Gabriel’s pov HINDI INAASAHAN ni Gabriel na ipapakilala ni Anna sa kanya si Lara. Walang mapagsidlan ng saya ang kanyang puso nang tawagan siya nito upang makipagkita. Niyaya lang naman siya nitong sumama sa kasal ng kaibigan nito sa Subic. Napansin niya ang saya sa mga mata ni Anna nang magkita sila. Alumpihit pa nga siyang lumapit dito pero nangh yakapin siya ni Anna ay nawala ang kaba na kanyang nadarama. Siya ang nagmamaneho ng sasakyan papuntang Subic. Napansin niyang tulog sa likuran ng sasakyan si Lara. Ginanap niya ang kamay ni Anna at pinisil iyon. Tiningnan siya ni Anna at gumanti ng pisil sa kanyang kamay. “I love you,” wika niyang mahina ang boses sa takot na marinig ni Lara. “I love you too,” tugon ni Anna. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil malakas ang pagkakasabi nito. “

