Chapter 13

1659 Words
Astrid's Pov Ngayon ang huling gabi ng burol ni Kervin dito sa mansion. Alam kong ginagawa ito ni Lolo at ng gang para bigyan sya ng parangal at respeto na din sa pag kawala nito. Ayuko pa din maniwala na wala na talaga si Kervin, dahil una ay wala naman silang katawan na maipakita sakin. Kaya naniniwala pa din ako na buhay ito, umaasa pa din ako na balang araw ay babalik sya para tuparin ang mga pangako nya sakin. Napag disisyonan kong mag bihis ng white dress, ayukong mag itim dahil hindi naman ako nag luluksa. Pag labas ko ng silid ko ay napansin ko kaagad ang mga bisita ni Lolo at ang mga member ng Elite Gang. Pababa na ako ng hagdan ng matigilan ako dahil sa malakas na pag atungal ng isang babae. Napakunot ang noo ko ng makita ang reaksyon nito sa harap ng larawan ni Kervin. "Sino sya?" Tanong ko sa sarili ko. Napansin ni Maxi ang pag baba ko ng hagdan kaya naman sinalubong ako nito. "Kilala mo ba ang babaeng yun? Bakit ganun nalang ang pag iyak nya sa harap ng larawan ni Kervin, tinalo nya pa ang nawalan ng asawa dahil sa pag atungal nya." Medyo inis na tanong ko dito. Walang nababangit si Kervin sakin tungkol sa babaeng yan, dahil kami lang naman ng Elite gang ang kinikilala nyang pamilya. Pero sino tong babae na ito na bigla nalang susulpot sa burol nya at kung makaiyak ay wagas pa? "Si Janna, college classmate ni Kervin." Sagot nito kaya napakunot ang noo ko. Never itong nabanggit sakin ni Kervin, so ibig sabihin nito ay hindi sya special sa buhay nya. Pero bakit ganun nalang ang pag tangis nito? Lumapit ako dito at inabutan ito ng tissue, kumalma ito ng makita ako. Tinanggap nya yung tissue at pinunasan na nito ang luha nya. "Mukang malapit kayong dalawa sa isa't isa." Saad ko dito at tumango naman ito sakin. Niyaya ko itong maupo at pinakuhaan ng tubig. "Hindi ko akalain na may iba pa palang malapit na tao kay Kervin bukod samin. Ano ba ang namamagitan sa inyong dalawa?" Nakangiting tanong ko dito. "Classmate ko nung college si Kervin, we are very close to each other. Ang totoo nyan ay gustong gusto ko sya, but he loves someone else." Nakangiting saad nito sabay inom ng tubig na hawak nya. Ako kaya ang tinutukoy ni Kervin na gusto nya? Pero ilang taon palang ako nun diba? "Ilang beses ng may nangyare saming dalawa, pero kahit na may nangyayare samin hindi ko pa din makuha kuha ang puso nya. Until tumigil na sya sa set up namin dahil pakiramdam nya siguro ay pinag tataksilan nya yung babaeng gusto nya kahit wala naman silang relasyon." Saad nito habang nakatingin sa mga mata ko. Napalunok ako sa inamin nya, may nangyare na sa kanila ni Kervin? Hindi ko naman masisisi si Kervin dahil lalaki sya. May pangangailangan sya ng mga panahon na yun, at dahil bata pa ako ay hindi ko ito mabibigay sa kanya. Kung kelan naman nasa tamang edad na ako, at handa na akong isuko sa kanya ang lahat ay ganito pa ang nangyare. Ni hindi ko manlang naabot ang langit na matagal ko ng pinapangarap. "Matagal na ba kayong hindi nag kikita?" Tanong ko dito. "Matagal-tagal na din, nag kikita nalang kami sa tuwing sinasama sya ni Mr Jacinto sa bar ko." Saad nito kaya bigla akong nakaramdam ng insecure. Maganda si Janna at sexy, talaga bang hindi nag kagusto sa kanya si Kervin? S#x lang ba talaga ang habol nya sa babaeng ito? "Excuse lang po Miss Astrid, pinapatawag ng Lolo nyo si Miss Janna." Saad ni Maxi kaya naman nag paalam na ito sakin. Gusto ko pa sana itong makausap, marami akong mga bagay na gustong malaman tungkol sa kanila ni Kervin. Siguro ay sa susunod nalang ulit naming pag kikita. Ilang babae pa kaya ang na link sa buhay ni Kervin, ako lang ba at si Janna? Pero kung tutuusin ay mas lamang si Janna, dahil naibigay nya lahat sa lalaking gusto nya. Samantalang ako ay maraming pinag hihinayangan ngayon. **Dona Ermelyn's Pov** Ngayon ang araw kung kelan na wala ang anak ko, sariwa pa rin sa isip ko kung paano na wala sakin ang pinakamamahal kong si Theodore. Ofw ako noon, nag tatrabaho ako bilang isang care giver sa isang chinesebusinessman. Wala itong asawa at anak dahil naging abala ito sa pag papatakbo ng negosyo nya. Mahirap lang ako nun, walang maayos na trabaho ang live in partner ko kaya naman wala na akong choice kundi makipag sapalaran sa ibang bansa. Masakit para sakin na iwan si Theodore, ngunit hindi kakayanin ng puso ko na hindi maibigay ang pangangailangan nito. Almost 2 years akong nangamuhan at maganda naman ang pakikitungo sakin ng amo ko. Minsan nga ay binibiro ako nito na pakasalan ko sya, iwan ko na daw ang live in partner ko at kunin ko ang anak ko sa Pilipinas. Hindi ako pumayag sa gusto nito dahil mahal ko ang Ama ni Theodore. Sa pag balik ko ng Pilipinas para mag bakasyon ay hindi ko inaasahan ang aking madaratnan. May iba na palang kinakasama ang aking live in partner, at ang anak naming si Theodore ay ilang buwan ng nawawala. Para akong mababaliw ng mga oras na yun, wala akong pinalipas na sandali. Hindi na ako nakakain ng maayos dahil sa pag hahanap ng Theodore. Lahat na ng police station na malapit samin ay pinuntahan ko na para i-report ang pag kawala ni Theodore. 