"Inis natanong nya kay Yuan. "Kumalma ka lang Maxi, walang kasalanan si Yuan. Actually sya pa ang ang tumulong sakin para madala ako dito sa clinic." Paliwanag ko dito kaya napabuntong hininga ito at muling ibinalik ang atensyon sakin. "Malilintikan ako nito kay Kervin." Mahinang saad nito kaya napangiti ako. Talagang yun ang una nyang pinoproblema ngayon. Titiyakin ko namang hindi sya masasabon ni Kervin dahil in the first place ay aksidente ang nangyare sakin. Inalalayan na ako ni Maxi na maupo sa wheelchair, tutulong pa sana si Yuan ng hawiin ni Maxi ang kamay nito. Yung pagiging suplado at over protective nitong si Maxi ay nakuha nya kay Kervin, talagang kanang kamay nga talaga sya nito. Kung ano nga ang puno, yun din ang bunga hahahha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD