CHAPTER SIXTY-SIX Anna's pov HINDI maintindihan ni Anna ang sarili kung bakit sumaya siya sa pag-amin ni Gab sa tunay nitong nararamdaman. Ang pintig ng kanyang puso ay lalo pang lumakas. Lihim siyang kinilig lalo na sa mga ngiti nito na nakakaakit pagmasdan. Tinitigan niya si Gab pagkatapos ay binawi niya ang kamay na hawak nito. Ngumiti siya sa lalaki at umiwas ng tingin. "Mahirap magmadali Gab dahil mahirap magkamali. Wala pang isang buwan na magkakilala tayo at masyadong mabilis naman para sabihin mo na mahal mo na ako. Hindi naman sa pinagdududahan ko ang nararamdaman mo. Ang akin lang kasi ay gusto pa kitang makilala. Isa pa ay hindi mo pa rin ako kilala ng lubos," mahaba niyang wika kay Gab. Tumango si Gab sa kanyang sinabi. "Sana ay walang magbago pagkatapos kong sabihin ang