5 years old lang ito, kaya sobrang sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pag kawala nito. Kung hindi ako umalis at tiniis nalang ang hirap ng buhay ay hindi ito mawawala. Tapos na ang bakasyon ko sa Pilipinas at kailangan ko ng bumalik sa ibang bansa. Tinawagan ko ang amo ko at sinabi sa kanya ang sitwasyon ko, hindi ko kayang bumalik ng ibang bansa hanggat hindi ko nakikita ang anak ko. Hindi ko naman ini-expect na susunod ito sakin sa Pilipinas. Tinulungan ako nitong hanapin si Theodore hanggang sa napag disisyonan nitong manirahan nalang sa Pilipinas kasama ko. Hindi nag tagal ay nag propose ito sakin at ikinasal kami. Limang taon din ang pag sasama namin, nag karoon ito ng maraming negosyo sa Pilipinas hanggang sa pumanaw ito. Lahat ng mga ari-arian nya ay naiwan sakin, sa loob ng mahigit 20 years ay mas lalo ko itong napalago. Kahit na gaano pa ako kayaman ngayon, wala din naman itong saysay dahil hindi ko kapiling ang anak ko. Kung nasan ka man ngayon anak ko, sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Habang nag eemote ako bigla nalang nag fullstop ang kotse na sinasakyan ko. "Madam ayos lang po ba kayo?" Pag aalala ng driver kong si Luke. Mabuti nalang at naka seatbelt ako, kung hindi ay baka nauntog na ako sa upuan nito. "I'm alright, why did you stop?" Nakakunot noo na tanong ko dito. "May tao pong nakaratay sa kalsada, hindi ko po sigurado kung patay or buhay pa." Saad nito kaya naman kinabahan ako. Papunta pa naman kami ngayon sa resort ko sa batangas, sa El Theodore. "Ano pang hinihintay mo, bumaba ka at tingnan mo kung anong lagay nya!" Pag papanic na utos ko dito. Madilim sa labas at delikado na, hindi ko tiyak kong modus lang ito, pero hindi na mahalaga yun dahil buhay ng tao ang nakasalalay dito. Nang macheck na ito ni Luke ay muli itong bumalik ng sasakyan. "Madam, buhay pa po, maradami syang sugat sa katawan." Paliwanag nito. "Ano pang hinihintay mo dyan, bilisan mo at dadalhin natin sya sa hospital." Saad ko dito at bumaba na din ako ng sasakyan para tulungan si Luke sa pag buhat dito. Sa pag buhay ni Luke dito ay napansin ko kagad ang muka nito. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, hindi ko mashadong makilala ang muka nito dahil sa mga tuyong dugo sa kanyang muka. Ang ilang bahagi ng katawan nito ay lapnos, para bang nakaligtas sya sa isang sunog. Nang maipwesto na ito ni Luke sa back seat ay hindi ko mapigilan na hindi ito tingnang mabuti. Mukang nasa early 30's na ang lalaking ito, maganda ang hubog ng pangangatawan nya. Kahit na marami itong sugat na natamo ay hindi maipag kakaila na gwapo ito. "Ano po kaya ang nangyare sa kanya? Napaka tindi ng mga sugat na natamo nya." Tanong ni Luke sakin. "Bilisan mo nalang dyan para makarating agad tayo sa hospital." Saad ko dito at hindi na ito umimik pa. Mahigit isang oras ng makarating kami ng hospital, agad itong isinugod sa emergency room. Agad na may lumapit saking nurse at tinanong ang pangalan ng pasyente ngunit wala akong maibigay na pangalan dito. Kwenento ko ang nangyare dito, kaya naman ako muna ang naging pansamantalang guardian nito. "Madam, malalim na po ang gabi. Kukunan ko na po kayo ng hotel na matutuluyan mo para makapag pahinga na po kayo." Pag aalalang saad ni Luke. "Marahil ay senior na talaga ako sa paningin mo Luke, pero hindi pa ako mahina. Kayang kaya ko pang mag puyat, malakas pa ako sa kalabaw." Saad ko dito kaya napakamot nalang ito sa ulo nya. "Madam, kailangan po naming masalinan ng dugo ang pasyente as soon as possible." Nag mamadaling saad nung nurse na kausap ko kanina. "Anong blood type ba ang kailangan nyo?" Nakakunot noo na tanong ko dito. "AB negative po" Sagot nito. "May stock ba kayo na pwedeng ibigay sa kanya?" Tanong ko dito ngunit agad itong umiling. "Nagamit na po namin kanina sa isang pasyente, alam nyo naman po siguro na rare type ang Ab Negative kaya bibihira lang po kami mag karoon ng stock." Saad nito kaya napabuntong hininga ako. "Pwede bang ako nalang ang mag donate, AB negative din naman ako." Saad ko dito. Nag kataon lang siguro na parehas kami ng dugo, hindi naman siguro si Theodore ang binatang yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD