Glenn’s pov HINDI MAPIGILANG hindi magalit ni Glenn habang nakatitig siya sa files ni SPO2 Madizon Clemente. Hindi siya makakapayag na maging parte ng kanilang pamilya ang babaeng ‘yon. Hindi ang tulad ni Madizon ang sisira sa kanyang pangalan. Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman na ang kaisa-isa niyang anak ay pumatol sa anak ng sindikato? Kahit pa hindi ito tunay na anak ng amain nitong si Clinton ay nakatatak pa rin isipan ng mga tao ang sinapit ng pamilya ni Madizon. Malay niya ba kung pati pala ito ay pinagsawaan ni Clinton? Ayaw niyang pagtawanan ng mga tao ang kanyang anak. Kilala siya sa lipunan. Tiyak na uungkatin ng mga tao ang kanyang buhay. Hindi lamang buhay niya kundi pati buhay ng kanyang pamilya. Ang ginagawa niya ay upang protektahan si Joaquin. Hindi pa

