Joaquin’s pov NAKAMASID lamang siya sa kanyang Mama Wilma na nag-iimpake. Napansin niyang umiiyak ito. Parang nadudurog ang kanyang puso dahil sa nasaksihan. Saksi siya kung gaano kamahal ng Mama niya ang kanyang ama. Kung paano nito sambahin at alagaan pero ganito lang pala ang nangyayari? Ang isinusukli ng kanyang ama sa pagmamahal ng ina ay pananakit. Napakuyom siya sa kanyang kamao. Gusto niyang saktan ng paulit-ulit ang ama pero naging ama niya pa rin ito at minahal niya rin ang ama. Lumapit siya sa kanyang ina at niyakap niya ito mula sa likuran. “It’s okay. I am with you,” bulong niya sa ina. Gusto niyang maramdaman ng ina na hindi siya mawawala sa tabi nito kahit pa wala ang kanyang ama. Narinig niyang humagulhol ito ng iyak. Tumingala siya upang pigilang ang luhang nagbabadyan

