Chapter 12

1510 Words
Astrid's Pov Nakaharap ako ngayon sa salamin dito sa aking kwarto, nag reready na ako sa pag dating ni Kervin. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, sa wakas ay mag kikita na ulit kami after 3 days. After kong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako ng silid ko, todo alalay pa din si Maxi sakin kahit na may saklay na ako. Mas naging maayos na ang paa ko dahil diniretso ako ni Maxi sa hospital kaya naman may mga ininom na akong gamot para sa pain killer. "How's your feet Iha?"Pagaalalang tanong ni Lolo ng makaupo na ako sa hapag kainan. "Mas mabuti na po ngayon." Nakangiting sagot ko dito. Nag simula na kaming kumain ng hapunan, maya't maya naman ang tingin ko sa pintuan dahil hinihintay ko ang pag dating ni Kervin at Estoy. "Anong po ba darating sila Kervin?" Tanong ko kay Lolo kaya napatingin na din ito sa suot nyang relo. "Mashado pang maaga iha, bakit ba parang atat na atat ka ng makita si Kervin?" Nakakunot noo na tanong nito. "May inaasahang pasalubong po kasi iyang Apo nyo Master Jacinto kaya naman po excited sa pag uwi ni Kervin." Saad ni Maxi dito kaya napangiti nalang ako. After namin kumain ng hapunan ay hindi na muna ako bumalik sa aking silid. Gusto ko kasi na sa pag dating ni Kervin ay masilayan agad namin ang isat isa. "Hindi ka pa ba mag papahinga iha, pasado 10pm na. You need to rest para mas lalong bumilis ang pag recover ng paa mo." Pag aalalang saad ni Lolo. "Mauna na po kayo Lolo, maya-maya po ay mag papahatid na din ako sa kwarto ko." Nakangiting sagot ko dito. Nang makaalis na si Lolo ay kami nalang ni Maxi ang naiwan sa living area. Ewan ko ba pero kinakabahan ako ng sobra. "Bakit parang ang tagal naman ata nila?" Tanong ko kay Maxi. "Darating din ang mga yun Miss Astrid, kung gusto nyo po ay matulog na muna kayo dyan at gigisingin nalang kita pag dumating na sila." Saad nito sakin. 11 pm na at kahit anong pigil ko sa mata ko huwag matulog ay hindi na talaga kaya kaya naman hinayaan ko nalang ang sarili ko na matulog. Gigisingin naman ako ni Maxi once na dumating na sila Kervin. ----- "I love you Astrid." Naalimpungatan ako ng marinig ang boses ni Kervin kaya naman agad kong minulat ang mga mata ko at hinanap ko ito. Napakunot ang noo ko ng hindi mahagilap ng mga mata ko si Kervin. Malinaw na malinaw ang pag kakarinig ko ng banggitin nya ang salitang yun. Para bang sobrang lapit nya sa tenga ko at binubulong ang salitang yun. Dali-dali kong kinuha ang saklay ko at hinanap si Maxi, napakunot ang noo ko ng marinig ang ingay mula sa labas kaya naman dumiretso na ako dun dahil baka sila Kervin na yun. "D@mn it Estoy! Pinaprank nyo lang ako diba? Huwag naman kayo mag salita ng ganyan, hindi nakakatuwa!" Inis na sigaw ni Maxi. Bigla nalang akong kinabahan, parang may hindi tama sa mga nangyayare. "Anong nangyayare dito? Nasan si Kervin, bakit ikaw lang ang nandito Estoy?" Nakakunot noo na tanong ko. Hindi nakaimik si Estoy bagkos ay lumuhod ito sa harapan ko at bigla nalang umiyak. "Estoy! Ano ba, tinatanong kita ng maayos? Nasan si Kervin, bakit hindi mo sya kasama?" Inis na tanong ko dito dahil iba na talaga yung kabang nararamdaman ko. Umiling-iling si Estoy habang patuloy ang pag iyak. "Sorry Miss Astrid, s-sorry!" Saad nito kaya nilapitan ko ito kahit na paika-ika ako. "Ano ba kasi yun Estoy, b-bakit ka nag kakaganyan. Please naman wag mo kong takutin ng ganyan, kasama mo si Kervin diba?" Naiiyak na tanong ko dito at lumuhod na din saharapan nito. "Sorry Miss Astrid, hindi ko na protektahan si Kervin, hindi ko sya nailigtas sa pag sabog. W-wala na si Kervin, pat@y na sya." Saad nito kaya tuluyan na akong napaupo sa simento. Pailing-iling ako na tila hindi naniniwala sa sinabi nito. "Hindi, hindi totoo ang mga sinasabi mo, buhay pa si Kervin, narinig ko ang boses nya kanina! Nag sisinungaling ka lang Estoy, nangako si Kervin na babalik sya!" Inis na saad ko dito at nag simula ng tumulo ang luha ko. Ayukong paniwalaan ang mga sinasabi ni Estoy, hindi pa patay si Kervin, nararamdaman kong buhay pa sya. "Miss Astris tumayo na po kayo, mas mabuti pang pumasok na muna tayo sa loob." Saad ni Maxi at tinulungan na nga ako nitong makatayo. Pag dating namin sa loob ay dumating na din ang iba pang member ng gang. Maging si Lolo ay gising na din, bakas sa muka nito ang lungkot. Tiningnan ko si Lolo at umiling ito sakin, para bang pinapahiwatig nito na wala na talaga si Kervin. "H-hindi pa pat@y si Kervin, please Lolo do something!" Pag mamakaawa ko dito. Grabe na yung luhang lumalabas sa mata ko, nakarinig na din ako ng ilang pag hikbi. Tiningnan ko ang mga member ng Elitegang at lahat sila ay nag dadalamhati. "Bakit! Bakit hindi nyomanlang prinotektahan si Kervin! Bakit sya pa, bakit hindi nalang ang isa sa inyo! Mga wala kayong silbi!" Sigaw ko sa mga ito habang nakayuko sa harapan ko. "Lolo, please Mahal na Mahal ko si Kervin. Hindi ko kakayanin kapag na wala sya sa buhay ko." Pag mamakaawa ko dito, hindi ko na makita ang muka ni lolo dahil sa mga luhang nakaharang sa mata ko. Naninikip na din ang dibdib ko dahil sa pag hikbi, para akong kinakapos ng hininga dahil sa paninikip ng dibdib ko. Nangako syang babalik ng ligtas, haharapin pa nga namin si Lolo at aaminin ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Hindi talaga ako naniniwala na wala na si Kervin. Sa lahat ng taong kilala ko, sya lang ang laging tumutupad ng promise nya. Kaya ayukong maniwala na wala na sya hanggat wala silang inuuwing bangkay sakin. "Sorry Miss Astrid, sana ay mapatawad mo kami." Saad ng buong Gang at lumuhod ang mga ito sa harapan ko. Dahil sa ginawa nila ay mas lalo lang nilang pinahina ang loob ko. Mas lalo lang nilang pinamuka sakin na wala na talaga si Kervin, na maging sila ay naniniwala talaga na pat@y na ito. "H-Hindi ito totoo, please Lolo, wake me up." Saad ko kasunod ang pagkahilo, naramdaman kong may sumalo sakin ngunit hindi ko na kayang imulat ang mga mata ko. Sana ay masamang panaginip lang ang lahat ng ito. **YUAN'S POV** "Good Job, maasahan ka talaga." Dinig kong saad ni Lolo sa kausap nya sa phone. Naupo ako sa harap nito at agad itong ngumiti ng malapad sakin after nyang makipag usap sa telepono. "Para saan ang magandang ngiti na yan Lolo?" Nakakunot noo na tanong ko dito at nag salin na din ako ng alak sa baso. "Wala na ang tinik na sinasabi mo, pat@y na si Kervin Acosta kaya naman wala ka ng kaagaw pa sa puso ni Astrid. Ngayong nag luluksa si Astrid at ang buong Elite gang, ito na ang chance mo para mapalapit sa kanya." Nakangiting saad ni Lolo. Talagang gagawin ni Lolo ang lahat para makuha nya ang gusto nya. Sorry nalang kay Kervin, pero ako na ang bahala kay Astrid. **After one week** Simula ng mamatay si Kervin ay hindi pa din pumapasok si Astrid, hindi na ito sumali sa Mr and Miss Almodians. Hanggang ngayon ay nag luluksa pa din ito sa pag kamatay ni Kervin. Mag kakaroon ng pribadong burol sa mansion ng mga Morgado para bigyan parangal ang pagkawala ni Kervin. Kahit walang na recover na katawan ay nais ni Lolo Jacinto na bigyan ito ng maayos na burol. Hindi naman ako mag papahuli dahil gusto kong makita ang sitwasyon ngayon ni Astrid. Mas kailangan nya ngayon ang tulad ko, gusto kong maramdaman nya ang pakikiramay ko. Pag dating namin ni Lolo sa mansion ay bumungad agad ang malaking larawan ni Kervin na puno ng puting rosas. Karamihan sa mga taong nandito ay mga member ng Gang, agad na hinanap ng mga mata ko si Astrid ngunit wala ito. "Nasan si Astrid, gusto ko sana syang makita." Saad ni Lolo kay Lolo Jacinto. "Nasa silid nya lamang, hindi nya nais na makita ang burol ni Kervin. Hindi matanggap ng apo ko na wala na si Kervin. Sobrang malapit kasi ito kay Kervin kaya naman sobrang nasaktan ito sa pag kawala nito." Paliwanag ni Lolo Jacinto. "Ganun ba, kawawa naman pala ang apo natin. Hayaan mo Jacinto, nandyan pa naman si Yuan hinding hindi nya pababayaan si Astrid." Nakangiting saad ni Lolo Francisco. Sige lang Astrid, mag luksa ka lang hanggat gusto mo. Hindi mag tatagal at sakin din ang bagsak mo. Kahit anong gawin mong pag iyak ay hindi na nyan maibabalik ang minamahal mong si Kervin. Hayaan mo at ako na ang mag papatuloy ng sinimulan ni Kervin. Wala ng dahilan para umayaw ka sa pag iisang dibdib natin Astrid, wala ng ibang lalaking nararapat sayo kundi ako. Kaya sa ayaw at gusto mo, ako pa rin ang pakakasalan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD