Madi's pov NAPAPALIYAD na lamang si Madi sa pagiging mapangahas ni Joaquin sa kanya. Iniwas niya ang kanyang labi sa lalaki. Kahit pa nasasarapan siya sa ginagawa nito ay pilit niya pa ring nilalabanan ang sarili. "Sabi mo nabulagan ka lang sa akin?" hindi niya mapigilang tanong sa lalaki. Ngumisi lamang sa kanya si Joaquin at hinalikan siya sa leeg. Hinawakan niya ang tenga nito at bahagyang kinurot. “Hindi pa man tayo mag-asawa ay sinasaktan mo na ako,” nagpapaawang wika nito. “Baka sakaling matauhan ka at iwan mo na ako,” sagot niya. “Hindi ako ang babaeng gusto ng Papa mo,” dagdag niya pang wika. “Pero ikaw ang babaeng gusto ko maging ina ng aking mga anak. Isa pa binibiro lang naman kita kanina. Baka mamatay ako kapag iniwan mo,” natatawang wika ni Joaquin sa kanya kaya napangiti

