Madi’ pov Ang mga camera ay nagkikislapan sa paglabas ni Mama Wilma, Mama Teresa at Matthew sa naturang presscon na inihanda ni Joaquin. Ang lahat ay nagtataka dahil ang alam ay patay na si Mama Wilma. “Ako si Wilma Sandoval. Nasa harapan niyo ako ngayon upang sabihin ang totoo. Totoong pinagtangkaan ng kaibigan kong si General Vince Angeles ang aking buhay. Makikipagkita sana ako sa aking private investigator na nawawala rin ngayon ng mga oras na iyon. Nag-text sa akin ang private investigator ko kung kaya ako pumunta. Ang hindi ko alam ay may plano pala si Vince na patayin ako, hindi ko alam na siya pala ang nag-set up sa akin upang pumunta ako sa lugar na iyon. Mabuti na lamang atg nakaligtas ako. Si Vince Angeles ay nagtatago na ngayon dahil sangkot siya sa isang malaking sindikato.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


