Gab’s pov ANG LAKAS ng kabog ng puso niya habang lulan sa kanyang sasakyan. Kinakabahan siya na baka hindi niya maabutang buhay ang binatilyong nakita niya kanina. Kung maisasakay niya lamang sana ito sa kanyang mountain bike ay gagawin niya. Naging alerto rin siya sa paligid. Malikot ang kanyang mga mata upang pagmasdan kung may mga taong kahila-hinala sa paligid. Tiyak niya kasing iyon ang naghahanap sa binatilyo. Sa dumi ng nakikita niya kanina sa binatilyo ay natitiyak niyang tumakbo ito malayo sa mga humahabol dito. Nang matiyak na wala namang sasakyan paparating ay hininto niya ang kanyang sasakyan kung saan niya iniwan ang binatilyo. Kaagad siyang pumasok sa masukal na talahiban. Kinabahan siya nang hindi niya ito nakita kung saan niya ito iniwan. “I’m here,” ungol na wika ng

