CHAPTER SIXTY-FOUR

1735 Words

Gab’s pov KANINA pa hindi mapalagay si Gabriel habang hinihintay niya ang muli nilang pagkikita ni Anna. Sa 7-eleven ang kanilang meeting place kung saan silang unang pumunta. Naubos niya na ang mineral water na binili pero wala pa rin ito. Kanina pa siya tensiyonado. Panay rin ang tingin niya sa camera ng kanyang cellphone upang tingnan ang kanyang itsura. Gusto niyang maging kaakit-akit sa mga mata ni Anna. Napaigtad siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Anna ang nasa kabilang linya. Nagmamadali na sinagot niya ang tawag nito. “I’m sorry Gab pero nagkaroon ako nang biglaang lakad,” wika ni Anna sa kabilang linya kung kaya ay nanlumo siya. Ang excitement na nadarama niya sa kanyang puso kanina ay biglang nagluho. Para siyang binagsakan ng langit dahil sa sinabi ni Anna.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD