Donya Ermelyn's Pov
After ng ilang minutong interview sakin about sa condition ng aking kalusugan ay nakapasa ako bilang blood donor nitong lalaking nasagip namin sa daan. Sana naman ay maging maayos na ang kanyang kalagayan. Marami akong gustong malaman tungkol sa kanya, bukod doon ay para na din malaman namin kung sino ba talaga sya para ma contact na ang kanyang pamilya.
-Kinaumagahan-
"Madam." Tawag sakin ni Luke. Dahan dahan ko pang iminulat ang aking mga mata, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa waiting area.
"Kamusta na ang pasyente?" Tanong ko dito. Saktong dating naman ng doctor na nag aasikaso dito kasama yung nurse na assistant nito.
"How's the patient doc?" Tanong ko dito.
"Sa ngayon po ay maayos na ang kalagayan nya, hindi na po ito nag aagaw buhay. Malaking tulong po ang agarang pag donate nyo ng dugo dahil napaka daming dugo po ang nawala dito. Sa ngayon po Mam ay kailangan nalang nating hintayin ang pag gising nya. Maari nyo na po syang puntahan sa ward nya." Saad ng doctor, nag pasalamat ako dito bago ito umalis.
"Madam, hihintayin pa ba natin na magising ito? Hindi po ba pwede na ireport nalang natin sa mga pulis ang tungkol dito? Paano po kung masamang tao ito at hinahanap na sya ng batas. Baka kung ano pa po ang gawin nya sa inyo." Pag aalalang saad nito.
"Sa kalagayan nyang yan sa tingin mo ba ay magagawa nya pang manakit ng tao? At paano kung mabuting tao sya at may nais na pumaslang sa kanya? Mas mabuting makausap na muna natin sya, ang gawin mo nalang ay imbistigan ang pag ka tao nya. Gamitin mo ang mga koneksyon natin para makilala kung sino ba talaga sya." Saad ko dito at sumangayon nalang ito sa nais ko. Ewan ko ba pero gusto kong alamin kung sino ba talaga ang batang ito. Parang may nag tutulak sakin na imbistigahan ito, na para bang may connection kami sa isat-isa.
Pag dating ko sa ward nito ay wala pa din itong malay. Ngayon ay malinis na ang katawan at muka nito. May benda sya sa ulo, sariwa pa din ang mga sugat nya sa muka pero malinaw na sakin ang itsura nya. Napaka gwapong bata, parang nakita ko na sya before pero hindi ko alam kung saan.
"Astrid!!" Sigaw nito. Pag dilat nito ng kanyang mga mata ay muli itong nawalan ng malay. Agad akong tumawag ng doctor para ipag bigay alam ang nangyare dito.
"Bakit po nawalan na naman sya ng malay Doc?" Tanong ko dito after nitong i-check ang pasyente.
"Natural lang po yan Mam, ang importante po ay nagising na sya. Maya-maya lang po ay mag kakamalay na ulit sya." Saad ni Doc at nag paalam na ulit ito.
After 1 hour
Habang abala ako sa cellphone ko ay bigla nalang itong nag salita.
"T-Tubig" Saad nito kaya naman agad ko itong nilapitan ay inabutan ng tubig. Pag kapainom ko ng tubig dito ay bigla nalang itong natulala sakin.
"M-mama?" Nauutal na tawag nito sakin. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Maya maya pa ay napahawak ito sa sintido nya.
"A-anong nangyayare sakin? B-bakit wala na akong makita!?" Pag papanic na sigaw nito.
"Sandali lang iho, tatawagin ko lang ang doctor mo." Saad ko dito, aalis na sana ako ng hawakan nito ang kamay ko.
"Ikaw ba yan Mama, please huwag mo kong iwan." Pag mamakaawang saad nito. Hindi kaya pinag kamalan nya lang ako na Mama nya? Or posible na sya si Theodore ko na matagal ko ng hinahanap?
"Hindi ako aalis ng matagal, babalikan kita agad." Saad ko dito at inalis na ang kamay nito. Madali akong tumawag ng nurse at pag balik ko ng kwarto ay naabutan ko itong inuumpog ang ulo nya sa pader. Dali-dali ko itong pinigilan, ilang sandali pa ay dumating na si Doc at dalawang nurse na lalaki.
"Doc bakit sya nag kakaganya?" Pag aalalang tanong ko dito.
"Impact ito sa nangyare sa kanya, ngayon palang natin malalaman kung anong mga na damage sya kanya. Sa ngayon ay kailangan ko muna syang turukan ng pangpa-kalma." Saad nito kaya naman hinawakan agad ng dalawang nurse yung pasyente at tinurukan na ni Doc. Nang kumalma na ito ay inihiga na ulit ito ng kama. Muling tiningnan ni Doc ang mga mata nito gamit ang flashlight. Habang tinitingnan ni Doc at pailing-iling ito.
"Pansamantalang na wala ang kanyang paningin, babalik din naman ito ngunit mukang matatagalan." Saad ni Doc kaya nakaramdam ako lalo ng awa sa binata.
"Doc, maari po ba ako huminge ng request for DNA test. Matagal ng nawawala ang anak ko, at kanina nung magising sya ay tinawag nya akong Mama. Hindi na ako makapag hintay na magising sya, gusto kong malaman kong pinag kamalan nya lang ba ako na Mama nya, or sya talaga ang matagal ko ng hinahanap na Anak." Saad ko dito kaya naman tumango ito.
Kung sya nga ang anak kong si Theodore, hindi ko papalampasin ang nangyare sa kanya. Kung aksidente lang ba ito, or sinadya. Pag babayarin ko ang taong gumawa nito sa kanya.
***Astrid's Pov***
After 2 years
Until now ay sariwa pa din sa mga alaala ko si Kervin. Napaka hirap kalimutan ng isang tao lalo na kung ito na ang naging buhay mo.
"Astrid, nandito si Yuan." Saad ni Lolo kaya napabuntong hininga ako. Dahil wala na si Kervin, wala na akong choice kundi sundin ang nais ni Lolo. Simula ng mamat@y si Kervin ay hindi na umalis si Yuan sa tabi ko. Nandyan sya palagi kahit na madalas ko itong pinag tatabuyan. Sa loob ng dalawang taon ay pinakita nya naman sakin na seryoso sya sakin. Hindi ko lang talaga sya matanggap sa puso ko dahil hanggang ngayon ay si Kervin pa din ang nilalaman nito.
Pag labas ko ng kwarto ko ay ngitian ako ni Lolo.
"Siguro naman iha ay ito na ang tamang panahon para sa inyo ni Yuan. Sapat na siguro yung dalawang taon na pag hihintay nya para sa engagement nyo. Wala na si Kervin, si Yuan na ang nandyan para sayo. Pag bigyan mo naman si Yuan, para na din maging masaya kana." Saad ni Lolo kaya tumango nalang ako.
Siguro nga ay tama si Lolo, ako nalang yung umaasa na buhay pa si Kervin. Dalawang taon na pero ni anino nito ay hindi manlang nag papakita sakin. Kailangan ko na talagang tanggapin na wala na sya, pero kahit na ganun ay hindi ko pa din sya aalisin sa puso ko. Dahil kahit anong mangyare, sya pa din ang lalaking una at huli kong mamahalin.
Pag dating namin sa baba ay nag beso sakin si Yuan, kasunod ang pag abot nito ng bouquet of flowers.
"Thanks." Nakangiting saad ko dito.
"Maiwan ko na muna kayong dalawa." Saad ni Lolo samin.
"Sorry kung pinag hintay kita ng matagal Yuan. Nakapag isip-isip na ako at pumapayag na ako sa gusto nyo nila Lolo. Pumapayag na akong mag pakasal sayo, sa isang kondisyon." Saad ko dito. Bakas sa mga mata nya ang saya dahil sa sinabi ko.
"Kahit anong kondisyon pa yan Astrid gagawin ko para sayo." Nakangiting saad nito kasunod ang pag hawak sa dalawang kamay ko. Medyo nailang ako sa ginawa nito at agad nya din naman yung napansin kaya inalis nya agad ang pag kakahawak nya dito.
"Hayaan mo muna na makapag tapos ako ng pag aaral bago tayo mag pakasal. May mga gusto pa akong patunayan sa sarili ko, sana ay maunawan mo yun." Saad ko kaya agad naman itong tumango.
"Mag hihintay ako Astrid, lalo na ngayon at pumayag kana. Hindi ko sasayangin ang pag kakataon na ibinigay mo sa akin." Saad nito kasunod ang pag kuha ng kanang kamay ko at hinalikan nya ito.
Hindi ko alam kung tama ba tong naging disisyon ko. Ni hindi ako nakakaramdam ng saya at kilig kay Yuan. Wala itong sinabi kumpara kay Kervin, namimiss ko na yung ganung pakiramdam.
**After 1 month**
"Sigurado kana ba talaga sa disisyon mo Sis?" Muling tanong ni Ailyn sakin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nya na itong tinanong sakin.
"Ako ang kinakabahan para sayo Sissy! Isipin mong mabuti, itatali mo ang sarili mo sa taong hindi mo naman mahal." Saad naman ni Lyzel.
"True, hindi mo mahahanap ang tunay na kaligayahan sa lalaking hindi mo naman tunay na minamahal." Saad ni Ailyn kaya napangiti nalang ako.
"Anong magagawa ko? Yung taong labis kong minamahal ay kinuha na ni Lord. Wala na ding saysay yung buhay ko. Kung hindi na ako sasaya, atleast napasaya ko yung ibang tao lalo na si Lolo. Ito naman talaga ang gusto nya, ang maikasal ako kay Yuan. Kaya bago pa ito kunin ni Lord sakin ay mapasaya ko manlang sya. Ayukong mag sisi sa huli, ayuko ng maranasan ulit yun." Paliwanag ko sa dalawa kaya naman napabuntong hininga nalang sila.
"Ano pa nga bang magagawa namin, ilang minuto nalang at mag sisimula na ang engagement party nyong dalawa. Bukod doon ay buo na talaga ang disisyon mo. Good luck nalang Sissy tandaan mo, nandito lang kami palagi salikuran mo." Saad ni Lyzel at nag yakapan kaming tatlo.
Maya-maya pa ay pinatawag na ako para sa grand entrance namin ni Yuan.
Kung nakikita mo ako ngayon Kervin, sorry for doing this. Sana maunawaan mo ako sa naging disisyon ko, sana maging masaya ka pa rin para sakin. Kung buhay ka lang sana, ikaw dapat ang nasa posisyon ni Yuan ngayon. Mas magiging masaya sana ako, at walang pag sisisihan. Miss na miss na kita Kervin, tandaan mo to, kahit wala kana, mananatili kang buhay sa puso ko.