Dominic's pov AKALA niya ay hindi papayag si Rica nang yayain niya ulit ito sa resort niya kung saan ay gaganapin ang kasal ni Madi at Joaquin. Si Rica ang dahilan kung bakit nauna siyang umalis. Alam niyang ayaw nitong may ibang tao pero dahil sa kanya ay pumayag ito. Nangako rin siya rito na hindi niya ito pipilitin na lumabas ng kwarto kung ayaw nito. Kung pwede nga lang na double wedding ang magaganap ay mas masaya sana pero hindi niya pipilitin si Rica dahil lamang sa gusto niya. Hihintayin niya ang tamang pagkakataon para sa kanilang dalawa. Nadatnan niyang nakaupo lang si Rica sa kama ng silid niya. Malalim ang iniisip nito. "May problema ba?" tanong niya kay Rica. Umupo siya sa kama malapit sa babae. Kanina pa kasi ito walang kibo sa sasakyan. "Wala naman. Naiisip ko l

