Joaquin’s pov MABUTI na lamang at nagtagumpay sila na palitan ang driver ni General Vince Angeles. Inalok lang naman nila ito ng one hundred thousand pesos ang driver nito. Nang una ay ayaw pa nito pero nang kalaunan ay pumayag na rin. Kinausap din nila itong lumayo na at ngayon ay hawak na nila si General Vince. Magbabayad na ito sa lahat ng kasalanan nito. Mahigpit ang naging yakapang ng mag-iina nang magkita-kita ang mga ito. Nang makita nila si Matthew ay marungis ito. Ilang oras din pala itong tumakbo makalayo lamang sa kanilang ama. Hindi niya akalain na nagawang saktan at paputukan ng baril nang kanyang ama ang sarili nitong anak. Likas na matapang lamang si Matthew kahit pa labis ang pinagdaanan nito. Ang mukha nito ay may pasa. Ang dalawang paa ay puno ng sugat dahil tumakbo ito

