Mari’s pov MUKHANG KANINA pa siya nababaliw dahil nakailang ikot na siya sa silid niya at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Joaquin Sandoval na magiging asawa ng kanyang kapatid. Masaya siya at sa wakas ay nahanap na rin ni Madizon ang lalaking mamahalin nito pero hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Ayon kay Madizon ay mataas na ang katungkulan ni Joaquin sa trabaho. Natatakot siya at baka sangkot si Joaquin sa organisasyon ng sindikato. Wala siyang tiwala sa mga pulis dahil halos lahat ng kasanghot sa sindikato ay hawak ang kapulisan. Kailangan niyang alamin kung ligtas ba si Madi sa magiging asawa nito dahil kung hindi ay hindi siya makakapayag na maging miserable ang buhay ng kapatid. Ayaw niyang magaya ang buhay ni Madi sa kanilang ina. Sana lang ay hindi nagpapadalos-dal

