Third person's POV Umaga pa lang ay nagkumpulan na ang lahat ng tao sa mansyon. Mula sa mga katulong, hardinero, tiga luto, driver at ilan sa mga taong nagta-trabaho sa kumpanya ni Theodorebat marami pang iba. Nagkaroon sila nang biglaang pagtitipon dahil sa ikinalat na tsismis ng Tiya ni Jennifer. "Talaga Manang? natulog sa loob ng kwarto ni Jennifer si Sir Vincent?!" excited na wika ni Teresa. Labis ang pagpipigil ng iba na mapasigaw dahil sa kilig na kanilang nararamdaman. Maging si Sebastian na parang kanang kamay ni Theodore ay nagpipigil na mapangiti. "Lumabas na po ba nang kwarto si Sir?! Nandito na po ba siya sa labas o baka nasa kwarto pa? KYAHH!" "Jusko... kinilig ako..." "Warakin mo, Sir Theodore!" Agad na nilingon ng mayordoma ang isang katulong na nagbitiw ng huli

