Joaquin’s pov KAPWA nakangiti sila ni Madi. Dinala niya ito sa sarili nitong silid at doon nila ipinapagtuloy ang kanilang ginagawa. Walang humpay ang pinagsaluhan nilang pagtatalik. Tila sila walang kapaguran. “Masaya ka ba?” tanong niya kay Madi. Hinihingal pa rin siya dahil sa ilang beses nilang pagtatalik. Nakatitig lang ito sa kisame. “Sobra,” sagot nito na bahagyang ngumiti. Tiningnan niya si Madi. “Masaya ako dahil magkasama tayo Joaquin pero natatakot pa rin ako na baka panandalian lamang ang lahat ng ito. Baka sinasanay mo lang ako pagkatapos ay iiwan din,” wika pa nitong punong-puno nang pangamba. Dumapa siya sa kama at tiningnan ito. Hinaplos niya ang maamong mukha ni Madi. Alam ng Diyos kung gaano niya ito kamahal at hindi siya gagawa ng isang bagay para mawala ito sa k

