CHAPTER 105 Madi’s pov NAPANSIN ni Madi na napailing si Joaquin sa statement na inilabas ng ama nitong si Glenn. Kinampihan lang naman nito si General Vince sa pagpatay kay Mama Wilma. Mabuti na lamang talaga at buhay ang ina ni Joaquin. Salamat na lamang sa kanyang Ate Mari. “Sa tingin ko ay magkasabwat si Senator Glenn at General Vince Angeles,” wika ni Mari. Nasa sala sila ng mga oras na iyon. Katabi niya si Joaquin at nasa tabi naman ni Mari ang asawa nitong si Dominic. “Mukhang nagtatakipan sila,” sabat naman ni Dominic. “Ang tanong diyan ay kung kasabwat ba si Glenn Sandoval sa sindikato?” wika pa ni Mari kaya napatitig sila rito. "Hindi ko lang maiwasang hindi magtaka. Asawa niya pa rin si Wilma pero bakit kinakampihan niya si Vince? Anong pinagtatakpan nilang dalawa?" dagdag

