CHAPTER SEVENTY-ONE Madi’s pov NAPABALIKWAS siya ng bangon nang mapanaginipan niya ang kanyang Mama Teresa, kasunod nang pagtulo ng kanyang luha. Narinig niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Ang tinig na iyon ang kanyang pinananabikan na marinig na tanging sa panaginip niya lamang naririnig. Labis na ang pangungulila niya sa ina. “Heart?” tawag sa kanya ni Joaquin. Naalimpungatan ito ng gising. Sa bahay niya ito dumiretso pagkagaling nito sa Cagayan upang personal na makipagkita sa kaibigan upang alamin kung totoo bang patay na si Marcus Legaspi at anak nito. Bumangon si Joaquin at binuksan ang lampshade. Nang masilayan niya ang mukha ng lalaki ay yumakap siya dito. Mabuti na lamang at nasa tabi niya lamang ito. May napagsasabihan na siya ng kanyang sama ng loob. “Napanaginipan

