CHAPTER FIFTY SEVEN Joaquin's pov HINDI maintindihan ni Joaquin kung ano ba talaga ang gusto sa kanya ni Olive. Wala na itong ginawa kundi ang kulitin siya sa text at kung minsan pa ay tinatawagan pa siya. Limang taon itong nawala pagkatapos ay babalik na parang wala lang ang lahat? Hindi niya mapigilang hindi mainis. Pakiramdam niya ay ginagamit ito ng kanyang ama laban sa kanya at nagpapagamit naman ito upang masira siya kay Madizon at upang hiwalayan siya. Hindi niya alam kung ano ang sinabi ng kanyang ama sa babae upang buntutan siya ni Olive. Aminado siyang minsan ay minahal niya si Olive. Sinundan niya pa ito sa Spain noon upang magmakaawa na balikan siya. Muntikan niya pa nga itong pakasalan. Handa niyang tanggapin noon si Olive kahit pa may iba na ito. Ganoon siya kabaliw noon

