Teresa’s pov MAHIGIT DALAWANG dekada nang umaasa si Teresa na makikita niya muli ang kanyang dalawang anak pero hanggang pangarap na lamang siya. Baka nga hindi na siya kilala ng kanyang dalawang anak o baka naman wala na ang mga ito. Nanghihina siya sa tuwing na iniisip niyang wala na ang kanyang dalawang anak. Parang sinasaksak ang kanyang puso sa sakit. Wala siyang nagawa upang damayan ang mga ito. Wala siyang kwentang ina. Hanggang sa mamatay na siguro siya ay hindi niya na makikita pa ang kanyang dalawang anak na isinadlak niya sa putik. Siya ang humukay sa libingan ng dalawa niyang anak. Nananatili na lamang siya sa isang malaking bahay na nagsilbing hawla niya sa mahabang taon. Pakiramdam niya ay kaparusahan niya ang iyon dahil naging pabaya siya ng ina. Napatitig siya sa larawan

